Chapter 2

2529 Words
Wala sa sarili nang mapatitig ako sa sarili kong reflection. Nakaupo ako sa tapat ng vanity mirror ko, katatapos ko lang maligo at ngayon nga ay pinag-iisipan ko pa kung anong klaseng make up ang gagawin ko sa mukha ko. Nakatapis pa rin ng kulay puting tuwalya ang katawan ko dahil basa pa ang buhok ko, balak ko kasi na tuyuin muna ito ng hair blower bago ko suotin ang napili kong damit para sa araw na iyon. And it's sunday! Ito ang araw na napagkasunduan namin ni Xian na magde-date kung saan siya ay bilang manliligaw ko na. Pumayag ako kagabi at nagreply ng— oo naman, yes! Kaya ngayon, I am so fvcking nervous. Well, date lang naman ito at hindi ko pa naman siya sasagutin ngayon. Gusto kong patagalin, siguro mga one week gano'n at saka ko siya sasagutin. Kasi ang sabi nga ni Mama, relasyon ang pinapatagal at hindi ang panliligaw. So, yeah... Sa kaba ko ay nagtagal ako sa banyo ng higit isang oras, nangulubot na lang iyong balat ko sa sobrang pagbabad sa bathtub pero hindi pa rin ako mapakali. Ngayon ay hindi ko rin alam kung anong gagawin. Mamayang ten o'clock pa naman ako susunduin ni Xian, two hours from now, since alas otso pa lang. See that? Hindi naman halatang excited ako 'di ba? At the same time, kabado malala. Kagabi ay inihanda ko na iyong isusuot ko, naroon na iyon nakapatong sa kama. Ang problema ko na lang talaga ay papaanong make up ang gagawin ko. Iyong natural ba? No ‘make up’ make up look? O heavy make up? Saan ba kasi ang punta namin? Sa restaurant ba? Kakain kami roon ng lunch obviously, pero after that saan na? What if magpunta kami ng Manila Ocean Park? O 'di kaya ay Star City? Eh, 'di mahuhulas lang ang make up ko? Ayoko namang panay ang retouch, nakakahiya! Impit akong napasigaw, iniling-iling pa ang ulo sa sobrang pagka-frustrate. In the end, tinawagan ko na si Krisha. My best bud na alam kong magaling sa ganito dahil isa siyang sikat na modelo. She's hot as fvck. Maganda ang pangangatawan, balingkitan at maganda ang hubog ng katawan. Maputi, matangkad at girl— virgin pa! Kung lalaki lang din ako ay gusto ko siyang ligawan. But no, I don't want pvssy. Fvck that! Bakit ba iyon ang iniisip ko? Huminga ako nang malalim at saglit na sinapo ang sariling noo. Sa kahihintay sa kaniya ay inabot ako ng higit twenty minutes na nakatulala lang sa harap ng salamin. Medyo natuyo na ang buhok ko kahit pa hindi ko pa iyon nabo-blow dry. Mayamaya ay may kumatok sa pinto ng kwarto, kaagad ko itong pinapasok kahit hindi ko pa man siya nakikita. Siya lang din naman kasi ang ine-expect kong darating ngayon. Malapit lang din naman ang bahay nila Tito Warren dito, sa La Corazon Residence. Ang village na pagmamay-ari rin ng ninuno nila. "Leigh!" pukaw niya at dere-deretsong nilapitan ako sa pwesto ko. "Ang tagal mo," pagpuna ko pero sinabunutan lang niya ako dahilan para mangasim ang mukha ko. Pabiro lang naman iyon at hindi masakit, iyan na kasi ang nakagawian niya sa mga ka-close niya. Inismiran ko ito, ura-urada naman siyang tumayo sa likuran ko at saka ako dinungaw sa salamin. "What kind of make up do you want?" maarte niyang sinabi. Inirapan ko nga. "Kahit ano, 'yung ikagaganda ko— hep, alam ko na maganda na ako, but I want the best version of me! You get it?" Pinagtaasan ko siya ng kilay, tumango naman ito. "So, light or heavy make up? Alin nga roon?" Napabuntong hininga ako. "Sige, light na lang. Pero medyo kapalan mo at baka kasi mahulas." Nginitian ko siya, inungasan lang niya ako kung kaya ay pareho rin kaming natawa. Ganito kami palagi, isama pa sina Mikaela, Vien, Minerva at Johnsen, pare-parehong may saltik. Ang naturingang mabait nga lang sa grupo namin ay sina Eunice at Penelope. Pero nagiging baliw din naman kapag magkakasama kami. Tumingala ako para kay Krisha nang magsimula siya. Marahan at magaan ang kamay nito, bawat haplos niya sa mukha ko ay banayad. At sa tuwing may natatapos pa siya sa mukha ko ay panay ang harap ko sa salamin para tingnan. Itinataas-taas ko pa ang dalawang kilay habang nakatingin sa sariling reflection, tunay na nagpapa-cute. Iniisip ko pa kung ano ba dapat ang mga magiging reaction ko mamaya kapag kaharap ko na si Xian. Minimal moves ba? O 'yung galawgaw ko pa ring kilos? Eh, paano kung ma-turn off siya? Pero hindi, ang sabi niya ay matagal na niya akong nagustuhan. Ibig sabihin, lahat ng flaws and imperfection ko ay nauna na niyang tinanggap. So, I'll just stick to my usual self. Kumawala ang mahinang hagikhik sa akin, rason naman para batukan ako ni Krisha. "Girl, you're daydreaming, you might want to stop it! Ang cringe, e." Ang arte-arte talaga. Hindi na ako nagsalita at inirapan na lamang siya. Pumikit na lang din ako nang maglagay naman siya ng eyeshadow. Hindi pa nagtagal nang matapos siya sa mukha ko, kaya ang buhok ko naman ngayon ang inaayos niya. Nakatitig lang ako sa sarili kong reflection and boy! Pati ang sarili ko ay hulog na hulog na sa kagandahang taglay ko! Natural make up nga lang iyon, pero mas na-enhance ang magandang features ng mukha ko. Fox eyes, naka-laminate rin ang makapal kong kilay. My high cheekbone, matangos na ilong at mala-cupid bow lips. Sa huli, pinili ni Krisha na gawing half ponny ang buhok ko kung saan ay kinulot ang bandang dulo. "Tada! We're done!" aniya at iminuwestra ang mga kamay sa salaming nasa harap ko. "Shet, ang ganda ko," bulalas ko. Malakas na natawa si Krisha sa kabaliwan ko at napailing-iling na lang sa kawalan. Tumalikod din siya upang lapitan ang kama at kinuha roon ang dapat na isusuot ko. Nakita ko ang paglukot ng kaniyang mukha. "Ang pangit nito. Hindi bagay sa natural make up look mo." Deretso siyang nagtungo sa walk in closet ko, sinusundan ko lang siya ng tingin mula sa reflection niya sa salamin. Ilang sandali nang lumabas siya, may dala na itong damit na ura-urada niyang pinasuot sa akin. Sumunod na lang din ako dahil napansin kong nauubos na ang oras ko ngayon. Alas nuebe na pala. Inaayos ko pa ang longsleeve ng mini dress na iyon nang lumabas ako sa walk in closet. Kulay puti iyon na umabot lang din hanggang sa gitna ng hita ko. Parang kapag tutuwad ako ay makikita ang kuyukot ko. Kumportable naman ako dahil mahilig naman ako sa mga short shorts or pvssy shorts. Medyo liberated nga ako pagdating sa mga damit. May cycling naman din akong suot ngayon kaya okay na ito. "Ang ganda mo!" matinis na sigaw ni Krisha at mabilis akong nilapitan. Inayos-ayos niya ang ilang nagulo sa buhok ko habang ang parehong mata ay nagniningning sa sobrang pagkamangha. "Matagal na," bulong ko. Sabay kaming nagtawanan. Nangingisi pa siya nang titigan niya ako, para namang may iniisip siyang hindi maganda sa akin, o sadyang nagagandahan lang talaga ito sa akin— well, alam ko naman. Ako lang 'to. Ang napiling sandals ni Krisha para sa akin ay ang gladiator na kulay puti rin. Tamang-tama para sa suot ko na nagmukha akong anghel na ibinaba sa lupa, kulang na lang ay pakpak sa likod at halo sa ulunan ko. Animo'y hindi makabasag pinggan ang datingan. Sobrang naninibago ako dahil alam ko naman sa sarili ko na galawgaw ako, medyo clumsy din. Wala sa dictionary ko ang maging mahinhin. Bumaba na kami ni Krisha. Hawak ko ang isang clutch bag at pinilit ang sarili na maging prim and proper para iayon sa itsura ko ngayon. And I just can't wait na tumulo ang laway ni Xian kapag nakita niya ako. What would be his comment? Siguro lalo siyang mahuhulog sa akin. Like, this is the other version of myself. Parang modernong Maria Clara. At siya naman ang ginoo ng aking buhay, ang aking irog. Fvck. Hindi yata bagay? But nevermind. Sabay na rin kaming lumabas ni Krisha ng bahay. Nakapagpaalam na ako kagabi kaya alam na rin ito ni Mama. Meanwhile, sa sobrang kalasingan ni Papa, hanggang ngayon ay hindi pa yata nagigising. Salungat kasi ni Mama si Papa pagdating sa pagbo-boyfriend ko. Aniya, ang dapat na unang magiging boyfriend ko ay siya na dapat ang magiging asawa ko. Katulad ng nangyari sa kanila ni Mama. Hindi ko rin naman masabi kung ako nga ba ang gustong pakasalan ni Xian once na naging kami. Pero huwag silang mag-alala, sa ganda kong ito, imposible na hindi pa niya ako itali sa buhay niya. Nangingiti ako nang sakto sa paglabas namin ay dumating ang kotse ni Xian. Kaagad na bumukas ang bintana sa driver's seat, nakita ko roon si Xian na mabilis rumehistro ang ngiti sa kaniyang labi. Narinig ko ang mununting pagtawa ni Krisha sa tabi ko. Bahagya pa niya akong siniko. "Mauna na ako, ah! May shoot pa ako, e." Dinig kong paalam niya ngunit hindi ko na siya nagawang lingunin pa, pero nakita ko naman sa peripheral vision ko na sumakay na ito ng kaniyang kotse. Bumaba na si Xian ng sasakyan, akmang lalapit na rin ako nang biglang may tumalsik na tubig sa gitna namin. Nanlaki ang mga mata ko, kamuntikan pa akong mabasa! Marahas na nilingon ko ang salarin. At hindi na ako nagulat nang makita ang pagmumukha ni Leon! May hawak siyang hose, pero nakakalito lang dahil nagdidilig siya ng halaman na alam kong hindi naman niya ginagawa. "Ay, sorry. Nandiyan pala kayo." Hilaw ang naging ngiti niya, dagli pa niyang nilingon si Xian at napansin ko ang pag-ismid niya. Sa kadahilanang pinangangatawanan ko ang pagiging mahinhin ay hindi ko siya binugahan ng apoy. Itinago ko na lang din sa likuran ko ang nakakuyom kong mga kamao. Mamaya siya sa akin, humanda siya. "Ang ganda mo, Leigh," ani Xian nang siya na mismo ang lumapit sa akin. Nilingon ko siya. Namula naman ang pisngi ko dahil sa paninitig niya sa mukha ko. "Hindi naman masyado," mahinang sabi ko at tipid na ngumiti. "Ang arte." Dinig kong bulong-bulong ni Leon, pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin. "Shall we go?" Si Xian na mukhang hindi naman narinig si Leon. Marahan ang naging pagtango ko. Inilahad naman niya ang palad sa harapan ko kung saan ay madali kong inilapat ang palad sa kaniya. Napangiti si Xian, kapagkuwan ay inalalayan ako sa paglalakad. Pinagbuksan din niya ako ng pinto sa passenger's seat. Pagkatapos isarado ay umikot siya sa kabila. Pumasok din siya at mabilis na binuksan ang engine ng kotse. Aalis na rin sana kami kung wala lang kumatok sa bintana na nasa gilid ko. Nakita ko ang pagmumukha ni Leon, ayaw ko man ding buksan ay ginawa ko na. Mas tumalikod nga lang ako sa gawi ni Xian para hindi niya makita ang nagpipilantikan kong mga kilay habang pinanlalakihan ng mata si Leon. "Agahan mong umuwi. Mayroong dinner sa bahay mamaya kung hindi mo pa alam. Kasama na ang mga matatanda," pahayag niya, nananatiling mayabang ang tono. "All right," sabi ko na lang para matapos na ang usaping iyon. Dinner ulit? Tapos na kagabi, ah? Ano bang pinagkaiba no'n kung kasama nga ang mga matatanda? Umikot ang eyeball ko. "Ang bait, ah? Ganap na ganap?" panunuya niya nang mapansin marahil ang kaartehan ko sa buhay. "Sige na, aalis na kami," nangingiti ko pa ring banggit kahit pa ano mang segundo ay tutusukin ko na ang mata niya. Magsasalita pa sana siya nang mabilis ko ring isinarado ang bintana. Naging malaki ang ngiti ko nang lingunin ko si Xian na matamang naghihintay para sa akin. "Let's go?" saad ko, ngumiti siya at kaagad nang pinausad ang sasakyan. Lulan ng kotse ay tahimik lang ako buong biyahe. Iniisip ko pa kung ano ang magiging kahinatnan ng date namin ni Xian. At kung paanong matatapos ang araw na iyon para sa aming dalawa. Dinala ako ni Xian sa isang sikat na Hotel na may fine dining restaurant. Sa sobrang gara ay pilit kong ibinabagay ang sariling galaw sa paligid. Mabuti pala at ganito ang suot ko, tama lang para sa ambiance ng restaurant. "Palagi ka ba rito?" tanong ko nang igiya kami ng waiter sa bakanteng lamesa. Hindi pa muna ako sinagot ni Xian, bagkus ay ipinaghila niya ako ng upuan. Nakangiti siya nang sundan ko siya ng tingin. Kulang na lang din ay itulak ko ang sarili upang maupo roon dahil naestatwa ako sa pagiging gentleman niya ngayon. Sumunod naman siya sa katapat kong upuan. Ang waiter ay hindi kami inalisan hangga't hindi nakukuha ang order namin. Si Xian na rin ang nagsabi ng order ko dahil wala akong maintindihan sa menu, hindi na umabot pa sa dictionary ko ang mga putahe rito. Nakakaloka. Mabuti na lang at maganda ako. Pasok pa rin ako sa Hotel na ito kahit parang pang alien na ang mga tawag sa mga pagkain nila. Sus, pinaarte lang naman. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng restaurant. May iilang tao na kumakain, ang mga nakikita ko pa ay mga naka-business suit. Mukhang dito rin ang meet up ng mga businessminded people. "Honestly, dito kami madalas kumakain ng family ko sa tuwing may gathering," pahayag ni Xian na sa sobrang tagal niyang sumagot ay hindi ko na maalala kung ano ba iyong naitanong ko kanina. "Mabuti..." Huh? Parehong nangunot ang noo namin ni Xian, idinaan ko na lang sa mahinhing tawa upang pagtakpan ang kahihiyan. "So, ahm, matagal mo na pala akong gusto?" Great! Mas lalong nakakahiya, pero sheshhh— isang malaking karangalan kasi na magustuhan ng isang lalaki, lalo pa at si Christian Melendrez na ito. Aarte pa ba ako? Natawa si Xian. "Yup. Dati pa sana ako nagtapat sa 'yo, kaya lang ay alam ko naman na NBSB ka. Nakakahiya naman kung ako ang magiging una mo." Anong nakakahiya? Karangalan 'yun, hoy! Kumibot ang labi ko para sa isang ngiti. "Pero masaya ako kung ako nga ang magiging first boyfriend mo. After all, matagal na nating kilala ang isa't-isa. Kumportable na tayo at wala na dapat itago pa. Right?" Lumabas ang mapuputing ngipin ni Xian nang ngumiti siya. Nakakasilaw iyon at nakakahawa dahilan para tuluyang kumawala ang ngiti sa labi ko. "Right," pagsang-ayon ko. Sakto naman nang dumating na ang order. Marami iyon, iba't-ibang putahe na nagmukhang may last supper sa lamesa namin ni Xian. Sa tagal naming magkakilala, alam niyang patay gutom din ako. But of course, pinangangatawanan ko ang pagiging mahinhin kung kaya ay paunti-unti lang ang subo ko ng pagkain. Ayokong lumubo ang tiyan ko ngayon dahil sobrang fit na fit sa akin ang dress ko. Kitang-kita ang hubog ng katawan ko at nakakahiya naman na sa ilang minuto ay buntis na kaagad ako. Ganoon pa man, lahat ng pagkain sa lamesa ay nilasahan ko. As expected, sa sobrang gara at sikat ng restaurant ay masasarap nga ang mga pagkain dito. Mahal din. Kaya noong matapos kami, pinilit kong hatian si Xian sa bill ngunit mas mapilit siyang huwag akong pagbayarin. In the end, card niya ang ginamit niya at wala na akong nagawa. Babawi na lang ako mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD