"What else do you need?" "Hmm. Hindi ako hiyang sa serum na nabili mo, kita mo at tinigyawat ako!" sigaw ko habang pinagmamasdan ang sariling reflection sa salaming nasa harap. Naroon kami sa loob ng kwarto ko. Patulog na sana ako at suot ko na lang ay ang silk nightgown na kasama sa mga binili. Kumatok lang siya rito para itanong kung ano pa ang gusto kong ipabili dahil bukas daw ng umaga ay dadaong siya sa port. Marahas na bumuntong hininga si Brayden. "Isulat mo na lang. So, I won't forget." Inilapag niya sa harapan ko ang isang ballpen at pahabang papel na nakuha niya sa kung saan. Kinuha ko naman iyon at isinulat kaagad ang skin care maintenance na ginagamit ko sa Manila. Hindi naman ako maarte pagdating sa katawan. But of course, I have personal hygiene. Hindi naman din pwede na

