Chapter 1

2586 Words
"Leigh," pagtawag sa akin dahilan para malingunan ko ito. "Let's have a date." "Huh?" Umarko ang kilay ko, saka pa napipilan na tiningnan si Xian. Ano naman kayang nakain nito ngayon? "Anong sinabi mo?" sambit ko, hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang narinig. First of all, ayokong umasa at baka pinagtitripan lang niya ako. Katulad kahapon, ginawa niya rin ito pero syempre, hindi naman ako marupok para um-oo kaagad kahit pa gusto ko rin siya. Wait a minute. Alam kaya niyang gusto ko siya? Na may lihim akong pagtingin sa kaniya? Well, gwapo si Xian. As in sobrang gwapo! Parang Zayn Malik ng Pinas. Sa lahat ng lalaking nakilala ko ay siya lang iyong pumasa sa taste ko. Sa edad na twenty five ay malaki ang kaniyang pangangatawan. Hindi hamak na laman palagi ng gym, 'di rin maitatangging habulin ng mga babae. Maputi, malinis tingnan at matangkad. Sa sobrang expressive pa ng mga mata nito ay gusto ko nang paniwalaan ang sinabi niyang iyon. Matangos ang ilong at may mapupulang labi, mukhang malambot din na parang ang sarap kagatin. "Mag-date tayo. I want a relationship with you... kaya gusto ko na ligawan ka," seryosong wika ni Xian. Totoo ba talaga 'to? Hindi ba siya nagbibiro? Kasi kung hindi, oo talaga ang sagot ko! But of course, ang bilin sa akin ni Mama ay huwag magiging marupok sa mga lalaki. Pakitaan man daw nila ako ng kabutihan, o magawang pakiligin, dapat ay kalmado lang. Dapat ay nasa poise ka pa rin. Huminga ako nang malalim. "Seryoso ka ba riyan? Baka prank lang 'to?" Paano ba 'yung tili na walang tunog? Natawa si Xian. Pinatay pa muna niya ang engine ng kaniyang sasakyan, hudyat na mukhang magtatagal pa kami rito sa labas ng bahay namin. Kaka-out ko lang galing trabaho at siya ang sumundo sa akin. Si Xian ay hindi lang basta kakilala ko, hindi rin katrabaho. He's my friend for a long time, best of friend na nga kung ituring ko. We're always together simula college up to now, kahit may kaniya-kaniya na kaming trabaho ay nagagawa pa rin naming magkita. Kapag marami kaming time ay nagkakaroon kami ng ‘date’ as a friend, kaya hindi ko alam kung bakit niya pa ako inaayang mag-date. So, seryoso talaga siya? Hindi naman siya magpapaalam ng ganito kung hindi. "You know, Leigh, matagal na kitang gusto..." ani Xian na ayaw na yata akong tantanan ng mga titig niya. "Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula. Siguro sa araw-araw na magkasama tayo, unti-unti rin akong nahuhulog sa 'yo." "Xian..." bulong ko, hindi na alam kung ano pang sasabihin dahil literal na nagulantang ang mundo ko sa pag-amin niya. We're on the same boat pala. Matagal ko na rin siyang gusto, hindi ko rin alam kung kailan ko nasabing gusto ko na siya. Basta paggising ko isang araw ay ayoko nang malayo pa sa kaniya. Gusto kong kasama siya araw-araw. Kaya kahit sobrang hectic minsan ng schedule ko ay nagagawa kong isingit pa ang pakikipagkita sa kaniya. Walang mintis, walang akong absent pagdating sa kaniya— sobrang special niya sa akin. "Ang totoo niyan, ang tagal kong pinag-isipan ito. Natatakot na baka hindi mo magustuhan ang pag-amin ko. I might disappoint you. And I am so fvcking nervous, Leigh." Mahina siyang humalakhak. "But really, I don't want to be your friend anymore, gusto ko na higit pa sana roon. Willing naman akong maghintay. Slowly but surely. That's why I'm courting you." Napalunok ako. "Let me think about it first." Oh, ha! Proud na siguro ngayon ang Mama ko. Sasabihin ko ito sa kaniya, baka rin may pwede siyang mai-advice sa akin. Sa sagot kong iyon ay ngumiti si Xian, tila ba sapat na sa kaniya iyon at masaya na siya. Napangiti rin ako. Saglit pa kaming nagkatitigan hanggang sa mabilis din iyong naputol nang may biglang kumatok sa bintana mula sa gilid ni Xian. Pareho namin itong nalingunan. Sa labas ay naroon si Leon, pilit na dinudungaw ang loob nitong kotse ni Xian, pero sa kadahilanang tinted ang mga bintana ay wala siyang makita. Binuksan naman din ni Xian ang bintana. "Hindi ka pa ba uuwi? Kanina pa 'tong sasakyan nakaparada rito?" Lah, siya. May pinagmanahan talaga, parang si Tito Leo na grabe kung makapagprotekta noon kay Mama na siyang kapatid niya. Ang kwento pa ni Mama noon ay mahigpit daw talaga si Tito, istrikto pero maalaga naman. Ewan ko lang dito kay Leon, hindi naman kami magkapatid at magpinsan lang! Hindi rin maalaga, pero heto siya at grabe rin kung makapangbakod, kahit pa alam naman niyang malapit kong kaibigan si Xian. "Good evening, Leon," ani Xian, mabait pa rin dahil binaliwala niya ang kawalang respeto nito sa kaniya. "Uuwi na rin ako." "Mabuti kung ganoon," pagsusungit niya. Wala kasi akong kapatid o maituring na totoong Kuya. Only child lang ako nina Mama at Papa, kaya rin ay todo bantay sa akin si Leon. Akala mo pa ay may nasasahod sa pagbabantay sa akin. Mayamaya ay hinarap ako ni Xian, ngumiti siya. "Sige na, Leigh, bukas na lang. I'll text you later, okay?" Umimpis ang labi ko upang magpigil ng ngiti. Hindi na rin ako nagsalita bagkus ay ilang beses na tumango. Nagdesisyon na rin akong bumaba ng kotse, saka naman binuksan ni Xian ang engine nito. Gumilid ako at tumabi kay Leon na ngayon ay masama akong tinititigan. Pero nakangiti lang din ako hanggang sa unti-unting lumalayo ang kotse ni Xian, panay pa ang kaway ko kahit wala na ito. "Ano 'yan, Leigh?" maahang na palatak ni Leon sa tabi ko. "Bakit namumula ka? Nagda-drugs ka ba?" "Siraulo ka ba?" singhal ko rito, kapagkuwan ay pinanlakihan pa siya ng mata. "Bakit ba lagi ka niyang hinahatid-sundo? Palagi ko siyang nakikitang tumatambay dito. Magkaibigan ba talaga kayo?" sunud-sunod niyang palatak habang sinusundan ako sa paglalakad ko. Sa Villa El Amor ay magkatabi lang ang bahay namin. Nauna lang iyong amin at hindi na ako nagulat nang sumunod siya pati sa loob ng bahay. Mukhang magsusumbong na naman. Kainis 'to! "Tito! Tita! Si Baduday may bagong jowa na naman—" Kaagad kong pinakain sa kaniya ang kamao ko, este gamit ang kamay ay tinakpan ko ang kaniyang bibig. "Bwisit ka, Leon!" giit ko rito. Anong bagong jowa? Wala pa akong boyfriend, 'no! Si Xian pa lang kung sakali! Pero oo, no boyfriend since birth ako. "Anong nangyayari?" Si Eunice na dinungaw pa kami mula sa kusina, siya ang bunsong kapatid ni Leon. "Itong Kuya mo, nang-iinis na naman!" Nakarinig ako ng tawanan sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko, rason para dali-dali akong tumakbo para silipin ang ingay doon. Halos bumagsak pa ang panga ko nang makita ang mga sugo ng Demonyo. I mean ng mga Bachelor Squad. Kaya pala nandito sina Leon at Eunice, kasi nandito sina Krisha, Mikaela, Penelope! Pati ang quadruplets na sina Carter, Caiden, Clayton at Callum. Hindi rin papahuli ang magpakapatid na sina Johnsen at Jackson. Pati sina Minerva, Vien at Pietro. Marami pa sila na hindi ko na maisa-isa dahil naduduling na ako. Nangasim ang mukha ko, nakita ko pa si Mama na may hawak-hawak na tupperware para sa inihanda niyang pagkain. "Kumain lang kayo nang kumain," masayang anyaya niya, saka naman niya ako nalingunan. "Oh, nandiyan na pala ang baby girl ko. Halika ka na, sumabay ka na." "Bakit sila nandito?" anas ko. "Masama ba 'yon, Leigh?" pagsingit ni Minerva na talagang nagmana sa madaldal niyang ina. "Pasensya ka na, Leigh, ah? Mukhang hindi kami pasok sa standard mo, kasi sino ba naman kami? Kami lang 'to," si Krisha na akala mong best actress, model lang naman. Nagtawanan silang lahat. Samantala ay naroon na sa likod ko si Leon na inakbayan pa ako para lang tuluyan akong makapasok sa kusina. Siniko ko ito, tinulak din dahil naiinis pa ako sa kaniya. "Pagkatapos niyo riyan ay umuwi na kayo, ah! Baka pwedeng kayo na rin ang maghugas ng pinagkainan ninyo," patuloy kong palatak, pero naupo na rin sa bakanteng upuan. Natawa si Mama. "Don't worry, kapag hindi pa lasing ang Papa mo ay siya ang paghuhugasin natin." Ngumuso ako. If I know, may reunion na naman ang mga matatanda sa bahay nina Tita Venice, iyong luma nilang bahay dati. Ginawa na yata nila iyong meeting place o jamming bar, kaya ang mga anak nila ay nandito sa amin at nakikikain. "Pero Tita, alam mo na bang may boyfriend itong si Leigh?" pukaw ni Leon, binalingan ko siya upang samaan ng tingin ngunit mapang-asar lang siyang ngumiti. "Wala pa naman siyang nasasabi sa akin. Ang alam ko lang ay may bestfriend siyang lalaki na mukhang nagugustuhan din siya." Sa narinig ay nanlaki ang mga mata ko. Alam iyon ni Mama?! O nakikita niya lang, pero hindi ko alam? Manhid na ba ako? OMG! Parang may humaplos sa puso ko. Twenty four na ako, pero parang ngayon pa lang ako nagdadalaga. Ngayon ko pa lang nararamdaman iyong pagiging teenager. Sobrang late bloomer ko naman yata. "Alam mo rin, Tita?" saad ni Mikaela. "Iyon nga rin po ang napapansin namin." "Hindi naman kasi pwedeng magkaibigan lang ang isang babae at lalaki, palagi pang magkasama. Natitiyak kong gusto ka talaga no'n, Leigh," dugtong ni Jonhsen. Ang patungkol sa amin ni Xian ay hindi na sikreto. Sa tagal naming magkaibigan ay alam na iyon ng lahat, ng pinsan at mga kaibigan ko. Kilala na rin nila si Xian. Hindi nga lang madalas na sumama sa amin dahil nahihiya siya. Lalo kay Leon na hindi yata boto sa kaniya, isama pa ang grupo ng mga lalaki na nandito, hindi rin siya gusto. Wala pa nga, hindi pa nga kami pero ang dami ng balakid— ang dami na kaagad mga kontrabida. Hay naku. "Spaghetti, Leigh?" anang Penelope at inilahad sa tapat ko ang pinggan ng spaghetti, maagap ko namang kinuha. "Thank you." Kapag malaki talaga ang circle of friends mo ay maloloka ka. Halu-halo iyong mga ugali, pati emosyon ko ay naghalu-halo na rin. Maiinis pagdating kay Leon, sa quadruplets, Pietro at Jackson, pero matutuwa naman kina Mikaela, Eunice, Krisha, Vien, Minerva at Penelope. Nang matapos ang hapunan ay tumambay pa muna ang mga kupal. Naroon sila sa sala at nagkakantahan, pero ako, sa pagod ay nauna na akong umakyat ng kwarto. Gusto kong magpahinga, lalo ang mapag-isa. Pakiramdam ko ay napagod akong makipagtalo kay Leon, kahit magaan naman sana ang mood ko dahil sa kaninang pag-amin ni Xian. Speaking of which! Mabilis kong hinanap ang cellphone sa bag ko. Doon ay nakita ko ang mga iniwang text ni Xian. Tinadtad niya ako. Kaagad akong napangiti, naglupasay pa sa kakiligan kung kaya ay lumundag ako sa kama. Padapa ang pwesto ko, naghahanda na rin ng reply. We'll date tomorrow. If that's okay with you. Of course! Bakit ako tatanggi? Ngayon pa ako tatanggi? Ay, mali— kailangan ko muna palang komprontahin si Mama tungkol dito. Bago magreply ay tumayo ako. Bumaba ulit ako ng sala, nilampasan ko ang mga kaibigan at deretsong bumalik sa kusina kung saan naroon pa si Mama. Abala ito at nag-aayos pa rin. Lumapit ako, saka pa sumandal sa gilid ng counter top. "Ma!" maligaya kong pukaw dito, nagulantang naman siya at kamuntikan pa akong batuhin ng basahang hawak niya. "Leigh naman!" aniya dahilan para matawa ako. "Bakit ka ba nanggugulat?" "Kasi, Ma, I have something to tell you," pahayag ko. Tumigil naman ito sa ginagawa upang ibigay sa akin lahat ng atensyon niya. "Ano ba 'yon?" "You know Xian, right?" nangingiti kong sambit, siya namang tango ni Mama. "Ang boy bestfriend mo." Napangiti rin siya, sa pagkakataong iyon ay may bahid ng pang-uudyo. "Bakit? Anong mayroon?" Umamba akong magsasalita, pero kaagad ko ring itinikom ang bibig. I am just too stunned to speak all right. Kinakain ng kilig ang sistema ko, ebidensya naman doon ang pag-iinit at pamumula ng pisngi ko. Alam kong mukha na akong kamatis, but who cares. Nangunot ang noo ni Mama, tila ba nag-aantay sa sasabihin ko, maging siya tuloy ay excited na rin. Wala naman sa sarili nang makagat ko ang pang-ibabang labi, saka pa pasimpleng sinikop ang buhok sa gilid ng tainga ko, nagpapa-cute. "Ang sabi kasi niya, Ma, manliligaw daw siya," kalaunan ay nahihiya kong banggit. "Oh?" Nagulat siya. "Akala ko ay nanliligaw na iyon. Hindi pa pala?" Pareho kaming natawa. Itong si Mama kahit nasa fifty na ang edad ay nagagawa pa ring sumakay sa mood na mayroon ako, nasasakyan niya pa rin lahat ng biro ko. "Ma, bestfriend lang kasi," pagtatama ko. "Naku, maraming nadadali sa ganiyan. Pero ano na ngang nangyari? Sinagot mo na?" "Syempre, Ma, hindi pa!" "Ay, bakit?" "Ma, 'di ba dapat ay pakipot muna ako? Katulad ng palaging bilin mo?" "Kung gusto mo naman, bakit hindi 'di ba? At saka, ayos lang 'yan. Ganiyang edad mo rin noong lumandi ako sa Papa mo." Napanood ko ang pagngiti ni Mama, para bang nagawa niyang makapag-reminisce sa ilang segundong nagdaan. Kahit din na matanda na siya ay sobrang ganda pa rin niya, siya pa rin iyong nag-iisang idolo ko pagdating sa pagandahan. Walang tatalo kay Mama. Ang sabi nga ni Papa, dinaig pa niya si Bella Hadid— sobrang perfect! Kaya ayun, kahit parehong matanda na ay inlove na inlove pa rin sila sa isa't-isa. How I wish na makahanap din ako ng true and greatest love ko. Baka si Xian na rin iyon. Like OMG talaga! "Okay lang ba na sagutin ko kaagad? Hindi ba parang masyasong mabilis?" alanganin kong tanong, gusto ko man din pero syempre, umiiwas lang ako sa mga taong ma-issue katulad ng isa riyan. Itago ko na lang sa pangalang Leon, 'yung hayop, ah. "Kung gusto mo ay bigyan mo siya ng panahon na patunayan sa 'yo na gusto ka talaga niya, na sincere siya at totoo ang ipinapakita niya. Pero kung sa akin lang? Kung ako ang tatanungin mo, anak... okay lang. Wala naman iyan sa tagal kang niligawan dahil ano ba ang dapat na pinapatagal? Hindi ba't relasyon? Well, ang panliligaw stage ay pagpapakita ng kabutihan para magustuhan mo ang isang tao, pero makikita mo ang totoong ugali niya kapag naroon na kayo sa relasyon." Tumango-tango ako, tama naman. May kaniya-kaniya rin namang opinyon ang tao sa sitwasyong ganoon, pero masasabi kong may point din si Mama. Naiintindihan ko iyong gusto niyang ipahiwatig. Hindi mo nga makikilala ang isang tao hangga't hindi kayo nagsasama sa iisang bubong dahil diyan lumalabas iyong totoong ugali, iyong mga imperfection ng tao. Diyan mo rin masasabi kung matatanggap mo pa rin ba ang taong 'yon. "Pero depende pa rin iyan sa 'yo, anak. Nasa iyo pa rin naman ang desisyon. Basta ako, kung saan ka masaya ay doon ako," nakangiting wika ni Mama. Iminuwestra pa nito ang parehong kamay niya sa harap ko, rason para tanggapin ko ang kagustuhan niyang yakapin ko siya. Nasa ganoong ayos lang kami nang dumating si Leon sa kusina, malakas na umuubo. "Oh, Leon, anong kailangan mo? Tubig ba?" ani Mama at humiwalay din sa akin. Tumango ang kupal kong pinsan. "Pero, Tita, hindi ba po parang ang bilis naman kung sasagutin niya kaagad ang lalaking 'yon? Hindi nga 'yon pasok sa standard ko, e." "Ay, bakit? Ikaw ba ang nililigawan?!" sigaw ko, mabilis naman siyang tumakbo nang makita ang paghabol ko sa kaniya. Ewan ko ba sa kaniya, ano bang mali kay Xian at ayaw na ayaw niya? At ano ba namang pakialam niya sa lovelife ko? Para namang may gusto siyang ireto sa akin, o nakaabang kaya todo bakod siya. Bwisit siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD