Chapter 4 – The Man from the Shadows

813 Words
Gabi na. Tahimik ang buong isla pero ramdam ni Loveleen na may kakaibang presensya sa paligid. Sa kabila ng malamig na simoy ng hangin, tumataas ang balahibo niya habang nakasilip sa bintana ng kwarto. Pagkatapos ng engkuwentro nila ni Hades kanina, alam niyang hindi lang simpleng “safehouse” ang kinalalagyan niya. It was a fortress. A prison. A battlefield. And now, danger was coming. Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Cain — isa sa mga most trusted men ni Hades. Matangkad, brusko, laging walang emosyon ang mukha. “Pack some things,” sabi nito. “Boss wants you in the south villa. Mas secured dun.” “Why? Anong meron?” “Possible breach,” sagot ni Cain. “Just follow orders, doc.” Loveleen’s heart started racing. Possible breach? So may darating na kalaban. Pero sino? At bakit siya ang target? Hindi na siya nagtanong pa. Sinunod niya si Cain, dala ang maliit na bag ng mga gamit. Habang bumababa sila ng hagdan, dumaan sila sa hallway kung saan naka-puwesto ang ilang armadong tauhan. Nakasuot na rin ang lahat ng bulletproof vests. Iba’t ibang uri ng baril ang hawak nila. Maya-maya, bumungad si Hades. Suot ang all-black tactical gear, hawak ang isang high-caliber rifle. His eyes were deadly calm. “Escort her to the villa. I want three men posted 24/7,” utos niya. “Yes, boss.” “Wait,” pigil ni Loveleen. “What’s going on, Hades? Sino ang darating?” He looked at her, sharp and intense. “Silvano.” Napakunot ang noo niya. “You think he found me?” “I know he did.” Lumapit si Hades, hinawakan ang braso niya. “I told you, Loveleen. You’re not safe. Not with him out there.” “Then let me leave!” bulalas niya. “Hayaan mo na akong bumalik sa Manila! Magtatago ako, I’ll disappear—” “No,” matigas niyang sagot. “If I let you go, he’ll kill you. And I won’t let that happen.” “Why do you even care, Hades?” bigla niyang tanong. “I’m not yours.” Tumigil si Hades. Napatitig siya dito — malamig, pero may bahid ng sakit sa mata. “Yet,” sagot nito. “You’re not mine… yet.” Bago pa makasagot si Loveleen, may sumabog sa labas. Malakas. Umuga ang buong bahay. Nagsigawan ang mga tauhan sa labas habang umaalingawngaw ang warning sirens. “AMBUSH! MAY PASOK SA NORTH PERIMETER!” “MOVE! DEFENSIVE POSITION!” “Cain, escort her now!” utos ni Hades habang kinuha ang headset at nagsimulang mag-command ng mga tao. Cain immediately grabbed Loveleen’s arm at hinila siya papunta sa likod. Ngunit sa bawat hakbang niya, pakiramdam ni Loveleen ay palapit siya sa panganib — hindi sa kaligtasan. Mula sa bintana ng hallway, nakita niya ang ilang lalaking naka-black tactical gear din. Pero hindi sila tao ni Hades. “Silvano’s men,” bulong ni Cain. “s**t. They came fast.” --- Sa kabilang bahagi ng isla, si Silvano ay nakatayo sa tabi ng helicopter. Suot ang dark green military jacket, may tattoo sa leeg, at may hawak na sniper rifle. “She’s here. I can feel it,” sabi niya sa right-hand man niya. “No one steals from me.” “Boss, mukhang ready si Hades. Full force ang mga tao niya.” Silvano smirked. “Let’s see if he’s ready to bleed for her.” --- Back at the south villa, halos makarating na sina Loveleen at Cain. Pero sa gilid ng daan, may isang putok ng baril. BANG! “DOWN!” sigaw ni Cain. Tinulak niya si Loveleen papunta sa lupa. May isang bala ang sumabog sa likod nilang puno. Loveleen screamed. Everything felt like a nightmare. “Get up! We have to move!” sigaw ni Cain habang binabaril ang mga kalaban sa likod. Maya-maya lang, may rumaragasang sasakyan — isang black armored jeep. Biglang bumukas ang pintuan. Si Hades. “Get in!” Cain helped Loveleen climb in, at mabilis silang lumipad papalayo mula sa open area. Sa loob ng sasakyan, hingal na hingal si Loveleen. Ramdam niya ang adrenaline, takot, at… pagkabalisa. Hades didn’t speak. He just drove, mabilis at matatag. Pero sa gilid ng mata nito, nakita niyang pinipigilan din nito ang galit. “This is what my life is, Loveleen,” mahina niyang sabi. “You still want out?” Napalingon si Loveleen. Hindi siya nakasagot agad. Kahit gaano kagulo… bakit parang sa piling niya, mas ligtas siya kaysa sa kahit saan? --- Pagkarating nila sa isang underground safehouse, tumunog ang emergency phone ni Hades. Kinuha niya ito at pinakita kay Loveleen ang text message. “Trade her… or we kill your men one by one. — S” At nakalakip… isang larawan ng patay na tauhan ni Hades. May dugo. May marka ng Silvano sa dibdib. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD