Higit tatlong linggo na akong nagsasanay na lumangoy and so far, ngayon ko masasabing kahit papaano ay marunong na ako. Though, hindi ganoon kagaling katulad ni Brayden at tamang may kaalaman lang. Pero proud na ako sa sarili ko ngayon. "Usog ka ro'n! Lalangoy ako papunta riyan!" utos ko kay Brayden, kapagkuwan ay dahan-dahan ding umatras. Nasa bandang mababaw lang kami mula sa dagat. May naapakan pa ang mga paa ko kung kaya ay panatag din ang loob ko. Nangingisi pa ako nang makita ang iritadong mukha ni Brayden. Magkasalubong ang dalawang kilay niya, kunot din ang noo. Kanina pa kami ritong hapon, palubog na ang araw ngunit hindi ko pa magawang umahon. Sobra lang talaga akong natutuwa na may maipagmamayabang na ako pag-uwi ko ng Manila. Honestly, sa ilang araw na nagdaan, medyo nakasa

