IRENE Sa pangalawang pagkakataon ay nakakulong akong muli sa mga bisig ng lalaking ito. Violated for the second time. At asahan ko nang paulit-ulit itong mangyayari kapag ikinasal na kami. Basta-basta nalang akong niyayakap nito nang walang pasubali at baka sa mga susunod na araw ay sobra pa sa yakap ang gawin nito sa akin. Hays... Goodbye my virgin lips. Lips lang! Yun lang ang kaya kong ibigay sa kanya. At hindi na pwedeng lumagpas d’on. Habang clueless ako kung bakit niya ako niyayakap ay nakita ko mula sa likuran ang isang babaeng pamilyar ang mukha. Maganda, chinita at slim, wavy ang buhok at saka naka-dress na may gucci belt at LV na bag. Parang nakita ko na dati ito pero nakakalimutan ko kung saan. Ding! Alam ko na, siya yung isa sa mga babae d’on sa dinner na ni-gate crash ko

