Sa lahat ng naging tanong ay doon napukaw ang atensyon ko. Hinanap ng mga mata ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Mula sa gitna ay naroon si Mikaela, nakangiti siya habang nakatitig kay Brayden. "Ahm, honestly—" Natigil ang tangkang pagsagot ni Brayden nang biglang sumingit si Leon. Nang lingunin siya ay nagmistulan itong balisa. Ewan ko ba kung para pagtakpan ang kung ano mang mayroon sa aming dalawa ni Brayden, o may iba pa siyang dahilan. Kagaya nga ng sinabi ko, wala naman akong balak na itago ang relasyon naming dalawa ni Brayden. Isa pa iyon sa pinaghahandaan ko bago bumalik dito , bukod pa sa pagharap ko kina Mama at Papa. Hindi naman kasi pwede na ilihim ko pa iyon sa kanila. "Papasukin niyo naman sila. Dinumog niyo na kaagad," anang Leon at saka pa iwinawagwag ang mga kama

