Tahimik ang paligid ng underground safehouse pero ramdam ni Loveleen ang bigat ng tensyon sa ere. Nasa isang maliit na room siya—plain walls, metal bed, at isang maliit na mesa. Hindi ito ospital. Hindi ito hotel. This was a war bunker, and she was the prize.
She looked at Hades who stood near the door, holding the phone with the message from Silvano.
“Trade her… or we kill your men one by one.”
Kasama ang larawan ng isa sa mga tauhan ni Hades—basag ang bungo, duguan, at may “S” na nakaukit sa dibdib gamit ang blade.
Loveleen covered her mouth. Napapikit siya, shocked. Wala na bang awat ang giyera ng mga halimaw na ‘to?
Pero si Hades… tahimik. Walang reaksyon. Pero kita sa panga niya ang tension, sa kamao niya ang pigil na galit.
“Hades…” mahina niyang tawag.
Hindi ito kumibo.
“Hades,” ulit niya, mas malakas. “He’s going to kill more people just to get me. Hindi ba mas mabuti na—”
“Don’t,” putol nito. “Don’t even suggest that I give you to him.”
Napatayo si Loveleen. “Bakit ba? Ano bang meron sa’kin para pag-awayan n’yo ng ganyan? Dahil ba doktor ako? Dahil ayaw kong pakasalan ang baliw na ‘yun?”
“Because you matter,” sagot ni Hades, matalim ang tingin. “Because I swore I’d protect you the moment I pulled you out of that burning ship.”
“Pero Hades, tao mo ‘yung pinatay niya! Anong klaseng leader ka kung papatayin ang mga tao mo para lang sa babae?”
“Don’t you think I know that?!” sigaw ni Hades, sabay suntok sa wall. Tumilamsik ang dugo mula sa kamao niya pero hindi siya nagpakita ng sakit.
Napaatras si Loveleen. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa bigat ng emosyon sa boses nito. The pain. The anger. The guilt.
“Lahat ng ito… dahil sa akin,” mahina niyang sabi.
“No.” Lumapit si Hades, dahan-dahang hinawakan ang kamay niya. “Lahat ng ito dahil sa kanya. Because he’s a monster who thinks he owns everything—including you. At kahit ano’ng mangyari, I will never let him take you again.”
Tumulo ang luha ni Loveleen. Hindi niya maintindihan kung bakit kahit buo ang loob niyang hindi mapalapit sa isang mamamatay-tao tulad ni Hades, bakit ngayon parang ang t***k ng puso niya ay nagugulo.
Biglang kumatok si Cain sa pinto.
“Boss,” sabi niya, “Another body. Patay na si Marco. Iniwan sa kalsada. Same mark.”
“Sh*t,” mura ni Hades. “Lima na sila.”
“We found a tracker sa isa sa mga motor. May idea na siya kung nasaan tayo.”
Nagkatitigan si Hades at Loveleen. Pareho nilang alam—oras na lang ang binibilang.
“I need to face him,” sabi ni Hades kay Cain. “Get the team. I’m going out.”
“No,” sabay sabing Loveleen. “You’ll die.”
“Then I’ll die fighting.”
“No!” Lumapit si Loveleen at mahigpit na hinawakan ang braso nito. “Kung gusto niya ako, bitbitin mo ako. Ako na ang pain. Let’s end this.”
“Hindi ka pain. Hindi ka asset. Ikaw ang dahilan kung bakit ako handang lumaban ngayon. Don’t you get it?”
Natigilan si Loveleen.
“Hindi lang kita pinoprotektahan dahil sa prinsipyo. I’m doing this because I’m falling for you, Loveleen. Tangina, kahit anong gawin ko, ikaw lang ang naiisip ko. Every damn time.”
Nanigas ang katawan ni Loveleen. Hindi niya alam kung anong mas nakakagulat—ang pag-amin ni Hades, o ang katotohanang mas masakit sa kanya ang ideyang pwede itong mamatay… kaysa sa sarili niyang kaligtasan.
“Hindi pa ako ready,” bulong niya. “Pero…”
“Pero?”
“Kung kailangan nating tapusin ‘to... tapusin nating magkasama.”
Ngumiti si Hades, maliit pero totoo. Sa wakas, naramdaman ni Loveleen ang kakaibang init mula sa malamig nitong puso.
---
That night, sumakay sila ng armored van kasama ang elite team ni Hades. Habang papalapit sila sa abandonadong warehouse kung saan gusto ni Silvano ng “negotiation,” tumunog ang phone ni Hades.
A video message.
Binuksan niya ito.
Video: Si Cain, duguan, nakagapos, umiiyak.
Voiceover ni Silvano:
“Late ka na, Hades. Isa-isa silang mawawala. Gusto mo talagang mabuhay ang babae? Pakasalan mo siya. Bukas. Harap sa akin.”
---