Sa sinabi ngang iyon ni Brayden ay wala rin akong nagawa. Mabuti pala at nauna na akong nakaligo kung kaya ay nagpalit na lamang ako ng damit. Suot ko na ngayon ay isang halter neck backless romper one piece swimsuit sa kulay na itim. Umikot ako sandali sa harapan ng malaking salamin. Kung mayroon lang siguro akong dalang cellphone ay nakailang shots na marahil ako. Sobrang ganda kasi nito, bagay na bagay dahil maputi naman ako. Hanggang ngayon nga ay iniisip ko pa rin kung sino ang mga namili ng mga gamit at damit ko. Partikular ang mga underwear ko na saktong-sakto sa katawan ko. Imposible namang hinulaan lang iyon ni Brayden. Napangiwi ako sa kawalan, lalo nang maalala ang mga paninitig niya kanina sa katawan ko. Para bang ayaw na akong tantanan ng mga mata niya. Masyado ba siyang na

