Chapter 3

2635 Words
Pagkatapos namin sa restaurant ay dinala naman ako ni Xian sa Estancia Mall, sa Pasig City. Ang pagkakaalam kong isa sa high end malls dito sa Metro Manila. Halos malula ako dahil puro luxury brands ang mga nakikita ng dalawang mata ko. Including Sinequanone, Eden Park, Isaac Mizrahi, Cortefiel, and Vince Camuto for fashion, and West End and PB Teen, the adolescent-inclined version of Pottery Barn for home furnishing. Sayang at dito sana kami kumain, since nandito iyong mga kilalang restaurants like The Wholesome Table, Highlands Prime Steakhouse and Florabel. Wala sa sarili nang matutop ko ang bibig sa kadahilanang hindi ko na maramdaman ang panga ko. Nalaglag na yata iyon sa makinang na sahig ng Estancia. Hindi ko na magawang hanapin dahil patuloy akong namamangha habang panay din ang linga sa paligid. Hindi ko na magawang itago pa kay Xian ang pagiging social climber ko. Well, may kaya naman kami. Pinagsamang Ortiz at Villareal ang ninuno ko, pero tingin ko talaga ay hindi kakayanin ng budget ko kung bibili ako rito ng mga gamit ko. Nakakaloka, nakakalula rin. "I'll buy you clothes if you want some, Leigh," ani Xian na hawak-hawak ang siko ko para alalayan ako sa paglalakad. Mahina akong natawa. Gusto ko, pero ayokong maging gold digger sa paningin niya. Hindi rin naman ako iyong tipo ng babae na materialistic at nagpapabili ng kung anu-ano, lalo at hindi galing sa pera ko. "Marami pa akong damit. Hindi pa naman outdated ang mga sinusuot ko," sabi ko na lang at ipinilig ang ulo upang ituon ang atensyon sa nilalakaran, iniiwas din ang sarili na maglaway pa sa mga nakikita. Natawa rin si Xian. "Gusto lang kitang bilhan... but if you say so, hmm." "Saan na tayo nito?" "Ayaw mong mamili?" tanong niya at dinungaw pa ako, nag-alangan ang mukha niya nang makita ang pagtanggi sa reaksyon ko. "Gamit... ang pera mo?" Kung hindi mo ako rito dinala ay talagang mamimili ako, 'no! Gusto ko sanang sabihin iyon, pero huwag na lang dahil ayokong sirain ang date namin. Ngumiti na lamang ako at marahang umiling-iling bilang sagot. May dala naman akong pera, nga lang ay mauubos ang pinaghirapang ipon ko. Hindi kasi ako humihingi kina Mama at Papa. May sarili akong allowance na kusa nilang ibinibigay. Sumasahod din naman ako bilang isang ganap na journalist ng isang sikat na newspaper at magazine sa Pilipinas, pero ayoko pa ring gumastos kung ganito lang kamamahal ang bibilhin. "Ikaw na lang kaya? Samahan kita mamili ng mga damit mo," anunsyo ko habang nginingitian siya. Sa laki rin yata ng pagkagusto niya sa akin ay nadala ko siya sa ngiti ko. Maagap siyang tumango. Sa galak pa niya ay dumulas ang kamay niya, mula sa siko ko ay dumausdos iyon sa kamay ko at saka niya pinagsalikop ang mga daliri namin. Kaagad akong nagbaba ng tingin doon. Medyo nauuna siyang maglakad, kaya may pagkakataon ako na tanawin ang magkahawak naming kamay. And all I can say is; ang swerte niya sa akin. Ako na 'to, e. Wala sa sarili nang makagat ko ang pang-ibabang labi sa sobrang kabaliwan ko. Mahangin ba ako? Hindi naman siguro. Napailing-iling ako sa kawalan habang hindi maalis sa labi ko ang isang ngiti. Nilingon ako ni Xian, naabutan niya ako sa ganoong ayos dahilan para mas lalong mamula ang magkabilaang pisngi ko. Saglit siyang natawa, siguro ay iniisip niyang tunay na nababaliw na ako. Oo... sa kaniya. Baliw na baliw. Pero hindi ko iyon pwedeng sabihin sa kaniya. Act normal, Brayleigh. Hindi ka marupok, okay? Humugot ako nang malalim na buntong hininga bago nagpatuloy sa paglalakad. Sinusundan ko lang ang bawat yapak ni Xian, kung saan-saan niya ako dinadala. Sa ilang boutique na napapasukan namin ay nagtatagal kami roon. Panay kasi ang sukat niya sa mga suit and ties, partikular sa mga tuxedo. Hindi na lingid sa kaalaman ko kung gaano kayaman si Xian, bukod sa marami silang company dito sa Pinas ay isa siyang ganap na CEO. Minsan ko na ring natalakay ang patungkol sa kaniya sa isang magazine. Sa sobrang yaman ay hindi ko rin aakalain kung bakit sa akin pa siya nagkagusto. Kasi totoo naman na maraming babae riyan na nakapila para sa kaniya, para mapansin niya. Alam ko 'yun. Syempre, matagal na kaming magkaibigan at matagal ko na rin siyang kilala. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses siyang may napaiyak na babae, mostly iyong mga umaasa sa kaniya. Sa ngayon ay alam kong wala siyang girlfriend. Matagal na iyong huli niya, noong college pa kami no'n. Pero simula nang magseryoso ito sa company nila at naging CEO ay hindi na siya nagka-girlfriend pa ulit. Mabait si Xian, sobrang bait to the point na hindi siya marunong magalit. Hindi siya nagtatanim ng sama ng loob, kaya nga sobrang hanga ko rin sa kaniya. Wala siyang kapintasan. Gwapo na, mabait pa. At sa totoo lang, isa iyon sa katangian na gusto ko sa isang lalaki. Ideal boyfriend. Iyong kahit anong kamaliang gawin ko ay hindi siya magagalit, na kung madismaya man siya ay itatama pa rin niya ako. Ang laking puntos no'n para sa akin. Kaya nga siguro hindi pa ako nagkaka-boyfriend, kasi hinihintay ko lang siya. Lowkey waiting sa tamang tao gano'n. Para sa akin, siya na rin iyong gusto kong makasama, nang mas matagal pa sana. "What about this?" Natinag ako sa pagkakatulala ko nang marinig ang boses ni Xian. Labas-masok siya sa fitting room. Samantalang nakaupo naman ako sa malaking couch at tamang naghihintay lang sa kaniya para punahin ang mga naisusuot niya. "Hmm, okay din," nakangiti kong sagot at saka pa itinagilid ang ulo. "Pogi ko ba?" Umakto ito ng pogi sign dahilan para matawa ako. "Sobra." Pareho kaming natawa. "Lahat naman sa 'yo ay bagay. Bilhin mo na kaya lahat 'yan," pagbibiro ko. "Sige, kunin ko na rin 'to." Nilingon niya ang attendant na siyang uma-assist sa kaniya. "Kunin ko na rin lahat nang naisukat ko." "Huh?" Nagulantang ang mundo ko. Joke lang 'yun! Napipilan na napatigalgal ako sa harapan ni Xian. Nanlalaki ang mga mata ko. Gusto kong umapila, pero para saan pa gayong pera naman niya ang gagastusin niya. Pero nagbibiro lang kasi ako! Wala bang sense of humor 'tong si Xian? Ah, oo nga! Kilala ko na si Xian, matagal ko na ring napatunayang hindi siya marunong magbiro. Kaya nga dalang-dala rin ako noong sabihin niyang gusto niya ako. Kasi it means, totoong gusto niya ako! Pero fvck, alam kong mayaman siya na kaya niyang bilhin ang boutique na 'to, pero nagbibiro lang talaga ako. Wala sa huwisyo nang mapakamot ako sa ulo ko. Napatayo na rin ako nang makitang lumapit siya sa counter para bayaran na ang mga sinukat. Sa dami no'n ay nagtagal kami roon. Pagkatapos ay ilang paper bag ang dala niya nang makalabas kami roon. Nagulat pa ako nang may dalawang lalaki ang nakaabang doon. Dali-dali nilang kinuha ang mga paper bag kay Xian. Kumurap-kurap ako. Hindi na ako nagtanong dahil alam kong mga tauhan sila ni Xian. Pinakawalan ko ang mabigat kong hininga. "Dati pa man ay gastador ka na." Natawa si Xian, kapagkuwan ay hinuli ang kamay ko para mahawakan ulit. "Basta kapag sinabi mong bagay sa akin ay bibilhin ko," pahayag niya. "Ang hirap mong biruin." "Kaya huwag mo na akong biruin. That's why I want a serious relationship with you." Dagli akong napatigil sa paglalakad. Ganoon din si Xian at mabilis akong binalingan. Umamo ang mukha niya nang makita marahil ang itsura ko. Kalaunan ay tipid siyang napangiti. "And that's why I am courting you. You can take your time, makapaghihintay naman ako." Mahina siyang tumawa at naglalambing na kinurot ang pisngi ko. "Saan mo pa gustong magpunta? We still have time." Tumango ako at nagpatianod na lang kay Xian nang muli niya akong hilain sa marahang paraan. Magkahawak-kamay pa rin. Ilang sandali nang pumasok kami sa isang jewelry store. Saglit kaming umikot sa kabuuan ng store. Honestly, ang jewelry ang isa sa kahinaan ko. I have lots of collections na naroon sa kwarto, iba-iba, pero karamihan doon ay Tifanny & Co. Bigay pa iyon sa akin ni Lola Shanen. At isa rin iyon sa pagkakakilanlan sa akin ni Xian. Kaya laking gulat ko nang bigla siyang umikot sa likod ko, may hawak siya ngayong gold necklace na gusto niyang isuot sa leeg ko. Hindi ko namalayang nakapili kaagad siya sa sobrang pagmumuni-muni ko. "Xian!" pukaw ko rito ngunit tumawa lang siya, mayamaya nang tuluyan niya iyong maisuot sa akin. Gumilid siya, saka naman nito ipinaharap sa akin ang isang pabilog na salamin. Nakita kong kuminang ang Daniel Wellington Unity necklace sa leeg ko. Dahan-dahan kong hinawakan ang pendant nito. "Bagay sa 'yo," ani Xian habang nakatitig din sa sarili kong reflection. "Pero hindi ko ito kukunin—" "Bawal na daw ibalik kapag nasukat na, sabi ni Ate," sabat niya dahilan nang mahinang paghagikhik ng babaeng attendant sa gilid namin. "Bibilhin ko 'yan. Here's my card." Ibinigay nito ang card sa attendant kung kaya ay saglit niya kaming iniwan. Hindi pa rin ako makapaniwala, labag ito sa kalooban ko dahil sinabi ko ngang hindi naman ako iyong tipo ng babaeng materialistic. "Iyan na ang pinakamura rito dahil alam kong hindi ka tatangap ng mahal, huwag mo nang tanggihan. Isa pa, regalo ko na rin iyan sa 'yo para sa first date natin," malamyos na pahayag ni Xian sa tabi ko. Napanguso ako. "Hindi naman na rin kailangan. May regalo ka man o wala, sasagutin pa rin naman kita." Sa sinabi ko ay nanlaki ang mga mata ko. Mabilis ko ring tinakpan ang bibig ko gamit ang palad ko. Nagulat din si Xian, pero unti-unting pumorma ang masayang ngiti sa kaniyang labi. Fvck! Hindi ko dapat iyon sinabi! Wala ng thrill! Gusto ko na lang yata na magpakain sa lupa sa kahihiyan. Nagmukha tuloy akong easy to get, pero hindi! Sa isip ko lang naman dapat iyon. Ewan ba at nasabi ko pa. Naging hilaw tuloy ang ngiti ko sa kaniya. "Ehe... pero... hindi pa ngayon, ah?" nahihiyang palatak ko. Tumawa si Xian at tumango-tango. "I know. At least ay nalaman kong may pag-asa nga ako sa 'yo." Kinindatan niya ako na kamuntikan nang magpalagas ng buhok ko. Mabilis ang pagkurap ko at kulang na lang din ay tuluyan akong mawalan ng malay sa sobrang kakapusan ko ng hangin. Hindi ko napansing hindi na pala ako humihinga. Kaya nang dumating ang attendant para ibigay ang card at isang paper bag ay dagli akong lumayo upang punuin ng hangin ang baga ko. Pinaypayan ko rin ang sarili dahil ramdam ko ang pawis na namumuo sa noo ko. Sa labas ay hinintay ko si Xian, nahihiya na talaga ako at hindi ko inakalang ganito ang kalalabasan ng date namin. Akala ko kasi ay mamamasyal lang. Ganito pala kapag mayaman ang ka-date mo, shocks. "Pagod ka na?" puna niya nang mapansin ang balisang pagkatao ko. "Hindi pa naman." "So, gusto mo pang mag-ikot?" "Okay din siguro kung sa sunod na lang. May next time pa naman," sabi ko dahil naalala kong may dinner pa pala mamaya sa bahay nina Leon. Alas kwatro na rin kasi ng hapon. Sakto kung uuwi kami ay alas singko na. May oras pa ako para makapagpahinga bago ang dinner, since alam kong babardagulin lang ako ng mga pinsan at kaibigan ko roon. "All right. Hatid kita," anang Xian at muli na namang hinawakan ang kamay ko. Hindi na ako umangal pa. Sa totoo lang ay masaya ako para sa first date namin ni Xian. Mas naging kumportable ako sa kaniya. Well, matagal na naman na siyang ganito, kaya tinanggap ko na rin. Lulan ng kotse niya ay naging tahimik na ako. Panay naman ang linga niya sa gawi ko, tipong tinitimbang ang emosyon ko kung kaya ay paminsan-minsan ko siyang nginingitian. Hindi nagtagal nang mag-slow down ang kotse nang makapasok kami sa Villa El Amor. Sa gilid pa ng kalsada, mula sa natatanaw naming bahay nina Leon ay naroon siya. Nakatayo at nakapamaywang, animo'y may hinihintay at natanto ko kung sino ang hinihintay nito nang bumaba kaming pareho ni Xian ng sasakyan. "Talagang sinulit mo iyong oras, ano?" asik niya sa akin habang pinandidilatan ako ng mata, inirapan ko lang siya. Hindi ako sumagot, kaya si Xian naman ang binalingan niya. "Mabuti at inuwi mo pa itong pinsan ko?" Mas humalukipkip siya. Sa tangkad ni Leon ay pareho kaming nakatingala sa kaniya. Well, matangkad din naman si Xian, pero kumpara sa kanilang dalawa ay mas lamang si Leon. Nagmukha tuloy siyang tatay ko na pinagagalitan ang ka-date ko. Umasim ang mukha ko. Napipilan pang tinitigan ko si Leon. Ano bang problema nito? Para naman siyang walang trabaho at kung makabantay siya ngayon. Sabagay, linggo nga pala. Pero ba't ba siya nangbabakod? Iritable ko itong inirapan. Nakita niya iyon ngunit sinegundahan lang din niya ng panibagong irap. Mas lalo akong nainis. Kalaunan nang bumuntong hininga ako at saka pa nilingon si Xian. "Salamat sa paghatid. See you tomorrow," malamyos kong sinabi. "You're always welcome." Dinig ko ang palatak ni Leon. Hindi naman siya nagsasalita, pero panay ang maanghang niyang panggagaya sa amin ni Xian, harap-harapan! Kung wala lang si Xian dito ay kanina ko pa siya nabigwasan. "Ingat sa pag-uwi," pinal kong wika dahil gusto ko nang sapakin si Leon. Ngumiti si Xian. Kumaway naman ako nang muli siyang pumasok sa kaniyang kotse. Gusto ko sana siyang imbitahan sa dinner na sinasabi ni Leon, kaya lang ay alam kong mahihiya siya sa dami malamang ng tao. Isa pa, ayokong i-expose siya sa mga pang-aalaska ni Leon, kasama nina Pietro at ilan sa kaibigan. Mabait si Xian, alam ko na hindi siya pumapatol sa mga ito at alam din niyang ako ang gaganti para sa kaniya. Nang makaalis si Xian ay siya namang baling ko kay Leon ngunit wala na ito sa kaninang pwesto niya. Naabutan ko na lang ang pagkaripas ng takbo niya papasok ng kanilang bahay, rason para takbuhin ko rin ang agwat naming dalawa. "Leon!" malakas kong sigaw at padabog na binuksan ang pintuan nila. Sa sala ay naroon na ang mga pinsan at kaibigan ko. Nagulat pa sila sa biglaang presensya ko, pero mas minabuti kong hanapin si Leon dahil lintik lang talaga ang walang ganti. Bwisit siya! Nagtitimpi lang ako kanina dahil pinangangatawanan kong mahinhin ako, pero ngayon? Huh! Dali-dali akong kumuha ng throw pillow nang makita ko siya sa likod ng quadruplets at doon nagtatago. Nang mapansin niyang palapit ako sa kaniya ay mabilis siyang tumakbo. Nag-iikutan na kami ngayon sa kabuuan ng sala. Ayaw niyang magpahuli, siya ring panonood sa amin ng mga pinsan naming naroon at mga kaibigan. Pinagtatawanan kami dahil para kaming aso at pusa. Hindi ko siya mahabol-habol kung kaya ay mas nanggagalaiti ako. Sakto namang lumabas sa kusina ang mga matatanda, naabutan kami sa ganoong ayos dahilan para matigilan kaming dalawa. "Anong nangyayari?" Baritono ang boses na iyon ni Papa at pinanlalakihan pa ako ng mata nang mapanood niya ang paghagis ko ng throw pillow sa banda ni Leon. "Nakakainis kasi siya, Pa! Palagi siyang epal sa buhay ko!" urat kong pahayag. Natawa si Tito Leo. "Ganiyan din kami ng Mama Shantal mo dati, Leigh. Naiinis din siya sa pagiging over protective ko." "Oo, ako rin ay naiinis," dugtong ni Papa. Nagkatinginan silang dalawa. Nagulat pa kami dahil sila naman ang naghabulan sa sala, nakisali pa sina Tito Paul Shin, Tito Melvin, Tito Gabriel at Tito Kris na may kaniya-kaniya ng hawak na throw pillow. Nandoon din sina Tito Trevor at Tito Travis, pati si Tito Marvin at Tito Mirko. Pati ang kani-kanilang anak ay nakitakbo na rin at nakisalo sa harutan. Para naman akong nakakita ng multo habang maang na pinapanood sila. Wala naman sa sarili nang tumabingi ang ulo ko nang may humampas din sa akin mula sa gilid. "Aray!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD