bc

RAY OF LIGHT

book_age18+
80
FOLLOW
1K
READ
billionaire
family
playboy
brave
boss
drama
realistic earth
cheating
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Masaya na si Honeyleigh Parker sa kung anong mayroon siya, kumpleto at masayang pamilya, pero gumuho ang mundo niya nang mawala ang mga pinakainiingat-ingatan niyang tao sa buhay niya. She was deeply wounded and she hated life because of that. She's desperate to end everything but Heroinne Marquez suddenly appeared and gave her a light just for a moment. It took only 10 seconds when their soul collides and yet she already felt something very unfamiliar to her.

Sa ilang oras na pagsasama nila, hindi maikakaila ni Honeyleigh kung gaano niya nagustuhan ang mainit na yakap na ibinigay sa kaniya ni Heroinne. Pero hindi iyon nagtagal because they parted their ways.

Ilang taon ang lumipas bago sila muling nagtagpo pero dahil mapaglaro ang tadhana, kahit may nararamdaman sila para sa isa't isa ay hindi na pwede. Because they have someone in their holds and treading on different paths. Pero hindi mapipigilan ang puso kapag malakas ang tulak papunta sa tunay na sinisigaw nito.

Pero paano kung ang taong mahal niya ay siyang manghihila muli sa kaniya pabalik sa madilim na parte ng mundo? Can she still forgive him? Can she still accept him? Can she still love him? O iiwan na lamang niya ang lahat sa nakaraan dahil malabo na silang pagtagpuin pa muli ng tadhana.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Sa bawat tawa, may kapalit na luha. Ang bawat yakap ng mga mahal mo, may kaakibat na sakit at pighati sa huli. Buong buhay ko wala akong ginawang mali kung hindi ang magmahal, tumulong sa lahat, sumunod sa dapat. Naalala ko pa kung gaano ako kaingat sa aking mga ginagawa dahil sa takot na makagawa ng kamalian dahil alam kong may mantinding kapalit. Iyong tipong palagi kong sinasabihan sarili ko na 'Umayos ka self. Just do good. Be good. Iyon lang. Pero kahit gaano ako kaingat na hindi makagawa ng kasalanan heto pa rin ang natanggap ko. Hindi ko alam kung deserve ko ba itong sakit na ito. Dahil sobra-sobra. "Condolence iha." Napaangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko ng marinig ko ang Tita ko. Nang makita niya ang pag-agos ng mga luhang nag-uunahan sa pagkawala ay niyakap niya ako kaya mas lalo akong napahagulgol. Ramdam na ramdam ko ang sakit. "Bakit po nangyari ito Tita! M-magkakasama pa kami. Masaya. N-n-nagplaplano pa nga kami sa...para s-sa kaarawan ko Tita, pero-" "Shhhh...tama na iha. Masakit man pero may dahilan ang Diyos. Magtiwala ka sa kanya iha," ani ni Tita na ikina-iling ko ng paulit-ulit. "Tita naririnig mo ba sinasabi mo?" Kasabay ng pagtaas ng boses ko ay ang pagtayo ko, na ikinagulat ni Tita at ng mga naririto sa bahay. Inabot niya ang aking braso habang punong-puno ang kanyang mga mata ng awa. Sino ba naman ang hindi ako kakaawaan sa lagay kong ito di’ba? Sino? WALA! "Walang Diyos Tita. Wala!" Nagulat si Tita sa pagtaas ko ng boses. Maski ako hindi ko rin alam kung paano. Siguro nga nag-uumapaw na sa galit ang puso't isipan ko. Ngunit hindi ko magawang bawiin ang mga salitang binitawan ko. Dahil totoo naman! Walang Diyos. Kung mayroon bakit hinayaan niyang danasin ko ang lahat ng ito. "Alam kong nasasaktan ka kaya mo nasasabi iyan pero iha huminahon ka muna," pakikiusap ni Tita. Pilit akong inaabot ni Tita pero iniiwasan ko lamang lahat ng pagtangka niyang paghawak sa akin. "T-Tita, araw-araw kong hinihiling sakanya na ilayo niya sa kahit na anong kapahamakan ang mga mahal ko! Pero wala! Nakikita mo ba yan Tita? Nakikita mo ba?" Itinuro ko kung san nakahimlay ang pamilya ko. Nagpupuyos ako sa galit dahil sa hindi ko malaman kung sino ang dapat na sisihin ko! Pilit akong pinapakalma ni Tita ngunit hindi ko siya magawang pakinggan. Alam kong kabastuhan iyon ngunit mas nangingibabaw ang galit na aking nararamdaman! "Pakiusap iha. Huminahon ka." Pagak akong tumawa. "Huminahon? Habang ang mama ko, papa ko at ang bunso kong kapatid nariyan sa harap natin na wala ng buhay? Paano ako hihinahon Tita? Kinuha niya lahat sa’kin! Wala na siyang itinira! Wala siyang awa! Walang wala!" Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko, kaya napaupo na lamang ako at dinaluhan ako ni Tita na ngayon ay lumuluha na rin. "Hindi ko rin gusto ito, iha. Kapatid ko ang papa mo, mahalaga rin sa'kin ang pamilyang tinatawag mo pero nandito pa ako. Mayroon ka pang pamilya. Tama na iha." Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak nang umiyak sa bisig ni Tita Felie. Ano bang nagawa ko. Sabihin niyo po sa akin dahil gulong-gulo na ako. Durog na durog ang puso ko. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Pagkatapos ng araw na iyon hindi na ako lumabas pa ng aking kwarto. Alam kong kailangan din ang tulong ko ni Tita pero wala akong lakas ng loob para bumaba roon kung saan makikita ko ang pamilya ko na kahit kailan ay hindi ko na makakasama pa. --- "Honeyleigh? Ano gusto mong regalo anak? Malapit na pala kaarawan mo," tanong ni Papa habang kumakain kami ng tanghalian sa hapag. "Ay oo nga pala hindi ba't sa susunod na linggo na iyon anak?" segunda naman ni Mama na parang mas excited pa sa akin. "Ate gusto ko may cake tayo, ha? Yong tatlong patong tapos may bola sa taas. Please ate." Pinagdaop pa ni bunso ang mga palad niya habang nagpapacute sa harap ko. Ibinaba ko ang mga kubyertos upang harapin siya. Kinurot ko ang kanyang pisngi at hinalikan ang noo bago humarap muli sa pagkain. "Syempre naman Yohan. Anyway mama, kung tatanungin niyo na naman po ako kung gusto ko ng party or what, my answer is a big big 'NO'. Ayos na po sa’kin na kumpleto tayo sa birthday ko tapos kakain sa labas. Best gift na iyon, promise." Napasimangot kunwari si mama na mahilig sa mga party, si papa naman ngiting-ngiti para bang sinasabi ng mga mata niya na proud siya kasi anak niya ako. Maganda na mabait pa. Saan ka pa di'ba? "Ayos lang naman sa’min ng mama mo anak kung magpaparty ka kahit minsan," tugon ni papa habang nakangiti pa rin. "Papa ganito nalang. What if iyong pera na gusto niyo na ipang-party ko eh idonate natin sa foundation nila mama. Hindi po ba marami doon ang mga bata? Masaya ang mga bata pag may party na nagaganap. Siguro mas maganda kung ganoon nalang ang gawin natin. Pleaseee?" Honey charm ba naman ang ginamit ko for sure hindi sila tatanggi. "Buti nalang nagmana ka sa’min ng papa mo. Sige na kumain na tayo para sa susunod ipre-prepare na natin mga idadala natin for the kids." "Yehey! I can visit my friends again mama? Di’ba po nandoon pa sila?" "Yes naman bunso. They are still there, well I hope someday magkaroon din sila ng pamilya na kukupkop sa kanila in the future. Kasi kailangan din nila ng mama at papa. Gaya mo di’ba? You have us baby. Me, papa and your ate." Tumango naman Yohan ngunit biglang may naisip ang kapatid ko . "Mama paano po kung kunin nalang natin sila then may papa and mama na rin po sila na super wonderful." Napatawa kami nila mama dahil sa naisip ni Yohan. Napakataba talaga kasi ng utak ng kapatid ko na ito. Apat na taon pa lang siya pero ang dami na niyang mga gustong gawin sa buhay. Pangarap nga niyang maging doctor. Pero natatawa na lamang ako sa tuwing naaalala ko ang palagi niyang sinasabi kapag tinatanong kung anong gusto niyang maging ‘pag lumaki na siya, ‘Gusto ko maging doctor pero dahil bata pa ako dapat enjoy sa pagpleplay muna.’ Iyon ang palagi niyang sinasabi. Kakaibang bata. "Gustuhin man namin iyon anak, ang kaso bata ka pa and busy pa si ate sa studies niya, so kailangan pa namin ni daddy na magwork para may maibigay pa kami for you pati na sa ibang nangangailangan ng tulong. Huwag mo na isipin iyon bunso, habang wala pang kumukupkop sa kanila, mayroon naman tayo di'ba? Binibisita natin sila, tinutulungan at minamahal. Hindi ba iyon ang bilin sa’tin ni papa God? Mahalin at tulungan ang bawat isa." Utos din ba niya na saktan ang mga mabubuting tao gaya nila mama at papa? Utos ba niyang saktan ako? Nasa batas ba niya na pahirapan ako. Kasi kung oo, ang sama niya! Ang sama ng Diyos para ipadama sa akin ang lahat ng mga ito! "Ma, pa, Yohan Bakit ninyo ako iniwan? Bakit hindi ninyo ako sinama? Hindi ninyo man lang hinintay kaarawan ko. Hindi ba...di'ba nangako kayo na magkakasama tayong pupunta sa foundation?" Pinunasan ko ang mga luhang walang humpay sa pag-agos. Titig na titig ako sa kisame habang inaalala ang lahat. "Yohan, your playmate's are still there baby. Hindi ba gusto mo pa silang makita ulit? Ma, magpapaparty na ako di’ba iyon ang gusto mo? Pa, isasabit mo pa medalya ko di’ba? A-ang dami pa po nating plano mama bakit naman ganito. Balik na kayo pleasee." --- Sana panginip lang ito. Ipinikit ko ang aking mga mata, nagbilang ng ilang segundo bago nagmulat ngunit heto pa rin ako nakatitig sa kisame. Totoo ang lahat! Wala na sila! Wala nang natira sa'kin! Wala na! "Aahhh!" Napasigaw na lamang ako habang ang aking mga kamay ay pilit na sinasabunutan ang aking sarili . Nababaliw na ako ng dahil sa mga nangyayari! Ayoko ng ganito! Anong buhay ang mayroon ako kung wala sila. "Ma! Pa! Bumalik na kayo. I still need you, please baby Yohan, magpleplay pa tayo baby. Aaahhh!" Naririnig ko ang mga katok na magkakasunod o baka dabog na dahil nakalock ang aking pinto ng ilang araw ! Naririnig ko ang boses ni Tita na tinatanong kung na kanino ang susi. Susi na nasa tabi ko lamang. Dahil ayoko. Ayoko ng lumabas dito. Hinang-hina ako ngunit pinilit kong tumayo at naghanap ng bagay na unang naisip ko. Buhay nga ako, buhay na buhay pero dahil kinuha ninyo ang mga mahahalagang tao sa buhay ko, para niyo na rinakong pinatay! It's hard to live without them. Para akong nakakulong sa isang lugar kung saan hindi nasisinagan ng araw, hindi naliliwanagan ng bilog na buwan. Madilim. Wala kang makikita, kaya pipiliin mo nalang na huwag gumalaw. Hindi ko kayang mabuhay sa ganitong mundo. Sa mundong wala sila. Ang pamilya ko. Unti-unting lumabo ang aking paningin. Nanghihina ang aking mga tuhod. Naramdaman ko ang hilo at sakit sa lalamunan. "Mama." Nanghihinang tugon hanggang sa kinain na ako ng kadiliman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook