Tahimik akong kumakaing mag isa habang naglilinis si mama sa kusina. Isang linggo na ako dito sa maynila, isang lingo na rin akong naboboring. Tumutulong naman ako sa gawaing bahay pero pinipigilan nila ako. Lalo na si mama. Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko. Napanood ko na ata ang mga pending movies ko, naki-connect kasi ako ng wifi, ang sabi ni mama ay nasa kwarto daw ni Andres ang pinakamalapit sa akin. Kaya malakas ang wifi.
"Tapos ka na?" tanong ni mama sa akin.
"Hindi pa po," sabi ko.
"Kailan darating si Adelaida?" muling tanong nito.
"Next week na,"sagot ko.
" Antayin mo na lang siya, " aniya, hindi na ako nag salita.
Pagkatapos kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Alas diyes na nang umaga, tinanghali ako nang gising dahil anong oras na ako nakatulog. Maybe I should enjoy this, baka kasi pag nag aral na ako ay hindi ko na magawa ito. I heard, magiging busy kapag nagkolehiyo ka na. You can't find time to watch your favorite movies, dramas, series, or you can't read your favorite books. Iyon ang sabi nila.
Pagtapos ay pumunta ako sa sala, hindi ko naabutan ang mag-asawa dahil maaga daw itong umaalis para sa trabaho. Nalaman ko din na baka ngayong linggo na uuwi ang kambal nilang anak. Bigla tuloy akong kinabahan, baka hindi ko na magawa ang mga ginagawa ko ngayon. Nasa iisang floor lang din ang kwartong tinutuluyan namin, hindi naman siguro sila masungit 'di ba?
Nakipaglaro ako kay Fur, siya lang kasi ang pwedeng pumasok dito sa loob. Ang dalawa ay nasa labas, nagsisilbing bantay sa gabi. Minsan naman ay pumapasok sila dito sa loob pero hindi nagtatagal.
"Come here, fur!" tawag ko sa aso. Agad itong lumipat, she's starting to lick my hand. I giggled.
"Ang cute mo talaga!" sambit ko.
Umupo ako sa carpet at nakipaglaro sa kanya. Para akong batang natutuwa habang pinapahabol sa kanya ang laruan nyang bola. Ihahagis ko ito at ibabalik niya sa akin.
"Na trained ka ng amo mo, ang galing mo e." puri ko sa kanya sabay himas sa ulo. She barked then licked my hand again.
Muli kong hinagis ang laruan niya. Hindi niya ito nakuha dahil gumulong ito pailalim sa isang cabinet na lagayan ng mga frames. Napanguso ako.
" Hagis ko, ako ang dadampot?"nakangusong tanong ko sa kanya, tumahol ito. Pinilit kong itayo ang sarili ko para kuhanin ang bola niya.
" Di ko maabot a!" sabi ko sa kanya habang inaabot sa ilalim ang bola, nasa tabi ko lang siya, nag aantay sa kanyang laruan.
Nang makuha ko na ang bola at iaabot na sana sa kanya ay may isang pares ng sapatos akong nakita. Kulay itim ito, dahan dahan kong iniangat ang tingin ko. Isang lalaki ang nakakunot ang noo sa akin, he's holding fur! Nang mapagtanto ko ang posisyon namin ay agad akong tumayo.
Napalunok ako ng makita kung gaano ito katangkad. Hanggang balikat niya lang ata ako. Matangkad na ako para sa edad ko a.
"O, hi? Who are you?"napatingin ako sa babaeng nasa gilid niya. Nahiya ako bigla sa suot ko. She's wearing a black tube dress na pinatungan ng itim blazer sa kanyang balikat. Samantalang ako ay pants at malaking puting damit lang, susko! Sino ba sila?
" Nandiyan na pala kayo!" narinig ko ang boses ni mama sa likuran nila, lumingon ang dalawa sa kaniya.
"Long time no see, ate." sabi nang babae sa kanya.
Hindi kaya... Eto na ang kambal? Nakakapanliit dumikit sa kanila. They look expensive, para bang ang hirap nilang hawakan.
"Bakit hindi kayo nagsabi?" tanong ni mama sa kanila.
Akala ko ay sa mga susunod na araw pa! Hindi man lang maayos ang suot ko. Sana ay napaligo na muna ako bago sila dumating. Buti na lang at nakapaghilamos naman na ako.
"Para hindi na kayo maistorbo," sabi ng babae. What's her name again?
Nagtama ang paningin namin ni mama, naglakad ito palapit sa akin saka hinila ako paharap sa dalawa.
"Eto nga pala ang anak ko, 'yung sinasabi ko sa inyo," nakangiting pagpapakilala ni mama sa akin. Hindi ko alam kung maayos na ngiti ba ang pinakita ko sa kanila. Basta ang alam ko ay nahihiya ako!
Ngumiti ang babae sa akin, inilahad nito ang kamay sa aking harapan." Hi, nice to meet you, I'm Anastasia but you can call me Z, stands for Zendaya. So, Anastasia Zendaya is my real name, Sawyer is my surname." mahabang pagpapakilala nito sa akin.
Tatanggapin ko ba ang kamay niya? Ang choosy ko naman kung hindi.
Ngumiti ako saka tinanggap ang kamay niya. Ang lambot!
" I'm Aj," maiksing pagpapakilala ko, nakita ko ang pag nguso niya. Kinakabahan ako!
" Ang iksi mo naman magbigay ng pangalan, ate. "sabi nito kay mama.
" Amarine Jade is my real name, masyadong mahaba kaya AJ, "sabi ko sa kanya, tumango naman ito.
" And, this is my twin brother, ako na ang magpapakilala dahil alam kong wala naman siyang balak na magpakilala. "aniya, sinulyapan ko ang lalaking nasa tabi niya. He still holding Fur, umangat ang kilay nito ng magtama ang paningin namin. Ang sungit a!
" He's Andres Zachary Sawyer, 21, incoming first year college. He's my twin brother so it means I'm 21 na din, "conyong sabi niya. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy ito sa pag sasalita.
" Future business man siya, buti na lang. You know, I hate business! And, he's single and ready to mingle." muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi niya. Binebenta niya ba ang kapatid niya?
"What the f**k, Zendaya?" sabi nito sa kapatid. Nakita ko ang pag nguso niya.
"I told you! Don't mentioned my second name!" sambit nito sa kapatid.
Umiling si Andres sa kanya, "Whatever," aniya, isang dapo ng tingin ang ginawad nito sa amin at walang salitang naglakad palayo at umakyat sa taas. Hawak niya pa rin si Fur, mukang hindi ko na malalaro 'yon a.
"Nakakainis talaga 'yong lalaking 'yon." bumalik ang tingin ko kay Tasha, Tasha na lang siguro ang itatawag ko sa kanya.
"Hindi pa rin kayo nagbabago, Anastasia." umiiling na sabi ni mama sa kanya.
"I'm hungry, may food na ba?" tanong nito, hindi pinansin ang sinabi ni mama.
"Meron pa, buti nalang. May gusto ka bang ipaluto?" umiling ito. "Hindi na, nagugutom na ako at gusto ko ng matulog," nauna itong maglakad papunta sa kusina. Sinundan ko lang siya ng tingin.
"Dito ka na muna, aasikasuhin ko lang 'yon." sabi ni mama, tumango ako sa kanya.
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Hindi ako handa, hindi talaga! Gusto ko sanang umakyat sa kwarto pero baka makasalubong ko ang masungit na 'yon. Hindi ko alam kung paano siyang kakaharapin.
Pumunta na lang ako sa garden at umupo. Hindi naman gaanong mainit, makulimlim ang kalangitan. Tumayo ako at naglakad palapit sa pool, itinabi ko ang tsinelas kong suot saka umupo sa gilid habang nakasawsaw ang aking paa.
Hindi ko pa nasusubukan na maligo dito. I don't know how to swim, hindi ko kayang mag take ng risk dahil baka pag nalunod ako ay walang makakita. Edi patay, hindi pa ako nagkakaboyfriend kaya 'wag muna.
Tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito sa bulsa ng pants ko at agad na sinagot ng makitang si Adelaida ang tumatawag.
"Hello," sagot ko.
Narinig ko sng pag tili nito dahilan para ilayo ko ang cellphone ko sa akin. Muli ko itong binalik.
"Ano ba? Ang sakit sa tenga a!" reklamo ko sa kanya. Narinig ko ang pag tawa niya.
"May chika kasi ako,"agad akong umayos ng upo ng marinig ko ang 'chika'
" Talaga? Ano? Spill the tea!" nagmamadaling sabi ko sa kanya.
" Tsismosa ka talaga, anyway. Kilala mo naman si Kian 'di ba?"agad napawi ang excitement ko ng sabihin nya iyon. Walang kwentang chika na naman ang ku-kwento niya.
" Yeah,"tamad na sabi ko.
" Good news itong sasabihin ko, 'wag kang ano diyan."umirap ako sa hangin. Pagdating sa lalaking 'yun ay hindi ako na excite.
" O, ano nga?"
" He confessed!"nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maiwasan ang umawang ang bibig ko.
" He or you?"paninigurado ko.
" Of course siya! I told you, hindi ako aamin."aniya.
"But how? I mean, he hates you, right?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Kian is her ultimate crush. Nasa senior pa lang kami ay crush na crush niya na ito. Hindi namin siya kaklase dahil mas matanda sa amin ito ng dalawang taon. Ngayon ay third year college na ito. Dahil malapit lang ang tinitirhan ni Kian sa tinutuluyan namin kaya doon gumawa ng move si Adelaida.
"No one can't resist my hotness, Jade. Duh," muli akong umirap.
"Whatever, bakit ang tagal mong pumunta rito?" tanong ko, i heard her laugh.
"Calm down your ass, Jade. I'm currently packing my things." ngumisi ako.
"Iiwan mo si Kian?" tanong ko.
"What? He just confessed, Jade. Besides, alam ko naman ang totoong dahilan kaya walang dahilan para mag stay ako dito." aniya, hindi na ako nagulat.
"Whatever, Adelaida. You always do that."
"Do what?" inosenteng tanong nito sa akin, umiling na lang ako.
"Baka mamaya or bukas ng madaling araw ay nasa bahay na ako ni papa. Wait kita a,"
"Yeah, sure." ako na ang nagbaba ng tawag.
Saglit pa akong nagmuni sa pool bago naisipang pumasok sa loob. Anong oras na ba? Dumiretso ako sa kusina, parang gusto kong bumalik sa pool ng makita si Andres na kumakain mag isa, inaasikaso siya ni mama.
"Nagugutom ka na?" tanong ni mama sa akin, hindi ko siya sinagot. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa dingding. It's already lunch. Ang bilis naman ata ng oras.
"Sabay na lang tayo, ma."sabi ko sa kanya.
" Ha? Sige, sabay na lang tayo." tumango ako sa kanya at sinulyapan si Andres na hindi man lang nag angat ng tingin. Nasarapan ba siya sa nakahandang pagkain o wala lang talaga siyang pakeelam? Ano naman sa akin?
Nagpaalam ako kay mama na aakyat na muna sa kwarto. Tumango naman ito at sinabihan akong bilisan ko dahil kakain kami ng pananghalian.
Nakakailang na tuloy na pumunta rito. Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nakita nila ako dito? Katabi ko pa naman ang kwarto ng masungit!
Pagpasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa closet para kumuha ng damit. Natagalan pa ako dahil bigla akong na conscious sa susuotin ko. E, ano naman ngayon sa kanila? Sa huli ay kinuha ko ang maong shorts na hindi naman ganoon kaikli at malaking itim na shirt. Dito ako mas komportable.
Dahil may blower sa cr ay ginamit ko ito para matuyo ang basa kong buhok. Saglit ko lang itong ginamit. Dumiretso ako sa malaking salamin para tignan ang suot ko. Naka-tuck-in ang malaki kong damit. Hindi naman mukang mahirap ang suot ko. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok.
"There, you don't need to worry, Jade. You know how to speak english. Hindi man fluent pero nakakapag salita ka." mahinang sabi ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim bago naisipang lumabas ng kwarto.
Paglabas ko ay ang siyang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Andres. Ramdam ko ang paninigas ng katawan ko. Nang tignan ko ito ay umangat ang isang kilay niya sa akin.
"Ah, haha. Your mom wants me to sleep here," sambit ko sa kanya sabay kamot sa ulo. Why the hell did I say that?
"I didn't asked." malamig na sabi nito, isang sulyap ang ginawad niya saka naglakad pababa. Nakanguso ko siyang tinignan.
Tama naman siya, hindi siya nagtanong. Psh, kala mo naman gwapo kung makapag sungit. Well, gwapo naman siya. Turn off nga lang dahil sa kasungitang taglay niya.
Hindi maalis ang nguso sa labi ko ng makarating ako sa kusina. Inihahanda na ni mama ang pagkain sa mesa, sasabay si ate Nena sa amin. Kanina ko pa napapansin na ang ganda ng ngiti niya.
"Ang ganda ng ngiti natin a," puna ko sa kanya.
"Papunta na kasi si Alfred dito, excited lang ako. Halos isang taon ko rin hindi nakita iyong anak ko," madramang sabi ni ate Nena sa akin.
Si mama, sinisiguro niyang makakauwi siya buwan-buwan sa bicol. Hindi man ganoon katagal ang pag-i-stay niya sa bahay ay ayos lang, ang mahalaga ay nakita ko siya, umuwi siya.
" Bakit naman po? "tanong ko.
" Nag iipon kasi ako para sa pag aaral niya."sabi ni ate Nena, binigyan niya ako ng isang hilaw na ngiti.
" Kumain na tayo, "
Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila kaya tahimik lang akong kumakain.
" Alam na ba nila madam na nakauwi na ang kambal?"nag angat ako ng tingin kay mama ng itanong niya iyon.
" Oo, susunduin nila ang kambal dito mamaya. Sa labas ata sila mag di-dinner,"sagot ni ate Nena. Sosyal a, sa labas. Kung sa bagay, baka namiss lang nila ang anak nila.
Si ate Nena ang naghugas ng pinagkainan, hindi na ako umapela. Hindi rin naman niya ako pakikinggan.
"Aj, pakainin mo 'yong dalawang malaking aso sa labas. Hindi ka naman kakagatin ng mga iyon."sabi ni mama sa akin.
" Asan si Fur ma?"tanong ko.
" Nandiyan na si Andres, minsan mo na lang na makikitang nasa baba iyon."sabi ni mama sa akin, tumango naman ako. He really loves fur a.
Binigay ni mama sa akin ang dalawang lagayan, may pagkain na ito. Hindi ko alam kung ano ang mga laman nito, halo-halo e.
Tinanguan ako ng guard ng makita ako. Malapit kasi ang kulungan ng mga aso sa gate. Hindi naman ako kinakabahan ng makalapit ako, they didn't bark. Tama naman siguro si mama na hindi ako lalapain ng dalawang ito. Tingin ko kapag nakatayo ito ay mas matangkad pa sa akin.
Huminga ako ng malalim bago buksan ang kulungan nila, dahan dahan kong nilagay ang dalawang bowl sa harap nila. Inantay na muna nilang masara ang pinto bago kainin ang nilagay ko. Napangiti ako.
They trained them well huh.
Saglit ko lang silang tinignan bago maglakad pabalik sa loob. Dumiretso ako sa kwarto pagkatapos kong magpaalam kay mama. Humiga ako sa kama at tinuon ang paningin sa kisame.
"Another boring day."mahinang bulong ko sa sarili ko.