CHAPTER 18

1220 Words
Habang papalapit ako sa walang malay na si Mandy ay natawag ko na ang mga pangalan ng mga santo. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko habang humahakbang ako palapit sa katawan niya. Tinitigan ko si Mandy, most specifically sa t'yan na part niya. Tinignan ko kung gumagalaw pa ba ito pataas at pababa. "Gulaman!" Hiyaw ko nang gumalaw bigla si Mandy. "Hmmm... I need... Water..." Paika-ika pa siyang tumayo at lumapit sa pintuan nila. Tila wala sa katinuan sa pagiisip si Mandy dahil umuugoy pa ang katawan niya kahit na nakatayo na siya. Para siyang nahihirapan o nahihilo. Wait, lasing ba 'to?! "Mandy." Tawag ko sa pangalan niya. At doon ko nga nakumpirma na lasing siya dahil sa itsura niya nang lumingon siya sa 'kin. "E... Ella! Hi, my friend!" Lumapit siya sa 'kin kahit na nawawalan siya nang balanse. I helped her balance her walk. Hinayaan ko siyang yakapin ako. Medyo napaubo pa ako nang kaunti dahil bigla niyang hinampas ang likod ko. "Anong nangyari sa 'yo? Ba't ka nagkaganyan, ha?" Pasurang surang ulit siyang lumapit sa pintuan nila at sinubukang buksan 'yon. Dahil smart lock itong pintuan nila, hindi niya mapindot nang maayos ang mga numero kaya tinulungan ko na siya. Pagtunog sa smart lock na hudyat na sakto yung number combination -- which surprised me that I could still remember their smart lock combination --, hinila ko ang braso ni Mandy at pinulupot 'yon sa leeg ko para hindi na siya mahirapan pa. I helped her walk through the door. Marahan kong binagsak sa sofa nila si Mandy na siyang nakatulog ulit. Bumuntong hininga ako. Ano ba naman 'yan, bad influence para sa mga anak nila. And speaking of mga anak nila, walang katao tao dito. Bago ko pa man libutin ang mga kuwarto nila ay sinarado ko muna ang pinto at ni-lock. Tsaka ako muling lumapit kay Mandy upang tanggalin ang jacket na suot niya dahil medyo mainit pa naman ang panahon ngayon. I already opened their airconditioner, though. Pagkatapos siyang pagsilbihan ay pumasok ako sa mga kuwarto. Nagulat pa ako dahil mukhang nadaanan ng bagyo ang bawat kwarto nila. Nang tingnan ko ang laman ng cabinet ng mga bata, wala na rito ni isang damit. *:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧ Alas tres na ng hapon nang mahimasmasan si Mandy sa pagiging lasing. Pinainom ko kaagad siya ng malamig na tubig dahil 'yon lang yung nakakapa-wala sa sakit ng ulo niya. Hindi ko muna tinanong sa kaniya ang tungkol sa pinagdaanan niya -- nila ng pamilya niya dahil baka biglang mabadtrip sa 'kin at palayasin ako. Matalik kong kaibigan si Mandy simula elementary. Masuwerte lang 'to sa lovelife kaya nagkapamilya agad imbes na nangako kami sa isa't isa na dapat sabay kaming ikakasal. Hmp. "Nga pala, nakausap ko si Eri--" "Wala na kami." Napanganga ako. Grabe 'tong mag-asawa na 'to, ha. Straight to the point, walang halong biro, walang halong expression. "Seryoso ka ba d'yan? Eh, paano mga anak niyo?" "Hindi ko na alam." Hindi ko alam kung maaawa ba ako kay Mandy o matatawa dahil sa itsura niyang hindi maipinta. Mukhang ilang araw na siyang hindi maganda ang tulog dahil sa lalim ng under eye niya. "Ano ba kasing nangyari ba't kayo nagkaganyan? Kung kailan may dalawang anak na kayo, tsaka kayo maghihiwalay?!" Ba't noong hayskul, hindi man lang sila nagkaroon ng misunderstanding na humantong sa hiwalayan?! 'Tong lovelife talaga, minsan, sakit sa ulo. Nagsimulang humikbi si Mandy kaya tinabihan ko agad siya para patahanin. Sumandal siya sa balikat ko kaya hinayaan ko siyang ibuhos ang nararamdaman niya. I didn't know she's in pain like this. Hindi ko kaagad siya natulungan dahil ilang araw akong lulong sa trabaho outside the headquarter. "Pinapatigil na niya ako..." "Saan?" Suminghot muna si Mandy sa sipon niya bago sumagot. "Sa trabaho... Pero ayaw ko namang tumigil. Alam mo naman 'di ba kung gaano ko kagusto yung trabaho ko..." "Bakit raw?" "Sobrang delikado na raw yung mga mission. Kaya..." Hindi na natulog ni Mandy ang sasabihin niya dahil umiyak na nga siya. May sinasabi pa siya pero ang tanging naintindihan ko lang ay "umalis si Erik, dinala niya mga anak namin". I don't get it. She loves her job, bakit pa pagpilitan ni Erik na ipaparesign 'tong kaibigan ko? Isa pa, hindi naman sangkot sa delikadong mission si Mandy. Dahil hindi naman siya sa field nagtatrabaho, sa headquarters lang. Mata't tenga ko siya. Ako yung nasa peligro ng engkwentro. "Kakausapin ko si Erik." Tumayo ako, ready na sanang umalis nang hilahin niya ulit ako paupo. Sumimangot siya habang mahigpit ang hawak sa braso ko. "Gusto ko ulit uminom. Samahan mo 'ko, please?" Tinanggal ko agad ang kamay niyang nakapulupot sa 'kin habang inuulit ang pag iling ko. "Diyos ko, Mandy, lasing ka pa. Tapos iinom ka ulit? Ano, gusto mo talagang tuluyan na kayong maghiwalay dahil d'yan sa pinaggagawa mo?" Sumimangot lamang si Mandy sa 'kin kaya bumuntong hininga ako. "Tumayo ka diyan at magbihis. Magtoothbrush ka rin, ang baho ng hininga mo. Samahan mo nalang ako mamili sa mall. Do'n ka na rin sa apartment ko muna matulog. Baka kung anong kagaguhan papasok sa isip mo kapag ikaw lang mag-isa dito, e." *:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧ 'Gaya ng sinabi ko, dinala ko si Mandy sa mall upang mamili ng grocery ko at ng bagong cellphone. Halos tatlong malalaking bag ang napuno ng grocery. Hindi lang puro grocery kundi pati mga kakailanganin kong gamit tulad nalang ng mga panlinis, panluto, at iba pa. Since nabudget ko na itong sweldo ko, hindi na ako nahirapan pang hanapin ang mga bibilhin ko dahil nailista ko na lahat. Pagdating naman namin sa cellphone shops, hindi na ako namili ng magandang specs. Touchscreen at nakaka-access ng internet ay ayos na. "Nga pala, sorry pala noong nakaraang buwan, Ella." "Para saan?" Tanong ko habang papalapit kami sa motor ko. "Hindi kita napagtanggol kay Erik. 'Di ka sana nahirapan sa paglipat mo sa apartment. Nakakahiya tuloy na makituloy sa 'yo." "Ano ka ba, gaga, wala 'yon. Tsaka malaking tulong rin 'yon sa inyo dahil nasa peligro buhay ko ngayon." Binaba ko muna ang dalawang bag at sinuot ang helmet. Buti nalang talaga at may extra helmet ako sa apartment ko kaya binalikan ko kanina si Mandy sa condo para lang kunin yung helmet na gagamitin niya. Wala pa naman akong budget para sa penalty. "Tsaka, isa pa, hindi ako nagtanim ng samang loob sainyo. Dapat nga hindi ako sainyo humingi ng tulong dahil pamilyado kayo, e." Hindi na nagsalita pa si Mandy kaya tahimik akong nagmaneho pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD