Chapter 51 - SPG

2030 Words

"My baby is getting hórny, too?" bulalas ni Brayden matapos kong sabihin iyon. Ang kaninang ngisi ko ay biglang nawala, sa isang iglap ay nasa harapan na ako ni Brayden. Medyo lumayo rin kami sa kalan kung saan ay sinadya niya pang patayin iyon para lang mas ituon sa akin ang atensyon. Sa laki ni Brayden ay ramdam ko ang panliliit ko. Tumingala pa ako para pagtagpuin ang mga mata namin. Bahagya naman siyang yumuko upang nakawin ang ilang dangkal na naglalayo sa mukhang naming dalawa. Ang parehong kamay nito ay madali niyang itinukod sa magkabilaan kong gilid, literal na ikinukulong ako sa kaniyang bisig. Halos malagutan pa ako ng hininga, lalo nang makita ang madilim na expression sa mukha ni Brayden. Napanood ko rin ang dahan-dahan at puno ng senswal na pagdila niya sa kaniyang labi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD