Chapter 4

2504 Words
Nakigulo na rin ako, pero mas pinagdiskitahan ko si Leon na siyang nahuli ko. Siya rin ang walang hiyang humampas sa akin kanina. Hawak ko ngayon ang likod ng kaniyang kwelyo dahilan para hindi siya makawala sa akin, saka ko naman paulit-ulit na pinaghahampas sa kaniya ang hawak kong throw pillow. Ano mang piglas niya ay ayaw ko siyang bitawan, desido na mas saktan siya bilang pambawi sa lahat ng pang-aasar niya, hindi lang sa akin kung 'di pati kay Xian. Lahat din yata ng inis ko sa ibang bagay ay sa kaniya ko na ibinaling. "Tama na, Leigh!" awat niya, kasabay din nang paghampas niya sa akin sa sarili niyang throw pillow ngunit hindi ako nagpatinag. Sa pagkakatalikod niya sa akin ay medyo hirap siya sa ginagawa, samantalang patuloy ko lang itong hinahampas. Panay din ang halakhak ko, na kahit iritang-irita sa pagkatao ni Leon ay kumakawala ang malademonyo kong tawa. Hindi lang naman ako, kaming lahat na naroon ay malakas na tumatawa. Partida, sa pangunguna pa 'yan ng mga gurang na kaniya-kaniya ring hagis ng throw pillow sa kapwa nila Bachelor Squad. Napapaisip nga ako kung sino ba rito sa amin ang matanda? Para kasi silang nakawala sa kuran. Pero kung sabagay, sa edad nilang iyan ay minsan na lang ulit nila maranasan ang ganitong bonding. Puro na kasi sila inuman, kung 'di rin trabaho ang ginagawa ay nag-aasikaso naman sa bahay kasama ang mga anak at asawa. Kapipiranggot na lang iyong oras na nailalaan nila kapag may salu-salo na kasama ang mga kaibigan. Kaya sa tuwing nangyayari iyon ay hindi hamak na sinusulit nila. Dinig ko ang malalakas nilang hiyawan at tawanan. Kitang-kita ko pang nagliliparan na ang mga feather sa ere na siyang laman ng mga unan. Mayroon na rin sa sahig, nagkalat iyon na nagmukha ng kulungan ng manok ang kabuuan ng sala. Well, minsan lang mangyari 'to. Kaya imbes na matakot sa banta ng buhay ay mas lalo akong ginanahan hanggang sa mabutas na rin ang throw pillow na hawak-hawak ko. "What the fvck is happening here?!" Kung anong lakas ng tawanan at sigawan namin ay siya ring lakas ng boses na iyon. Hindi pa sana kami titigil kung hindi lang namin nakita ang seryosong mukha ni Tita Venice. Naroon siya sa hamba ng pintuan mula sa kanilang backyard. Kasama nito ang mga nanay naming may hawak-hawak na tupperware o kaldero. Nakita ko pa si Mama na nakanganga habang napapantiskuhang nakatitig sa amin. Una niya akong nilingon, kasunod nang paghahanap niya kay Papa na ngayon ay nakasalampak na sa sahig habang nakaupo sa likod niya si Tito Leo. "What the hell?" utas niya at para naman siyang mahihimatay sa nasaksihan, mabuti at naroon sa likod niya si Tita Jacky na mabilis umalalay sa balikat niya. Tumigil na ako. Unti-unti ko na ring binitawan si Leon, pero isang hampas pa sa ulo ko ang ginawa niya bilang ganti sa akin dahilan nang pagkawarak din ng throw pillow niya. Bumulwak ang laman nitong feather at nagkalat sa hangin. Iyon ang huling ganap na naalala ko bago ko namalayang nakaluhod na kami sa nagkalat din na bigas sa sahig. Pare-pareho pang nakataas ang dalawang kamay namin sa ere; iyon ang parusa sa amin. Tahimik ako ngayon na nakatulala sa harapan. For Christ's sake, hindi pa ako nakakapagbihis. Suot ko pa rin iyong dress at gladiator sandals ko, ni hindi na ako nakapagpahinga at heto pinahirapan pa ako. Bumuntong hininga ako bago kinagat ang pang-ibabang labi. Nasilayan ko pa si Leon na paminsan-minsang sumusulyap sa pwesto ko. Panay lang ang irap ko sa kaniya. Kung hindi lang naman dahil sa pang-aasar niya ay hindi kami hahantong sa ganito. "Ilang minuto pa raw ba?" Boses ni Tito Paul Shin na ilang beses nang umaaray dahil sa sakit. "Anong minuto? Wala pa nga kayong isang oras diyan!" sigaw ni Tita Vanessa. Kaming mga anak ay nasa unahang bahagi, si Papa naman at ang mga Tito ko ay naroon sa likuran namin. Meanwhile, ang mga nanay ay nasa harapan namin. Nakakrus ang mga kamay sa itaas ng dibdib at binabantayan kami. "Kakain na sana tayo, pero ano itong ginawa ninyo?" sunod na palatak ni Tita Venice. Siya ang mas nagagalit dahil bahay niya 'to, natural na siya rin ang maglilinis. "Pagkatapos ninyo riyan ay linisin ninyo ang kalat niyo, ah!" bulyaw niya ulit. "Hay naku! Hina-highblood ako!" Mali, kami pala ang maglilinis. Umawang ang labi ko. Nag-walk out na si Tita Venice at pumasok na ng kusina. Sumunod din naman ang mga kumare niya na malamang na ihahanda na rin ang hapag para sa mamayang dinner. Muli kong nilingon si Mama na ngayon ay umiling-iling na sa kawalan, mukhang dismayado. Inisang linya ko na lamang ang labi ko at yumuko na lang din. Hindi na ako umimik pa, hinintay na lang ang pagdaan ng oras. Hindi rin naman nagtagal nang matapos ang parusa. Abala na kami ngayong nag-aayos at nagwawalis ng mga kalat sa sahig. Habang nagliligpit pa ay nakita ko ang paglapit sa akin ni Leon, seryoso na siya. "Kasalanan mo 'to, e," angil niya na hindi ko malaman kung nang-uurat pa ba siya, o talagang baliw lang siya para isisi sa akin ito. Umayos ako ng tayo, kapagkuwan ay pabagsak na ibinaba ang feather dust na hawak. Buong atensyon ang ibinigay ko sa kaniya at namaywang sa harapan niya. "Kung hindi ka lang din naman paepal sa buhay ko, hindi rin naman 'to mangyayari 'di ba? At pwede ba? Lumayo-layo ka sa akin dahil nagdidilim na paningin ko sa 'yo," matigas kong pahayag na halos umusok na naman ang dalawang butas sa ilong. "Ayan na naman kayo! Hindi ba talaga kayo titigil?!" malakas na sigaw ni Tita Venice na naabutan kami sa ganoong ayos. Isang beses na nilingon ko si Tita, kasunod ng pagbaling ko ulit kay Leon. Maangas ko itong pinagtaasan ng kilay bago siya nilampasan at binunggo sa kaniyang balikat. Nauna na akong pumasok sa kusina. Naroon si Mama na katatapos lang ilapag ang huling nalutong ulam sa lamesa. Nakaayos na rin ang hapag at hinihintay na lang ang iba. Naghila ako ng upuan, umupo at hinawakan ang mga kubyertos. Mayamaya nang mapuno namin ang pahabang lamesa na iyon sa kusina nina Tita Venice at Tito Leo. Punung-puno rin ng ingay, tawanan at kwentuhan. Iba-iba, kaniya-kaniyang topic, hindi ko naman alam kung saan ako makikisali sa usapan. "Pero nasaan na nga kaya si Brayden, ano?" curious na tanong ni Eunice na naroon sa kanang bahagi dahilan para malingunan ko ito, kausap niya sina Penelope, Krisha, Mikaela, Johnsen, Minerva at Vien. Nasa kabilang dulo kaming mga anak, nagsama-sama kung kaya ay malabo ring marinig kami ng matatanda, since mayroon din silang sariling topic. Kung 'di tungkol sa nakaraan ay hahantong naman sa trabaho. Brayden? Saglit akong napaisip. Ah, oo nga pala. Naalala ko iyong first meeting namin ni Brayden Pezullo. That was twenty years ago. Iyon 'yung araw na unang uwi ko rito sa Pilipinas galing Australia. Four years old pa lang ako no'n, while he's ten. Hindi ko maalala iyong eksaktong ganap namin noon, basta ay natatandaan kong hindi kami magkasundo. Masama kasi ugali niya. Tahimik at ilag sa mga tao, palaging galit ang mukha at parang may kaaway. May kuya-kuyahan na rin sana ako, since inampon nga siya ni Papa. Sa pagkakaalam ko naman ay anak siya ng kakilala ni Papa, namatay ang babae kung kaya ay inako na lang ni Papa si Brayden. "Ang tagal na ng panahon, pero wala pa rin siyang paramdam," ani Pietro na nakisalo rin sa kwentuhan ng mga babae. Hindi na rin kasi ma-trace kung nasaan ang kaniyang ama para sana kahit papaano ay ibalik siya sa totoo niyang pamilya. Matagal ding naghanap sina Papa noon hanggang sa mapagod na lamang sila. At sa kadahilanan ding gusto naman siyang kupkupin ni Papa at tanggap naman ni Mama ay pinili nila na huwag nang hanapin pa kung sino man ang pwedeng kamag-anak nito rito sa Pilipinas. Isang linggo lang yata ang itinagal niyang pagtira sa bahay, nabalitaan na lang namin na naglayas siya at kung saan siya nagpunta ay hindi namin alam. Kung nasaan man din siya ngayon ay wala ring nakakaalam. Matagal na siyang hinahanap ni Papa, sa maikling panahon kasi na nagkasama sila ay napamahal na rin siya rito at itinuring na ring parang anak. Kaya sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Brayden ay hindi niya maiwasang magdamdam. Nalulungkot din naman kami ni Mama. Gusto ko nga rin sana siyang hanapin sa paraang alam ko, pero sa tagal na ng panahon ay hindi ko alam kung paano. Like, kung ano na ba ang itsura niya ngayon? Kung lumaki ba siya nang maayos, o kung may kumupkop ba sa kaniya? May tinuluyan kaya siya after niyang maglayas? What if napunta siya sa masamang pamilya? And worst, baka nga ay patay na siya. Honestly, iyon na talaga ang iniisip ko ngayon. Kaya nga parang tinanggap ko na lang ang pagkawala niya. Isa pa, hindi rin naman siya big deal sa buhay ko dahil saglit lang naman kaming nagkasama. Si Papa lang talaga ang inaalala ko, si Mama rin na gustong malaman ang totoong kalagayan niya kung kaya ay umaakto akong parang importante rin siya sa akin ngunit ang totoo ay hindi. "Buhay pa kaya 'yon?" Si Eunice na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kaniya ang pagkawala ni Brayden. "Hindi natin alam. Hindi kaya ay nasa ibang bansa siya?" tanong naman ni Mikaela. "Paano naman siya makakapunta ng ibang bansa? Ten years old siya noong naglayas siya 'di ba? Wala pa siyang mga requirements," pahayag ni Penelope. "Naiwan din dito ang mga tauhan ni Tito Brandon na nagbabantay sa kaniya, kaya wala siyang katuwang." "Unless ay may naglakad na ibang tao sa mga papeles niya para makapunta siya ng ibang bansa," dugtong ni Minerva. "Who would it be kaya?" Si Krisha na saglit pa akong nalingunan, nahuli niya akong tahimik na nakikinig sa usapan nila. "Paano nga kung patay na siya?" pag-uulit ni Eunice. "Eh, 'di condolence," sabat ni Leon na naging mitsa para sabay-sabay nila siyang tinapunan ng masamang tingin. Bored na nilingon ko ito. Kahit kailan talaga ang bunganga niya, halatang may pinagmanahan. Inirapan ko siya nang dumapo ang tingin niya sa banda ko. Inabala ko na lang ulit ang sarili na kumain. Samantalang hindi na yata sila matapos-tapos sa misteryosong pagkawala ni Brayden. "Baka buhay pa naman siya," wika ni Jackson. "Nagtatago lang." "Bakit naman siya magtatago?" ani Johnsen. Nagkibit balikat si Jackson, walang makapang katibayan sa sinabi niya. Natapos na kaming kumain. Ngayon nga ay nasa rooftop kami, nag-iinuman ang mga lalaki at nakisama na lang kaming mga babae. Pasado alas dies na ng gabi, pero iyon at iyon pa rin ang topic nila. "Paano kung isang araw ay magpakita siyang bigla?" si Callum na ang bilis yatang tinamaan ng alak. Kung sabagay ay kanina pa kami rito. Sadyang batak lang talaga ang iba at hindi pa nagmamaoy. "Oo nga, Leigh, paano kung magpakita siya bigla?" saad ni Leon na ako na naman ang pinupuntirya. Nananahimik na nga ako rito, na kahit pagod ako ay pinili ko pa rin silang pakisamahan dito. Ganoon pa man ay saglit akong napatigil sa tanong niyang iyon. Dahan-dahan ay nilingon ko si Leon. Ang sagot ay hindi ko alam. Siguro matutuwa? Oo, sa part nina Mama at Papa ay matutuwa ako. Pero kung ang opinyon ko lang ang pagbabasehan, kahit huwag na siyang magpakita pa. Kahit papaano naman ay nakikita ko nang unti-unti nang nagmu-move on si Mama. Ganoon din si Papa, alam kong balang-araw ay magagawa rin niyang tanggapin sa sarili niyang wala na si Brayden. "Eh, 'di congrats?" Tumagilid ang ulo ko, gustong asarin pabalik si Leon. "Gusto ba niya na magpa-cater pa ako—" "Ang bitter," tumatawang pagpuna ni Carter. Hindi naman. Alam ko kasi ang pinagdaanan nina Mama at Papa sa pagkawala niya. Ilang beses nilang nasisi ang sarili, ilang ulit na sinabing nagpabaya sila. Kung babalik man si Brayden sa amin at may balak na umalis ulit, mas magandang huwag na nga lang siyang magpakita, hindi ba? Bukod sa masasaktan sina Mama at Papa ay mahihirapan din ako para sa kanilang dalawa. Kung kailan ay unti-unti na silang nakakausad na kalimutan siya ay saka naman siya babalik? Very wrong. "He's now thirty years old now. Kung nasaan man siya, siguro ay masaya na siya sa buhay na mayroon siya. Baka nga ay may sarili ng pamilya 'yon," pahayag ko. Tumango-tango sina Clayton at Caiden. Natanto marahil na posible nga ang hinuna ko. Hindi naman kasi malabo iyon, sa tagal ng panahon na nagdaan ay baka nga iyon na ang nangyari. "At saka kalimutan niyo na siya. Ako nga, limot na siya, e." Tumawa ako, kasunod nang paglagok ko sa hawak na canned beer. Matapos tumungga ay nagpang-abot ang mga mata namin ni Leon. Nakita ko ang seryosong paninitig niya sa akin, siguro ay hindi makapaniwala sa sinabi ko gayong ako dapat ang nangungunang mag-alala kay Brayden dahil “kuya-kuyahan” ko nga siya. Kinabukasan, araw na naman ng pasok sa trabaho. Nakauwi na rin ang mga pinsan at kaibigan ko, kaya kahit papaano ay tumahimik na ang paligid ng bahay. Hindi nga lang iyong mismong kapitbahay namin. Sa paglabas ko ay mukha kaagad ni Leon ang nakita ko. Saktong kalalabas lang din niya ng bahay nila, parehas kasi kami ng oras sa trabaho. Office hours, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon. "May sundo ka ba mamaya?" tanong niya sa casual na boses; himala. "Siguro?" Hindi ko pa nakausap si Xian simula kagabi, kahit sa text. Pero alam ko rin naman na susunduin niya ako sa trabaho. Iyon naman palagi ang ginagawa niya kahit noong hindi pa siya nanliligaw. "Sabay ka na sa akin. Madadaanan ko ang trabaho mo ngayon," aniya dahilan para mangunot ang noo ko. "Hindi mo naman siguro ako ipapahamak 'di ba?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Natawa naman ito. "Noon pa sana kung gugustuhin ko." "Gago ka." Inirapan ko siya, pero nauna na ring binuksan ang pinto sa passenger's seat ng kaniyang kotse. Inayos ko ang seatbelt. Sumunod din naman siya sa loob at mabilis na pinausad ang sasakyan. May mga time na sumasabay na rin ako dati kay Leon. Sa totoo lang, sa lahat ng pinsan ko ay masasabi kong si Leon nga ang pinaka-close ko. Na kahit ganito kami magbardagulan, alam ko rin naman na may natitira pang kabutihan sa puso niya. Tahimik lang ako sa biyahe, ayaw bigyan ng pagkakataon si Leon na sirain ang araw ko. Sa oras na iyon ay medyo traffic kung kaya ay na-stack kami sa kalagitnaan ng EDSA. Sa sobrang tahimik pa ay halos mapatalon ako nang biglang mag-ring ang cellphone nito. Nakakonekta iyon sa speaker ng kaniyang sasakyan, rason para umalingawngaw iyon sa loob. Napatingin pa ako sa cellphone nitong naroon nakakabit malapit sa dashboard at nakita ang nakarehistradong pangalan ng caller. "Brayden??" maang na sambit ko, mas nagulat pa ako nang biglang patayin ni Leon ang linya. "Nagkakausap kayo ni Brayden?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD