Hindi ko kayang magdilat para tingnan ang katawan ni Xian kung kaya ay nananatili akong nakapikit. Kahit nanghihina pa dala nang kaninang pagkakasakal sa akin ay pinilit kong umayos ng upo. Isinandal ko ang likod ko sa malamig na dingding ng elevator, kapagkuwan ay tumingala. Kahit nakapikit ay kumawala pa rin sa mga mata ko ang mga luha kong hindi na nagpaawat. Tears of joy, I guess. Sa ilang taong lumipas ay ngayon ko lang naramdaman iyong kapayapaan sa puso ko. Mas gumaan ang pakiramdam ko, animo'y nabunutan din ng tinik sa lalamunan ko at nakakahinga na ako nang matiwasay. Pakiramdam ko rin ay nabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Brayden. Ilang sandali nang lumakas ang pag-iyak ko. Binitawan ko ang hawak na baril upang takpan ang bibig ko gamit ang braso ko. "I miss you... Br

