JHONALYN POV Hi mga ka-LoveDang, ako na naman ’to, si Jhonalyn, yes! Ang pinakafabulous, pinaka-arte, pinaka-conyo at pinaka-bonggang pinsan nina Dodong at Jude. Omg I feel so honored kasi may sarili akong POV. Like, finally, the heavens said: “Girl, shine!” At syempre, sumunod ako. Alam mo naman ako never tumatanggi sa spotlight. Kakagaling lang namin sumigaw ng “Kyaaaaaa!” kanina nang muntikan nang maglapat ang lips nina Dodong at Dadang. At dahil hindi ako normal na tao, nag-react ako nang sobrang lakas, halos himatayin ako sa kilig. At dahil sobrang lakas ng sigaw ko, ayun bigla na lang may tumilapon na tsinelas galing kay Dodong diretso sa direksyon ko. “Hoy Kuyaaaaa! Bakit mo ko binabato?!” sigaw ko habang umiwas sa tsinelas na parang ninja na may diploma. “Tigilan mo ’ko Jhona!”

