Chapter 54

2107 Words

Nang medyo malasing na ang mga kaibigan at pinsan ko ay saka naman nila inumpisahan ang larong truth or dare. Gamit nila ngayon ang boteng wala ng laman na siyang pinapaikot nila sa center table. Naroon pa rin kami sa sala, mabuti at natural na malawak ang sala kung kaya ay nagkasya kaming lahat. Wala na ang maingay na tugtog ngunit pumalit naman ang mas malakas nilang paghalakhak. Sa laki ng bahay at purong salamin ay halos umalingawngaw ang pagtawa ng bawat isa. Tila rin ba wala nang naging pakialam pa kung makaistorbo man kami ng natutulog. Pero kung sabagay, nag-iisa lang naman itong mansion sa pinasukan naming subdivision. "Game na! Ang kukupad niyo!" Si Leon na palaging pasimuno ng kalokohan. "Ako na ang mag-iikot," presinta ni Jackson. Unang sumalang ay si Vien. "Truth or dare?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD