Chapter Two
Wala na sa tabi ko si mama nang magising ako. Wala na rin si ate Nena na natulog sa kabilang kama. Anong oras na ba? Tirik na ang araw ng silipin ko ang bintana. Tumayo na ako at niligpit ang pinaghigaan ko. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas.
Naabutan ko si mama na naghuhugas ng pinagkainan, napahinto ito ng makita ako.
"Nagugutom ka na ba? Kumain ka na muna," sabi nito sa akin.
"Kumain ka na ba ma?" tanong ko. Pinunasan nito ang kanyang kamay at humarap sa'kin. "Tapos na, ikaw na lang ang kakain." tumango ako at umupo na.
Pinagsilbihan ako ni mama, tapos na rin kaya kumain ang mga amo niya? Ang aga naman ata nilang kumain. Kung sabagay ay may mga trabaho ang mga 'yun.
"Sa sala muna ako at maglilinis lang," tumango na lang ako sa kanya at nag umpisa ng kumain. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita.
Fried egg, bacon, and fried rice ang nakahain sa mesa. Meron ding isang baso nang gatas. Hindi naman ako baby para mag gatas, kung sabagay, bawal ako ng kape.
"Good morning, Aj," nakangiting bati ni ate Nena sa akin, she's holding a hose. Hindi ko alam kung para saan niya 'yun gagamitin.
"Good morning po, kumain na po kayo?" tanong ko sa kanya.
"Tapos na, sabay kami ng mama mo kanina." aniya. Tumango na lamang ako sa kanya. Hindi ko na siya nakausap dahil mukang busy siya.
Pagtapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Hinanap ko si mama, nakita ko ito sa may garden, nagdidilig ng mga halaman. Naglakad ako papunta sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa akin.
"Wow, ang ganda pala dito!" manghang sabi ko, nasa gitna ang pool habang nasa magkabilang gilid ang mga tanim na bulaklak at mga halaman. Iba ibang klase ng mga bulaklak ang nakatanim dito, iba iba ang kulay. May kubo sa dulo na nagsisilbing cottage, malaki kasi ang kubo. Kasya ang sampung katao. Iba talaga kapag mayaman.
"Mas maganda kapag gabi," sabi ni mama sa akin.
"Bakit naman?" takang tanong ko.
"Maganda ang mga ilaw dito," aniya, inikot ko ang paningin ko. Parang gusto ko na tuloy mag gabi para makita ko.
"Anong gagawin ko rito ma?" nakangusong sabi ko, sa bikol, kapag ganitong walang pasok ay nasa bukid kami ng mga pinsan ko, minsan ay tumatambay pero madalas ay tumutulong kami sa pagtatanim.
"Wala, hindi ka pwedeng gumala, hindi mo alam ang lugar dito," aniya, mas lalong humaba ang nguso ko.
"Wala bang park dito ma?" tanong ko sa kanya.
"Meron, kung gusto mong pumunta doon ay dalhin mo si Fur, para naman nakakalabas ang asong 'yun." agad lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.
"Talaga ma? Ngayon na ako lalabas!" excited na sabi ko, sinamaan ako nang tingin ni mama saka umiling sa akin, tinapos niya na muna ang pagdidilig sa mga halaman. Pagkatapos ay tinabi niya sa gilid ang hose na ginamit niya.
Naglakad si mama papasok sa loob kaya sinundan ko siya, agad sumalubong sa kanya ang tatlong aso. Lumapit sa akin si Fur kaya naman ay umupo ako para bitbitin ito.
"Babae o lalaki ito ma?"
"Babae iyan, kaya 'wag mong ilalapit sa ibang mga aso. Baka mamaya ay masalisihan ka. Masyado pang bata 'yan." sabi ni mama sa akin.
Ang strict naman pala ng nag aalaga sa'yo!
"Ayaw kasi ni Andres na ipabuntis 'yan," dugtong nito, nagkibit balikat na lang ako.
Kinuha ni mama ang tali nito, pinusod ko ang mahaba kong buhok para hindi buhaghag habang naglalakad.
"May mga signs sa dadanaan mo, hindi ka maliligaw. Dalhin mo lang ang cellphone mo at mag text ka kapag naliligaw kayo,"paalala ni mama.
"Sige po,"
Tinandaan ko ang street ng bahay. Nag umpisa akong maglakad habang hawak ang tali ni Fur. May mga ilan kaming nakasalubong kaya naman tinatahulan niya. Hindi naman malayo ang park sa bahay nila kaya agad kaming nakarating. Dahil maaga pa, marami akong batang nakikitang naglalaro. Masyadong malaki ang park, may mga nagtitinda. Sana pala ay nagdala ako nang pera.
Umupo ako sa bench, hindi ko binitawan ang tali niya at baka mawala ko siya. Mukang mahal na mahal siya ng amo niya, kaya kailangan ay ingatan ko ito.
"Kumain ka na ba, fur?" tanong ko sa kanya.
"Ako oo, pero nagugutom pa ako." sambit ko. Tinignan ko ang mga nagtitinda. Bakit ba hindi ko naisipan na magdala ng pera? Edi sana ay nakabili ako.
"I know that dog, Andres is already here?" agad kong nilingon ang nag-salita. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang matangkad na lalaki na nasa harapan ko habang nakaturo kay Fur.
"Huh?" Nagtatakang tanong ko.
"Is that Fur?" muling tanong nito, pengeng tissue!
"Ha? Oo," naguguluhang sagot ko sa kanya.
Nabigla ako ng umupo ito sa tabi ko, agad kong naamoy ang shower gel na ginamit niya. Ang bango niya a, bigla akong nahiya. Halatang bagong ligo siya, samantalang ako ay hilamos lang.
"Nakabalik na sila Andres?" muli na namang tanong nito. Kung makipag usap siya ay para bang magkakilala na kami. Feeling close huh.
"Ha? Hindi pa," sambit ko, sino bang Andres? Iyon ba 'yong anak ng amo ni mama? 'Yong gwapo sa portrait?
"Ah, akala ko ay nariyan na sila. Btw, who are you? New yaya?"kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
" Hindi, pero ang mama ko ay oo. "sabi ko.
" Ah, si ate Nena? "kumunot ang noo ko, madalas ba siya doon?
" Hindi, si Kristina. "tumango naman ito.
" That's Andres dog, "aniya sabay turo sa aso. Inaangkin ko ba?
" Ah, yeah? Pinalabas lang ni mama sa akin,"sambit ko.
" I'm Casper, you are?"inilahad nito ang kanyang kamay sa aking harapan. Bakit ba feeling close siya? O friendly lang talaga siya?
" Aj,"tipid na sagot ko pero hindi ko tinanggap ang kamay niya, nakita ko ang pag kamot ng ulo nito.
" Sungit mo naman,"aniya.
" Hindi naman, it just—hindi kita kilala. "pag amin ko.
I heard him chuckled kaya tumingin ako sa kanya." That's why I introduced myself to you,"aniya, nagkibit balikat na lang ako sa kanya.
" Kailan ang balik nila Andres? "
" Is he your friend? "tanong ko sa kanya, nabigla ito sa tanong ko.
Kanina pa siya tanong ng tanong, e hindi ko nga kilala kung sino ang tinutukoy niya.
" Ahm, I think?"alinlangang sagot niya.
" You think? Why?"usisa ko, huli na ng mapagtanto ko ang tanong ko. Kaya ayokong kumakausap ng hindi ko kilala e, hindi ko mapigilan ang bibig ko!
" Well, were in a complicated situation, that's why. "kibit balikat niyang sabi, hindi na ako nagtanong pa.
Wala nang nagsalita sa amin, hindi ko alam kung bakit nandito pa siya. Wala rin naman akong balak na kausapin siya, even though he introduced his self, nakalimutan ko ang pangalan niya.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Agad kong sinagot ng makitang si mama ang tumatawag.
"Ma,"
"Nasaan ka?"
"Nasa park na, bakit?" tanong ko.
"Umuwi ka na," aniya, ngumuso ako. Hindi ko pa masyadong na-e-enjoy dito. Wala pa ata akong isang oras na narito.
"Sige po," hindi na ako nakarinig ng salita mula sa kanya. Binaba niya ang tawag kaya tinago ko na ang cellphone ko. Tumayo ako at napansin na nakatingin siya sa akin.
"Uuwi ka na?" tanong niya.
Inayos ko ang pagkakahawak ko sa tali ni Fur saka tumango sa kanya.
"Oo, pinapauwi na ako ni mama." tumayo rin ito, he pat fur head before nodding to me. Nagpaalam na ako sa kanya bago maglakad palayo.
Sa sunod na punta ko rito ay magdadala na ako ng pera, how about later? Pwede naman siguro, isama ko na lang si mama. Wala naman siguro siyang gagawin mamaya.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si mama na kausap ang mag-asawa. Agad dumako ang tingin nila sa akin.
"Maliit ang kwartong 'yon sa inyo, Kristina." rinig kong sabi ng lalaki, anong pinag uusapan nila?
"Hindi na ho, sir. Ayos na ho kami doon." sabi ni mama.
Ngumiti sa akin 'yong babae, ano ang itatawag ko sa kanya, ma'am?
"We have a guestroom. Gusto mo bang doon ka na lang matulog?" tanong ng babae sa akin, nanlaki ang mata ko. Iyon ba ang pinag uusapan nila?
"Naku, madam. 'Wag na ho," tanggi ni mama sabay tingin sa akin, kahit gusto ko ay umiling ako. Mga tingin pa lang ni mama ay nakakatakot na!
"Ayos na ho ako sa higaan ni mama," nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumuso ito.
"Hindi e, you're going to study. So, kailangan mo ng peace place." aniya. Napaisip naman ako sa sinabi niya, she's right. Pero si mama pa rin ang masusunod.
"Sige na Kristina, wala namang gumagamit ng kwartong iyon. Maluluma lang na tignan kahit na laging nililinisan," sabi ng lalaki. I crossed my finger, hoping that my mom would say yes to them. I heard her sighed. Tumingin siya sa akin. It means...
"Gusto mo ba?" nabigla ako sa tanong ni mama. Having an own room is my dream! Kahit na hindi sa amin ang bahay na ito ay ayos lang.
"Ikaw ba ma? Ikaw po ang masusunod," sabi ko sa kanya.
"Tama naman si madam, mag aaral ka kaya kailangan mo ng tahimik na lugar," sabi ni mama sa akin, ngumiti ako ng ngumiti siya sa akin.
"Edi ayos na, hindi naman mawawalay ng tirahan sa'yo 'yang anak mo." sabi ni madam sa kanya.
"Ganyan din ako, nang balakin ng kambal na mag aral sa ibang bansa." dugtong pa nito, ngumiti na lang ako ng alanganin sa kanya at nagpasalamat.
Sinimulan kong ayusin ang gamit ko, pumasok si mama sa kwarto kaya napatigil ako. She sat on the chair, she helped me to fix my things.
"Eto ang pangarap mo 'di ba?" tanong nito sa akin, nakangiting tumango ako sa kanya.
"Ingatan mo lang ang kwartong iyon, hindi atin ang bahay na ito." mabilis akong tumango.
"Yes ma, konti lang naman ang gamit ko." sabi ko.
"Kapag nagkaroon ako ng oras ay hahanap ako ng tirahan na dalawa ang kwarto, para parehas tayong meron."
"Hindi ka mag i-stay-in dito ma?" agad na tanong ko.
Umiling ito, sinara nito ang bag ko saka nilapag sa baba. "Hindi na, pero syempre malapit lang dito ang rerentahan natin para uwian ako,"
Tumayo ako at lumapit kay mama, marahan ko siyang niyakap. "Thank you, ma a. Thank you sa lahat," sincere na sabi ko. She tap my head.
"Lahat ay gagawin ko para sa'yo," aniya, nagsimulang mangilid ang luha ko.
"Mahal kita, ma."
I heard her laugh kaya ngumuso ako," Mahal din kita anak, kaya 'wag mong sayangin ang lahat ng sakripisyo ko sa'yo." tumango ako.
Tinulungan niya akong dalhin ang gamit ko sa kwartong gagamitin ko. Wala ang mag asawa, ang alam ko ay pumasok sa trabaho nila. Pag akyat sa hagdan ay may ilang kwarto akong nakita.
" Ilang floor ito, ma? "tanong ko.
" Tatlo, "aniya." Pero ang nasa third floor ay kwarto ng kambal, kung baga sakop nila ang buong floor. Meron palang isang kwartong bakante doon, "sabi ni mama.
Bubuksan na sana ni mama ang puting pintuan ng tawagin siya ni ate Nena.
" Bakit?"tanong ni mama.
" Sa third floor daw, sabi ni madam. 'Yong bakanteng kwarto doon, sa tabi ni sir Andres."
"Akala ko ay dito?" tanong ni mama.
Nagkibit balikat si ate Nena, "Ang sabi sa akin ay sa taas daw," tumango si mama.
"Tara,"
Umakyat ulit kami, umawang ang bibig ko ng makita kung gaano kalawak ang third floor. Apat na pintuan ang narito, dalawang puti at dalawang itim.
"Eto ang kwarto ni Anastasia," sabi ni mama sa puting pintuan na nasa bungad ng hagdan.
"Eto ang library nila na kunektado sa kwarto nila." sabi naman ni mama sabay turo sa itim na pintuan. Pwede kaya akong pumasok diyan? I love reading books.
"Pwedeng pumasok diyan, ma?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam e, pag dumating na ang kambal. Magpaalam ka,"
Sunod naman na tinuro ni mama ang isang puting pintuan. Nasa dulo na ito.
"Diyan ang kwarto ni Andres." aniya.
"Masungit ba 'yon ma?" tanong ko sa kanya.
"Ahm, hindi naman. Pero konti."
Binuksan ni mama ang itim na pintuan. Namangha ako ng makita kung gaano ito kalawak. May bed na agad akong nakita na nakalagay sa gitna.
"May sariling cr ito," sabi ni mama.
Nilapag ko ang maleta ko at nag umpisang ikutin ang kwarto. Pastel color ang tema ng kwartong ito. Napangiti ako ng may sariling closet doon, hindi ko siguro magagamit ito lahat dahil konti lang ang dala kong damit. May malaking salamin, vanity table, may study table na nasa tabi ng kama.
"Ang ganda ma," sabi ko kay mama.
Nilapag niya ang back pack ko sa sofa, may sarili pang sofa! Meron din akong nakitang tv na nasa harap ng kama. Sayang naman kung hindi nila ito nagagamit.
"Hindi naman ganito kaayos dito," sabi ni mama, hindi ko iyon narinig.
"Ano, ma?" tanong ko sa kanya, umiling lang ito sa akin.
"Wala, ayusin mo na ang gamit mo, iaakyat ko ang iba."
"Ako na lang ang kukuha ma,"
"Hindi na, umpisahan mo ng ayusin 'yan para makakakain ka na nang tanghalian." tumango na lang ako sa kanya at inumpisahan ko ng ayusin ang mga gamit ko.
Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang nilalagay ang mga damit sa closet. Sobrang sarap sa pakiramdam. Para bang pagmamay-ari ko ang kwartong ito.
" Pagtapos mo diyan ay bumaba ka na at kakain ka pa ng tanghalian."
"Sige po, bibilisan ko."
Pagtapos sa mga damit ay inayos ko ang study table. May ilang libro ako na nilagay sa maliit na shelves. Kapag nagkapera nga ako ay bibili ako nang libro. Pagkatapos kong mag-ayos ay kumuha ako ng damit sa closet para maligo.
Nakangiting pinagmamasdan ko ang sarili ko sa malaking salamin. I'm wearing a black shorts and loose shirt. Ti-nuck-in ko ito para hindi mag mukang dress. Nandito lang naman ako, ayos na siguro ang ganitong suot. Pagtapos kong patuyuin ang buhok ko ay bumaba na ako, saglit ko pang pinasadahan ng tingin ang kwarto bago tuluyang bumaba.
Naabutan ko si mama na naghahanda sa mesa, may tatlong pinggan ang naroon. Ngayon ko lang napansin na sila lang pala ni ate Nena ang narito, ang sabi ni mama ay kasama ng kambal ang dalawa pa nilang kasamahan. Ang swerte naman nila, nakapunta sila ng ibang bansa. Buti na lang at hindi si mama ang sinama doon.
"Tara na, Aj, kumain na tayo,"
Nagkwentuhan lang sila ni ate Nena, minsan ay sumasabay ako kapag tinatanong nila ako. Nalaman ko na tatlo ang anak niya at ang panganay niya ay pupunta rito para mag-aral. Napagkasunduan nila na sa iisang eskwelahan na lang kami mag-aral, kasama ni Adelaida.
Alas tres ng umakyat ako sa kwartong tutuluyan ko, masyadong tahimik ang third floor. Pero hindi naman nakakatakot. Pagbukas ko ng pinto ay agad akong humiga sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na di-ni-al ang number ni Adelaida. May wifi kaya dito? Nakalimutan kong tanungin si mama.
"Hoy, ano? Maganda ba?" agad na tanong ng pinsan ko.
"Oo, ang laki ng bahay nila. Mala mansyon ang itsura!" sabi ko sa kanya.
"May sariling kwarto ka?"
"Meron, pero kagabi ay magkatabi kami ni mama. Pero, kanina ay sinabi ng amo ni mama na dito muna ako pansamantala. Ang bait ng amo ni mama!" sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Tumawa ito ng mahina, "Edi masaya ka niyan? Natupad na isa sa mga hiling mo," ngumiti ako kahit hindi niya kita. "Oo naman,"
"Kailan ang punta mo rito?" tanong ko.
"Next month, ayaw pa akong pakawalan ni mama." natawa ako.
"Pagdating mo ay hanap na tayo ng school,"
"May alam ako, medyo may kataasan nga lang ang tuition fee," ngumuso ako. "Pero may scholarship naman, alam kong papasa ka."dugtong niya.
Saglit pa kaming nag usap bago ibaba ang tawag. Kailangan na siya sa bukid, buti at saktong break nila ng tumawag ako. Nilapag ko ang cellphone ko sa bedside table saka tumingin sa ceiling ng kwarto. It's color white, high ceiling but it's kinda boring. Dikitan ko kaya ng mga stars? Napangisi ako sa naisip.
Umayos ako ng higa patagilid, hindi ko namalayan na unti unti na pala akong nakatulog.