"Sa totoo lang ay kanina lang din namin nalaman." Muling natawa si Pedro. "Mayroong kaming naka-install na surveillance camera sa pier, dapat doon pa lang ay nagbigay na siya ng warning sa amin na may papaalis na mga yate kung totoo nga na nagbabantay talaga siya ng CCTV. May mga yate rin kaming nakaabang sa gitna ng dagat na dapat doon pa lang ay tapos na rin ang laban. Pero hindi, e. Kung kailan padaong na ang mga yate ay saka lang siya nagsabi, para lang masabing nag-warning siya at hindi maakusahang traydor siya." Oh! Ngayon ay alam ko na kung bakit dumeretso kanina si Brayden sa basement. Pakay niya rin ang paghuli kay Gino. Marahan akong tumango-tango. Ang mga mata ko ay hindi maalis kay Pedro. Kaya nang malingunan niya ako ay nakita ko ang biglang pamumula ng kaniyang mukha. Nahih

