BOOOOM!!! Ang sumunod ay puro usok. Sigawan. Basag na salamin. Lumilipad na debris. Ang init ng apoy ay parang halimaw na lumalamon sa buong warehouse. Sa gitna ng kaguluhan, may dalawang katawan ang mabilis na gumalaw sa dilim—isa ang naka-black suit, duguan ang braso, at isa pa'y halos mawalan ng malay, nakakapit sa dibdib niya. “H-Hades…” mahina ang boses ni Loveleen, habang binubuhat siya nito papalayo sa sumasabog na gusali. Her ears were ringing, her chest felt tight, and every breath tasted like smoke and ash. “Shhh, don’t talk. I got you,” bulong ni Hades habang binabaybay ang likod ng gusali kung saan may nakahandang sasakyan. Cain, na halos hindi makalakad, ay inalalayan ng isa pang tauhan ni Hades. May sugat sa tagiliran pero buhay. At yun ang mahalaga ngayon. Pagkaabot ni

