The funny part is; Gotti did exactly what he said earlier. Nag takeout kami from all the dishes he ordered. Tapos lahat ng 'yon ay pinadala niya sa 'kin, in which it takes thirty disposable container in a four whole shopping bags. Kalurkey, nakakahiya pang bitbitin lahat ng 'yon habang papalabas kami mula sa restaurant na 'yon. Halos lahat ata ng mga mata ng mayamang mga tao roon ay nakatingin sa amin.
Oh-m-g, never again!
Hinatid niya ako pauwi ng apartment at tinulungan pa akong bitbitin lahat ng ni-takeout namin.
"Sure ka? Ayaw mong magdala sa bahay niyo? Sobrang dami naman ata nito, e."
"You can call your friends over to help you out. Or you can just freeze it for the next days."
Grabe siya, ha. Sobrang mahal ng mga pagkain na 'to pero pinili niyang ipatakeout sa 'kin. Grabe siya.
"Salamat nga pala for today, John. Nakakahiya naman sobrang mahal ng mga putahe do'n. 'Di ko afford, e."
Kumindat si Gotti sabay ngisi, "Anything for you." Potek na 'yan. 'Di ko siya matatawag na jejemon sa itsura niya ngayon dahil sa sobrang guwapo ng features niya.
Ini-lock ko nang maayos ang pinto matapos magpaalam si Gotti. Isa-isa ko ring ipinasok sa ref ang mga container na naglalaman ng mga putahe at desserts at prutas. May vegetable salad pa.
Nasa gitna ako ng pagaayos sa mga pagkain sa ref nang biglang tumunog ang cellphone sa bag ko. Magkandaugaga akong nagmamadaling iligpit ang mga container at sinarado ang refrigerator. Tapos kinalkal ko mula sa bag ang keypad na todo ring at vibrate sa loob.
"Hello? Gabriella speaking." Hindi ko na natignan ang caller name dahil baka biglang mawala yung call.
[Ella, we need you now sa HQ. Now, chop chop!] And it just ended that way. It was Mandy. Her voice sounds like she's using the ACEA headquarters' telephone.
Hindi na ako nagbihis pa at diretsong kinuha yung helmet ko. Paglabas ng apartment ay nilock ko nang maigi yung pinto at pinuntahan ang motorbike ko. My baby was covered with plastic to keep it away from dust. Maingat ko 'yong tinanggal at binuksan muna ang gate. Pinuwesto ko muna sa labas ang motor at sinarado ang gate.
It's already eight in the evening. Marami ang mga dumadaan na tao ngayon sa kalye at napapatingin sa gawi ko.
Pa'no ba naman kasi. Naka dress tapos magmomotor. Eh wala na akong time magbihis, chop chop daw sabi ni Mandy.
Sinuot ko na yung helmet ko at pinaandar ang motor, bago ko pinaharurot ito.
*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧
Pagdating ko sa ACEA ay pinarada ko muna yung motor ko at pumasok sa loob ng building.
I was greeted by a cold atmosphere from the aircondition. Hindi mawawala yung mga titig ng mga taong parang ngayon lang ata nakakita sa 'kin dahil hindi naman talaga ako masyadong pumupunta dito. It's because I work in the field more often, I work to pretend as someone.
Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang fifteenth floor kung saan naroon ang headquarter ng Class A agents. While waiting, my phone abruptly vibrated, hudyat na may natanggap ako na text message.
From: John Gotti
Are you asleep?
Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko siya nireplyan dahil unang una, wala akong load at pangalawa ay nasa trabaho ako ngayon. Kaya ang ginawa ko ay ni-long press ko yung right button malapit sa navigation para i-shut down ito. Mahirap na, baka bigla ulit akong tawagan nito at magexpect ng late night call mula sa 'kin.
*ting!*
"Good evening, Agents."
Napaayos ako ng tayo nang may pumasok na babaeng may maikling buhok, naka-casual attire at may dala-dala pang briefcase na palagi niyang bitbit sa t'wing umaalis siya sa opisina niya.
"Good evening, Miss Kelly."
Si Miss Kelly, the ACEA's director. The head among all of the people working under the roof of this building. The big one.
Tila pigil hinga kaming dumikit sa dulo ng elevator para bigyan ng space si Miss Kelly.
"You guys don't need to be tensed. Nasira yung VIP elevator kaya makikisali ako rito. Just think of me as your workmate, please."
Nasa pinakatuktok ang office ni Miss Kelly. Pero bumaba siya bandang twelveth floor. Ewan, magpapasa na naman ata ng special mission sa mga agent na walang ibang choice kundi ang sundin ang utos nito. 'Gaya nalang no'ng unang beses akong tinuhog ng hotdog.
Pagtungtong ng fifteenth floor ay dumiretso na ako sa HQ para kitain si Mandy. Pagbukas ko pa lang sa double door ay nadatnan kong magulo ang HQ namin. May mga nagtatalo, may nagtitipa sa laptop at computer, may sumisigaw patungkol sa mga papeles. Si Erik na hinihilot ang sintido habang kinakausap ang isa sa mga crew namin. Tapos si Mandy na pabalik-balik ang lakad sa gilid, parang hindi mapakali.
Nilapitan ko agad siya at kinalabit.
"Ayos ka lang--"
"Lagot ka, Ella." Dire-diretsong sinabi niya sa 'kin.
"Bakit? Anong nagawa ko?"
"Nalaman ni Miss Kelly yung ginawa mo, yung ginawa niyo ni Gambino."
Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi maproseso sa utak ko. "Paano? Bakit? Kailan lang?"
"Hinahanap ka na ni Gambino. He wants you to work with him. As his..." Hindi makatingin nang diretso sa 'kin si Mandy. Ni-hindi nga niya tinapos ang sasabihin niya.
"As his?" paguulit ko.
"Personal s*x worker. He knew you were a virgin, and that he says he's going to be safe with someone without experience yet."
"WHAT?!" Naisigaw ko na lamang. Dahil sa pagsigaw ko ay tumahimik ang buong paligid at napatingin sa 'kin.
Fuck, they must've seen me doing dirty deeds with Gambino! Kasi diba I had contact lenses on, and everything was recorded.
"Please tell me I won't be seeing him again?" pagmamakaawa ko kay Mandy.
Umiling lamang siya. "'Yan ang hindi ko alam, Ella. He's contacting the agency we hired to undercover. Hinahanap niya yung pangalang Isabella."
"Pwede naman ata dibang tanggihan yung gusto niya?"
Shit, this can't be right. Hindi ako pwedeng maipit sa ganitong klaseng trabaho dahil hindi naman ako gano'ng babae.
"Paano?"
Kinagat ko yung daliri ko at nagisip ng paraan. Kung kanina ay si Mandy yung palakad-lakad sa gilid at parang hindi mapakali, ngayon ay ako naman.
"What if sabihin ko sa kaniya na may iba akong trabaho? That I quit working as an, er, erotic worker?"
Tumahimik saglit si Mandy. Bigla na lamang niyang pinitik ang daliri niya sa harap ko at lumapit kay Erik.
Wait, will it still work?