Nakauwi ako sa apartment bandang ala una y media ng hapon dahil aside sa meeting, may inasikaso rin akong reports kay Erik tungkol sa progress ko with Gotti. It was a paperwork. I included the part when he, Gotti, takes the first move in contacting me. So I say there's a huge improvement with my hashtag: undercover Ella.
Wala, e. Hinahabol na niya ako. Ganiyan ako kagaling sa undercover missions pero if field missions na, wala na akong masabi.
Pagdating ko sa kuwarto ko ay agad kong hinanap ang nasira kong cellphone na nabato ko kagabi sa dingding at kinuha ang sim card nito para ilipat sa keypad na hiniram ko kay Mustafa. It took me awhile to hold and click the open button.
Nakahinga ako nang maluwag nang magvibrate ito at nakitang umilaw na ang screen. So as I watch the mini-advertisement or what you call this, kinakagat ko ang daliri ko sa nerbyos.
Pagbukas pa lang ng keypad ay bumungad sa 'kin ang limang text messages ni Gotti.
From: John Gotti
Good morning! Sorry I fell asleep while we're on call.
From: John Gotti
Anyway, may business trip yung boss ko kaya baka matagalan ako mamayang hapon.
From: John Gotti
Out of reach ka. Are you okay?
From: John Gotti
Tried calling you pero hindi nagriring. I’m starting to get worried.
From: John Gotti
That’s it, I’m going back to the City. I’ll find you.
Hindi ko alam kung matataranta ba ako sa pinakahuling text niya o matatakot sa I'll find you niya. Masyadong creepy, e. Paano pag nalaman niyang wala na pala ako sa condo nila Mandy? Iba pa naman yung kamandag ng mga may koneksyon lalo na't boss niya si Gambino, who happens to have a huge connection with powerful people.
Pinindot ko ang second button, upper left ng keypad para diretsong tawagan siya. Pero dismaya nalang ako sa sarili ko dahil naalala kong wala pala akong load balance. Kainis naman.
Dali-dali akong tumayo at kinuha ang wallet ko para magpaload. Nang pihitin ko yung doorknob pabukas ay nagulat ako nang bumungad ang mukha ni Gotti sa tapat ng pintuan ko; his fist ready to knock at the door which happens to be pointing at my forehead.
Sa gulat naming dalawa ay pareho kaming napatitig sa isa't isa at natulala.
"Knock knock?" He jokingly said and gently tapped my forehead.
"Paano mo nahanap 'tong bagong apartment ko?"
Ibinaba na niya ang kamay niya at pinasok ito sa bulsa niya. "Well, I have friends..."
"Na?" Okay, he creeps me out. What if he's a creepy stalker that stalks me everyday and found out where I currently live?
"I have connections," aniya. "Don't worry, I don't do stalking. I only do tracking."
Dahan-dahan kong itinaas-baba ang ulo ko habang kagat ang ibabang bahagi ng labi ko.
"So... Is your new home welcomes a visitor?"
Oh shoot. Hindi pa ako nakapaglinis at mas lalong hindi ko pa naarrange ang mga gamit into its specific places.
"Magulo yung bahay ko, e. Pwedeng do'n nalang tayo sa convenience store magusap?" I even pout my lips para ituro ang direksyon ng convenience store.
"No, it's okay. I can just pick you up later. Atleast now I know where you live."
Ngumiti ako kay Gotti. "Thank you. See you later and pasensya talaga, sobrang gulo pa ng bahay. I'll invite you soon for a coffee or dinner after I'd settle down here."
He clicked his tongue and pointed both of his index fingers at me. "Dinner, deal. And probably coffee, too."
*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧
Alas kuwatry y media nang tumawag si Gotti na papunta na siya dito sa apartment. Timing pag-tawag niya sa 'kin ay katatapos ko lang maligo ulit at mag-lotion. Kaya ngayon ay namomroblema naman ako sa damit kong susuotin dahil nakatambak pa ito sa loob ng luggage ko.
In the end, I settled with a white whole-body knitted dress and paired it with a white polo since sleeveless siya and I have no mood in wearing a sleeveless. I completed the look with a pair of white rubber shoes and a black bag, and some jewelries I have that my late father gave to me.
Sa lahat ng ari arian niya ay ito lang ata yung namana kong mamahalin. Pwede ko 'tong mabenta o maisangla, e. Pero pinapahalagahan ko 'tong mga binigay ni Papa sa 'kin.
Inii-spray ko na yung sarili kong katawan ng perfume nang may marinig akong katok mula sa pintuan ng apartment.
"Palabas na!" I shout back and hurriedly ran towards the door. I made sure that I brought with me the door key, my wallet, my lipstick and the keypad phone inside my bag. After checking everything, binuksan ko yung pinto at bumungad sa 'kin si Gotti--again--na naghihintay sa 'kin.
"Oh God, you look so stunning."
Nahihiya akong ngumiti sa kaniya habang nilolock ko yung pinto.
"Ikaw talaga, bolero."
"Hindi, ah."
Tumawa na lamang ako nang malakas at inaya siyang lumabas na. Nakaparada sa tapat ng gate ang sasakyan niya kaya pumasok kaagad kami at hinayaan siyang dalhin ako sa kung saan.
I thought he's going to take me somewhere in the street like what we used to do. Pero nagulat ako nang pumarada siya sa tapat ng isang mamahaling restaurant. He got out first from the car at mabilis na lumapit sa kabilang door--which happens to where I am sitting--and pinagbuksan niya ako.
"Oh, wow. Thank you very much," naisabi ko nalang sa kaniya dahil hindi ko inexpect 'to. "Dito tayo kakain?"
"Yes. Actually," nahihiya pa niyang kinamot ang batok niya. "I took you here to officially know you better. You know, getting along together. Tell stories about our life."
Pinanliitan ko siya ng tingin. "Hmm, okay?"
He guided me through the glass doors and through the reserved table for just the two of us. May lumapit na waiter sa 'min at kapwa kami binigyan ng menu. And when I opened it, I literally just wanted to go and order some fastfood.
"Uhh..." Libre niya ba 'to? Kasi kung oo, nakakahiya naman ata kung mamimili ako ng mga pagkain dito na sa tingin ko'y tig-tatlong digit ng dolyar ang halaga sa isang putahe. Kahit puto ata ibebenta dollar rate din, e.
"Oh, never mind the menu. Orderin nalang natin lahat."
"WHAT?!"
Binawi niya mula sa kamay ko ang menu na hawak ko na ilang oras ko ring tinitigan dahil wala akong mapili.
"Huy, pwede naman tayong bumili kahit isa lang. I mean tig-isa lang. Sobrang dami naman ata kung yun lahat iorder natin tapos tayong dalawa lang ang kakain?"
Humagikgik si Gotti. "Pwede naman nating ipaligpit yung pagkain kung 'di natin maubos, hindi ba? Atleast we have a food to eat the next morning."
Tumawa nalang ako sa sinabi niya kahit na parang gusto ko nang umalis dito dahil sheyt, ang sosyal ng mga taong kumakain rito. Ang expensive tignan. Lalo na yung mga pagkaing binebenta dito, mauubo ka nalang talaga sa sobrang mahal.
"Here's your food, Ma'am, Sir. Enjoy eating." Inihain na nila yung mga platito ng mga desert, mga ulam, prutas, at noodles. Sobrang dami dahil lahat ng nasa menu ang binili ni Gotti. Umaabot atang fifty dishes yung nilagay nila.
Paano namin uubusin lahat ng 'to?!