CHAPTER 17

1038 Words
Pinarada ko ang motorbike ko sa parking lot. As I got out from my baby, tinanggal ko ang itim na helmet ko at doon ay lumabas at bumagsak ang mahaba kong buhok. It took me five minutes to pamper my hair today just to make it look smoother. Kasi sa ilang araw kong lulong sa mission na 'to, nakalimutan ko nang alagaan sarili ko. "Witwiw!" Rinig kong sipol ng isang kumpulan ng mga istambay sa kabilang kanto habang pinagtatawanan pa ako. Ulol nila. Hindi ko pinansin ang mala-manyak nilang tingin sa 'kin at pumasok sa ACEA building. I greeted the security guard for the morning shift. Dumaan rin ako sa gunroom para kamustahin si Jeremy at mga mahal kong mga baril. "Kumusta, Ella?" "Heto, buhay pa naman. Laban lang sa buhay." Pagkatapos ay dumiretso na ako sa elevator at pinindot ang fifteenth floor papunta sa headquarters. Nakakapanibagong hindi traffic yung elevator at bonus pa, magisa lang ako ngayon. Ah, peaceful. Bago pa man sumarado ang elevator ay may biglang sumulpot na kamay, dahilan para muli itong bumukas. "Gotcha," the man mumbled as he enters the elevator. Nakapamulsa siyang tumabi sa 'kin at tinaas-baba nang paulit ulit ang kilay niya. "Galing kong humabol, 'no?" Pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib at pinanliitan siya ng mata. "Ginagawa mo dito?" Tumingala siya para tignan ang numerong nasa itaas na patuloy na umaangat, hudyat na umaangat rin ang elevator as of the moment. "I had to. May isang hindi ako tinawagan pabalik matapos kong tawagan nang limang beses kagabi, e." Ah, siya pala yung unregistered number kagabi. Danilo Salazar, a police officer, my supposed to be partner for this mission. Pero ilang araw ko na siyang hindi nahagilap. "Sobrang busy sa opisina. Sa daming engkwentrong naganap, 'di ko na naasikaso yung mission natin." Kwento niya, as if naririnig ang sinabi ko sa isipan ko. "But don't worry, I got you under somebody's vision." "Sino?" "Sekretong malupet." Tumawa siya nang mahina, but I remain my blank expression. Dahil sa totoo lang, hindi ako natutuwang nandito siya. Tumigil siya sa pagtawa nang mapansing wala ako sa mood. But what he said the next thing made it worse. "You and your bad decisions. Hindi ka pa ba pagod sa mga desisyon mong walang saysay? Who's in the right f*****g state would offer their body just to complete this mission?" Without thinking twice, siniko ko ang tiyan niya at pinatid ang paa niya nang makitang naka-kuba na siya dahil sa sakit na naramdaman niya sa ginawa ko. I immediately aim and grabbed his neck and locked his head in between my arms. "f**k off, Salazar. Hindi kita tatay at mas lalong hindi ka pupwedeng mangielam sa 'kin. One more word and I'll slice your throat," banta ko. Saktong bumukas ang elevator dahil nasa fifteenth floor na pala kami. May mga taong nakaabang sa labas habang nasa ganitong sitwasyon kami. Pinagtitinginan kaming dalawa habang si Danilo Salazar ay nangangapa sa 'kin dahil siguro ay nahihirapan siyang makahinga. "B... Bi... tch..." Binitawan ko ang leeg ni Danilo kaya lumagapak ang pwet niya sa sahig habang hinihingal pa siya. Hindi ko na siya pinansin at naunang lumabas mula sa elevator. Potek, nakakahiya yung eksena na 'yon. Napaka peaceful na sana, e. Ayos na sana yung ako lang mag-isa, e. Kaso dumating 'yung gunggong kaya wala na, sira na ang araw ko. *:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧ Pagdating ko sa headquarters ay dumiretso ako sa opisina ni Erik. Nadatnan ko siyang nakatayo malapit sa printer niya habang nakatulala. Hindi niya ata napansin ang presensya ko kahit na tumunog yung bell na nasa itaas ng pintuan ng opisina niya. "Morning," I greeted him. Still, no response. Tanging tunong ng printer lang ang umiingay habang ang mga mata ni Erik ay nakatitig sa kawalan. "Huy." Pinitik ko ang daliri ko sa harap niya at doon na siya natauhan. "Oh? Ba't ka nandito?" Inirapan ko siya. Lutang 'tong Erik na 'to ngayon, ah. Siguro nagaway silang dalawa ni Mandy. "Duh, pinapapunta mo 'ko dito for mission report, 'di ba? Kaya ako nandito ngayon." "Oh? Ano ba report mo?" Kinuha niya ang natapos niyang pinrint na. He proceed then to his swivel chair while checking on the paper he just printed. "I overheard Gambino and Gotti's conversation. They mentioned a name called Midnight." "Ah, oo, yung tinext mo kagabi?" I nodded. "Okay, noted. Thank you very much for this... I'll have someone to dig about this Midnight." Ang weirdo niya ngayon. Hindi naman ganiyang makipagusap sa 'kin si Erik. He's sometimes so authoritative, to the point na nakakalimutan niya paano sumagot nang maayos. At kapag nakikipagusap siya, he'd straighten up his back and never forgets his eye contact on you. Something must've been bothering him. At wala nang ibang ihuhula ko kundi si Mandy. Kaya pagkatapos kong kausapin si Erik ay lumabas ako ng opisina niya. Nabangga ko pa sa balikat ang tukmol na si Danilo pero hindi ko na siya pinansin. Tinawag pa niya ang pangalan ko pero hindi ako lumilingon. Asa siya, hah. Feeling close. Dumiretso ako sa parking lot at kinuha ang helmet na nakaipit sa Kawasaki motorbike ko. I jumped in and started the engine. Hindi ako sure kung nasa Warren Condo si Mandy, but I have to try. Pinaharurot ko nang mabilis ang motorbike para mabilis kong mahagilap si Dydy. Baka mamaya kung ano na nangyari do'n, e. Kahit na pinalayas ako ni Erik, may puso rin akong mangamusta sa kanila. Though I can't do it with Erik dahil mukhang wala sa mood makipagusap kaya sa asawa niya ako kakausap. Pagdating ko sa Condo ay pinarada ko ito sa parking lot at pumasok sa building. Dumiretso ako sa tenth floor at pagbukas pa lang ng elevator pagdating sa tenth floor ay nakita ko si Mandy na nakahandusay sa sahig, walang malay. "Oh my God, Mandy!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD