THIRD PERSON POV Umalis si Magnus nang hindi na lumingon. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil baka bumalik pa siya at suntukin si Dodong sa sobrang selos na nakita niya. Kaya ngayon, habang nagmamaneho siya pauwi, halos hindi niya mapigilang tumawa mag-isa. “PUTANG INA… si Dodong talaga.” Napapailing siya, pero may halong inis. Sa tuwing maiisip niya kung paano nagpanting ang ilong ni Dodong kanina, para siyang batang walang nagawang assignment galit pero hindi makapalag. “Hahaha tangina men, ’yung mukha n’ya! Parang gustong lamunin ’yung simoy ng hangin sa inis!” Pero sa gitna ng halakhak niya… may sumisingit na kirot. “Kahit gano’n siya, siya ’yung minahal ni Dadang…” Napabuntong-hininga siya at napasandal. Aminado siyang nagseselos. At hindi lang basta selos ’yung tipong kinain

