CHAPTER 2

1710 Words
"Honey, maggrogrocery lang kami kasi may kulang pa sa mga kailangan natin for your party sa foundation. Are you coming with us? Sama daw si Yohan," narinig ko ang boses ni mama mula sa pinto ng kwarto ko. Gosh! Ang aga pa. Excited naman yata sila masyado. Nakadapa pa lamang ako sa aking malambot na kama dahil gustong-gusto ko pa talagang matulog. Napagod ako sa pag-advance reading ko dahil malapit na finals. Kapag kasi malapit na ang birthday ko malamang finals ang kasunod. Grabe gragraduate na ako. Flight Attendant kaya ko ito. Lilipa rin ko buong kalawakan~ "Honeyleigh?" "Urgh. Mama hindi ako sasama. Inaantok pa po ako eh,” pagmamaktol ko sabay talukbong ng kumot. "What?! Gosh Honeyleigh! Anak it's already 9:00 am malamig na ang agahan mo kaya please bumaba kana riyan at kumain. Kung hindi ka naman sasama, fine. Aalis na kami." Nang marinig ko kung anong oras na. Mas mabilis pa sa alas kwatro ang galaw ko. Nang buksan ko ang pinto papatalikod palang si mama na mukhang nagulat sa biglaang pagbukas ng pinto ko. "Ma naman bakit hindi mo ako ginising?! Magrereview pa ako," asik ko habang nagtatatakbong bumaba papunta sa kusina. Well hindi naman ganun kataas yong hagdan namin sakto lang nasa mga sampung steps lang. ‘Di naman kasi kami mayaman. "Honeyleigh, si Yohan unang gumising sayo kaso, hindi ka daw sumasagot. Inutusan din ako ng mama mo kaso wala rin kaya ayan, si mama mo ang huli." "My bad. Sorry papa," sabi ko sabay peace sign kay papa na nasa sofa pala. Pagkababa mo kasi ng hagdan sa left side nandoon ang sala namin at doon nakaupo si papa, nakaupo. Sa right side naman ang kusina, doon na rin ang dining area kasi simple lang talaga itong bahay namin. Ito na yata ang pinakamaliit na bahay dito sa Village namin. "Sa susunod huwag mo ila-lock iyang pinto mo Honey. Ayoko sa lahat ay iyong nagpapagising pa para kumain." Nalagot na nga. Nag-uumpisa ng manermon si mama. So, huminto ako sa pagsubo at saka tumayo para lapitan siya at yakapin mula sa likuran niya. Idinantay ko baba ko sa balikat niya. "Yes mama. Sorry na po. Pumapanget ka pag nagagalit. Nasisira kagandahan mo. Smile na mama, promise ‘di na mauulit." Hinalik-halikan ko pa siya hanggang sa masilayan ko ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi kaya bumitaw na ako at kumain ulit. Honey charms win! "Ma, let's go na po? Oh-" napatingin siya sa akin. Mula ulo hangang paa at nakakunot pa ang kaniyang mga kilay waring nagtataka kung bakit ganito pa ang suot ko. "You’re not coming ate?" tanong ni bunso. "No baby. Magrereview si ate. So enjoy. Love you all at ‘wag niyo kalimutan ang Jollibee burger steak ko." “Sure ate,” nakangiting sagot sa akin ng kapatid ko. "Sige. Alis na kami anak. Ingat ka dito ok?" Lumapit pa sa’kin si papa para halikan ang aking ulo. Sumunod si mama. Si Yohan naman sa aking pisngi. "No problem guys. Love you!" "Love you!" sabay-sabay pa sila kaya napatawa nalang ako. Now kailangan ko ng mag-ayos para makapagreview. Baka iyakan ko na naman exam ko kapag may wrong spelling. --- Busy ako sa pagrereview ng biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Mama ang tumatawag. Tumingin ako sa wall clock kung anong oras na at napansin kong 1:33pm na. "Huh? Oo nga bakit wala pa sila? Traffic ba?" Sinagot ko nga ang tawag ni Mama. "Hello, Ma? Bakit hindi pa kayo umuuwi? Traffic po ba?" tanong ko habang nagha-high light ng mga important terms sa reviewer ko. "Hello Ma'am kaano-ano po ninyo ang may-ari ng cellphone?" Napatigil ako sa aking ginagawa ng ibang boses ang aking narinig. Boses lalaki na mukhang kaedaran ko lamang. Wait, bakit nasa kanya cellphone ni Mama? "Anak niya ako. Sino po kayo? Bakit po nasa inyo ang cellphone ni Mama?" "Miss pwede ka po bang pumarito sa Marquez Hospital?" Dumagundong ang kaba sa aking dibdib nang marinig ko ang sinabi ng nasa kabilang linya. "Anong nangyari sa Mama ko?" nanginginig ang boses na tanong ko. Nang marinig ko ang sinabi niya nabitawan ko na lamang ang aking cellphone. Namanhid at nanlamig ang buong katawan ko. "MAAAA!" bigla akong napaupo sa aking kinasasadlakan ng maalala ang araw na iyon. "Honeyleigh iha. Shhhh- " si Tita Felie. Nasa bisig na naman niya ako at wala akong nagawa kundi lumuha na naman. Naninikip ang dibdib at malalalim din ang paghinga ko. Binitawan na ako ni Tita nang kumalma na ako at inayos ko ang pagkakaupo ko ng mapagtanto ko kung nasaan ako. HOSPITAL Inalala ko ang nangyari. "Tita bakit pa ako nandito? Bakit hindi niyo nalang ako pinabayaan." Kahit mahina pa hindi ko maiwasang sumbatan siya dahil ayoko na pero heto pa rin ako! Buhay pa rin! Hindi ko sinabing ilagtas nila ako! Hindi ko hinihiling na mabuhay ako! "Iha hindi kita pwedeng pabayaan. Hindi rin gusto ng magulang mo ang ginagawa mo sa sarili mo ngayon! Kaya please. Tama na ang pagpapahirap mo sa sarili mo. Maawa ka naman sa katawan mo anak. Ano bang pumasok sa isipan mo para laklakin ang mga gamot na iyon. Paano nalang kung may mangyaring masama sayo!" Rinig ko ang awa at sakit sa boses ni Tita ngunit hindi ko iyon pinansin dahil unang-una hindi ko hiniling na kaawaan niya ako! Hindi ko rin hiniling sa Diyos na buhayin pa ako! "Iyon nga ang point ko kung bakit ko ginawa iyon. Hindi niyo ba naiintindihan? Dapat ba i-explain ko muna sainyo at sa Diyos niyo bago ko iyon ginawa? Tss!" Nagulat ako sa biglaang ginawa ni Tita. Habang hawak ko ang kaliwang pisngi ko na sinampal ni Tita, hinarap ko siya na bakas ang pagkagulat at namumuong luha. "Ano bang nangyayari sayo Honeyleigh! Hindi ka pinalaking ganyan ng magulang mo. Oo wala sila sa tabi mo pero nasisiguro kong nakikita ka nila ngayon. At ano sa tingin mo ang iniisip nila? Huwag mo naman sanang itapon lahat ng itinuro ng mga magulang mo sayo. Diyos ang nagbigay ng buhay sayo,tandaan mo yan. Huwag mo siyang bastusin ng ganyan. Tanggapin mo ang nangyari. Oo masakit. Nawalan din ako Honeyleigh, baka nakakalimutan mong ako nalang ang natitirang kamag-anak ninyo at ang mawalan ng tatlong mahahalagang tao sa buhay ko ay napakabigat. Pero narinig mo ba akong binastos ang Diyos? Kinamuhian ko ba siya? Hindi!" Tumayo si Tita at inayos ang kanyang gamit. Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan. Masyado na ba talaga kong nagpadala sa emosyon. Sobra na ba talaga iyon. Pero sobrang sakit talaga at hindi ko na rin alam. "Kung naririto ang mama't papa mo pati si Yohan." muling tugon ni Tita na nakapag paangat muli ng aking paningin sa kanya kasabay nito ang pagpatak ng luha sa aking pisngi. "Sa tingin mo matutuwa sila sa mga ginagawa mo?” Malalim na bumuntong hininga si Tita saka umiling-iling ito. "Sige. Gusto mong magpatiwakal? Ikaw ang bahala, buhay mo iyan. Hindi na kita papakialaman.” Nagising ako at nakita ko sa orasan na alas-diyes na ng gabi. Siguro dahil na rin sa pagod ng mata ko kakaiyak at kakaisip sa mga nangyayari. Luminga ako sa paligid at nakita kong nakatulog si Tita sa sofa sa kwartong kinuha nila para sa’kin. Ginapangan ako ng hiya ng maalala ang sagutan namin kanina. Ano bang nagawa ko. I'm so sorry Tita. Pinilit kong bumangon. Inalis ang nakalagay na kung ano sa kamay ko. Dahan-dahan ako sa pagtayo dahil naramdaman ko ang hilo pero hindi ko ininda ito at naglakad na lamang palabas ng kwarto. May iilan akong nakakasalubong na pasyente at mga nurse ngunit mukhang busy ang lahat kaya hindi na ako napagtuunan ng pansin. Tinahak ko ang daan palabas sa hospital. Hindi ko matandaan kung saan ang daan pabalik sa bahay pero ayokong umuwi dahil makikita ako ni Tita. Wala na yata akong mukhang maihaharap kay Tita. Hiyang-hiya na ako sa kanya. Kaya gusto ko munang umalis pansamantala. Dinadagdagan ko lamang ang problema ni Tita. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Gabi na ngunit hindi naman nakakatakot dahil maliwanag ang daan dahil sa mga steert lights at may mga dumadaan din na sasakyan. Humihinto ako kapag nararamdaman ko ang panghihina ngunit pinipilit ko pa rin na magpatuloy sa paglalakad. Kung saan man ako papunta? Hindi ko alam. Dapat pa ba akong magpatuloy o sumuko nalang? Alam ko po kung gaano ko kayo nasaktan sa mga nasabi ko. Patawarin niyo po sana ako. Please Lord, tulungan niyo po ako. Bigyan niyo po sana ako ng sign, dahil hirap na hirap na po akong mamili. Hirap na hirap na po ako sa kalagayan ko. Nawala sila, para akong naputulan ng paa, hindi na makausad. Tulungan niyo po sana ako. Dahil…dahil natatakot akong makalimutan ko kayo dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ako huminto sa paglalakad hanggang sa may makita akong kainan sa kabilang kalye, tamang-tama dahil nagugutom na ako ng sobra. Sinubukan kong tumawid papunta roon subalit hindi pa man ako nakakaabot sa kalahati ng daan ay may mabilis nang sasakyan na parating sa direksyon ko. Naisin ko mang humakbang, at tumakbo ngunit hindi ko kayang maigalaw ang mga paa ko. At kahit na anong pilit ko sa sarili ko na umalis hindi nakikisama ang katawan ko. Unti-unti ko na rin nararamdaman ang sobrang panghihina. Tumingin ako sa itaas at ngumiti ng bahagya, "Ito na po ba ang sagot niyo? Hahayaan niyo na po ba akong makasama sila mama?" Naramdaman ko ang pamumuo ng maiinit na likido sa aking mga mata. "Salamat." Pumikit na nga ako at hinintay ang pagsalpok ng sasakyan sa’kin. Ngunit walang nangyaring ganoon. Pagmulat ko nakarinig ako ng kalabog mula sa pintuan ng sasakyan. May papalapit sa'kin na isang pigura ngunit hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa ilaw na nagmumula rin sa sasakyan. "What the hell miss! Are you f*****g insane! Do you really want to die that fuckin fast? Pvcha! Maawa ka naman sa sasakyan ko! Kakabili ko lang iyan gusto mo na agad binyagan! Mas mahal pa yan sa buhay mo!" Gustuhin ko mang makita ng malapitan kung kanino galing ang boses ng lalaking may bastos na bunganga hindi ko magawa dahil ramdam ko na talaga ang panghihina ng katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD