JAYEM Today is the day of the wedding. Everything is set in a small function hall sa isa sa mga 5-star hotels ng Gangnam. Isa itong private wedding kaya ang members ng Peter pan at ilang malalapit na kaibigan lang namin ang invited. I am set at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kasal. Nasa tapat ako ngayon ng dressing room ni Irene, kinatok ko iyon at pumasok ako sa loob. Nadatnan ko siyang inaayusan at nakatalikod mula sa pinto. Reflection lang ng mukha niya sa salamin ang nakikita ko. “Huwag mo nang sobrahan 'yang make-up mo, 'di bagay sa'yo.” Kasi mas bagay yung natural mong ganda. Sabi ng isip ko na ayaw kong ma-isaboses dahil baka mag-assume siya. Napatingin siya sa akin at tinakpan niya ang mukha niya ng magazine. “Anong ginagawa mo rito? Alam mo bang bawal magkita ang g

