"For real?! "Oh, tangina! Nanalo rin sa pustahan!" malakas na sigaw ni Leon. Malakas din siyang tumatawa habang tumatalon-talon pa sa sobrang saya. Siya lang ang maingay dahil pagkatapos kong sabihin iyon ay akala mong may dumaan na anghel sa gitna ng sala. "So, kailan ang kasal?" anang Eunice na kasali sa mga hindi nagulat, naghihintay lang talaga siya na umamin ako. "Wala pang exact date. Sa ngayon ay marami pa kaming tinatapos," simpleng saad ko. Tumango-tango si Eunice bilang sagot, nangingiti na rin. Samantala ay binalingan ko naman si Mikaela na biglang tumahimik. Nakatanaw lang ito sa akin, pinapanood ang bawat pagngisi ko. Kalaunan nang ngitian ko ito. Kaibigan ko si Mikaela, ayokong dumating na magtalo kami nang dahil lang sa isang lalaki. Huwag na si Brayden, total ay mukha

