Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi na halos pumasok sa utak ko ang huling mga sinabi ni Xian. Nakatitig pa rin ako sa kaniya, gustong magmakaawa na ulitin niya iyon sa harapan ko, nang mas malinaw. "He's just after your grandfather. At ginagamit ka lang niya bilang pain, hindi lang sa Lolo mo kung 'di pati na rin sa Papa mo," dugtong ni Xian. Hindi ko na alam kung paano pa ako nakakahinga dahil kanina ko pa pigil-pigil ang paghinga ko. Naramdaman ko ang kirot sa puso ko, para iyong binibiyak sa dalawa at damang-dama ko ang sakit. Wala pa akong sapat na ebidensya para patunayan ang lahat ng sinabi ni Xian, pero grabe na iyong epekto sa pagkatao ko. Tipong ayaw kong maniwala ngunit nauna nang nasaktan ang puso ko. Ginamit? Para mapalapit siya sa akin? Para mapadali ang kung ano mang

