Mag-isa akong umakyat sa building na ito. Ang sabi ni Leon ay nasa ikaapat na palapag ang nasabing hideout ni Brayden. At dahil walang kuryente sa kabuuan ng building ay wala rin akong magamit na elevator. Ang ending ay inakyat ko ang ilang hagdan. Wala nang nagawa. Hindi ko naman kayang lumipad. Nakakapagod lalo pa at literal na pagod ako, gusto ko na lamang din ang gumapang. Hindi rin naman nagtagal nang mapadpad ako sa fourth floor. Hinihingal pa ako nang huminto ako roon. Wala sa sarili nang mapahawak ako sa dibdib ko dahil sa paulit-ulit kong pagbuga ng hangin. Isang malawak na espasyo ang bumungad sa akin sa palapag na iyon. Salamin ang nagsisilbing pader sa harapang bahagi ng bawat floor sa building na ito, kaya kahit walang ilaw ay maliwanag pa rin mula rito sa loob. Kita ko pa

