Mabigat akong napabuntong hininga bago kinuha ang order kong americano sa counter. Nasa isa akong Coffee Shop at kagustuhan kong libangin ang sarili. Sa mga nakalipas na araw ay para akong namomroblema. Ang dami kong iniisip na hindi naman dapat. Ilang gabi na rin akong puyat at walang maayos na tulog. Feeling ko pa ay mababaliw na ako sa susunod pang mga araw dahil sa pagkakawala ko sa sarili. "Nasa likod mo na siya," sambit ni Leon mula sa isang ear piece device na nasa tainga ko. "Huwag ka munang maingay at nagmo-moment ako rito," mariing suway ko sa mahinang boses Narinig ko ang pagtawa ni Leon sa kabilang linya. Hindi ko ba alam kung papaano nangyari na napapayag niya ako na sumama sa mission niyang ito, kahit hindi ko naman maintindihan kung bakit. Gayong bumalik nga rito si Xia

