Chapter 2

2125 Words
TUMAMBAY si Steve sa employees lodge. Natapos na niya ang trabaho kaya nakatunganga na naman siya. Umupo siya sa sofa saka nilinis ang kanyang kalibreng trenta'y singko. Antik na ang baril na iyon pero asintado. Tamihik ang paligid nang biglang dumating si Danny na hindi pa rin naka-move-on sa ginawa rito ng haponesa. "Lintik talagang babae 'yon. Ang yabang akala mo kung sino. Dayo siya rito kaya ilugar niya ang sarili niya," palatak nito. Umupo ito sa katapat niyang sofa. Hindi niya ito pinapansin. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. "Sandali nga, akala ko ba ayaw mo nang humawak ng baril?" mamaya ay sabi nito sa kanya. "Nililinis ko lang para hindi kalawangin," sagot niya. "Ayos, ah. Nakita mo ba 'yong ginawa sa akin ng haponesa?" pagluwa ay tanong nito. "Oo," tipid biyang sagot. "Pasalamat siya babae siya kung hindi ay hahamunin ko siya ng barilan." "Kahit naman babae siya wala kang laban sa kanya," pang-aalaska niya rito. "Ano? Hoy! Kaya ko siyang patumbahin kung gusto ko!" pagyayabang nito. "Tumigil ka! Baka pitikin ka lang niya na parang langaw." "Huwag mo sabihing humahanga ka sa haponesa na 'yon, Steve." "Hindi ako naa-attract sa mga singkit." Ibinalik na niya sa sisidlan ang kanyang baril saka ibinalik sa kanyang bag na nasa locker. "Hay! Magpalamig kaya tayo, Steve. Kumain tayo ng iced cream," sabi ni Danny. "Ayaw ko," aniya. "Ang kill joy mo talaga. E kung mag-bar tayo. Marming babae do'n." "Ikaw na lang." "Ano ka ba naman? Mag-surfing na lang tayo sa Tagatay." Hinarap niya si Danny. Iyon lang ang nagustuhan niya sa lahat ng sinabi nito. Wala silang trabaho bukas dahil Linggo. Kapag ganoong araw ng Linggo ay nasa resort ni Adam ang karamihan sa mga kasama nila at nagpapalamig. LINGGO ng umaga. Sumama si Ashea kay Albert sa Tagaytay. Sa may Yatch club na pag-ari kuno ng boss nito. Maganda ang lugar. Mayroong area para mag-beach at mag-surfing. Na-miss niya ang ganoong buhay, ang magliwaliw. "Ano kaya kung magpalit ka ng damit, Ashea. Mukha kang gangster sa suot mo, eh," sabi ni Albert habang nasa lobby sila ng resort. Tiningnan niya ang suot niya. Maluwag na pants ang suot niya, itim na T-shirt na medyo maluwag at nagsuot siya ng itim na ball cap. "Mas komportable ako sa ganitong ayos," aniya. "Kaya ka iniiwasan ng lalaki dahil akala nila lesbian ka." "Bahala sila kung 'yon ang iisipin nila." Umupo siya sa sofa. "May pinaparentahang swimsuit dito. Gusto mo ikuha kita?" "Bahala ka." Tumalima naman si Albert. Pagbalik nito ay may dala na itong naka-hanger na itim na swimsuit. Bihira siya nagsusuot ng ganoon pero kaya naman niyang dalhin. Naghanap siya ng palikuran saka nagbihis. Pagbalik niya sa lobby ay tulalang nakatitig sa kanya si Albert. Bahagya pang nakaawang ang bibig nito. Dinutdot niya ng daliri ang noo nito. "Ngayon ka lang ba nakakita ng magandang katawan?" mayabang na sabi niya. Tumayo si Albert. "Ah, kuwan, bagay sa 'yo. Sakto lang pala ang nakuha ko. Labas-pusod pala 'yan at backless?" anito. "Timang. Halika na nga," aniya saka nagpatiunang lumakad. Pagdating sa beach area ay umupo siya sa buhangin sa pampang ng dagat habang pilit inaabot ng alon ang mga paa niya. Si Albert ay nakita niyang may kausap na babae'ng nakabikini. Umiling siya. Bisyo pa rin talaga ng kaibigan niya ang babae. Ibinabaon niya sa buhangin ang mga paa niya nang biglang may dumaang surfer sa harapan niya na tinangay ng malaking alon. Tumalsik sa kanya ang maalat na tubig na may kasamang buhangin. "Kainis!" inis na sabi niya. Sinundan niya ng tingin ang lalaking surfer. Likod lang ang nakita niya. Hindi niya ito inalisan ng tingin hanggang sa muli itong nagpaanod malapit sa kanya. Doon niya nakita ang mukha nito. Mata pa lang kilala na niya. Ang tisoy na suplado. Si Steve. Inaanod ito ng alon sakay ng surf board. Itim na boxer lang ang suot nito. Kumikintab ang maskulado nitong katawan dahil sa tubig. Nabasa na siya kaya lumusong na siya sa tubig. Malalaki ang alon pero hindi ganoon kalalim ang tubig. Lumangoy siya. Pag-ahon niya ay wala nang nagsu-surfing. Lumapit siya sa umbrella hut na walang gumagamit. Hindi na talaga niya makita si Albert. Napansin niya na lahat ng lalaking dumadaan sa tabi niya ay sinusuyod siya ng tingin. Karamihan ay mga dayuhang puti. Umupo siya sa plastic na upuan. Sa kalapit niyang cottage ay namataan niya ang boss, si Adam na ibinabandera ang hunk na katawan habang suot ay tanging itim na underwear. Nakatayo ito sa tapat ng cottage habang may kausap sa cellphone. Napakalakas ng s*x appeal nito. Agaw-pansin sa mga kababaihan ang imahe nito. Wala siyang ibang tinitingnan kundi ang lalaki. "Huwag mo siya masyadong titigan baka may kumanti sa 'yo rito," narinig niyang sabi ng pamilyar na boses ng lalaki mula sa kanyang likuran. Tumayo siya saka hinarap ang lalaki. Nakatayo roon si Steve habang nakaipit sa braso nito ang surf board na ginamit. Sa halip na tingnan una sa mukha ay nag-lakbay ang paningin niya sa katawan nitong hitik sa muscle. Mayroon itong perpektong hanay ng mga abs na nahati sa anim. Makinis ang dibdib nito na maskulado. Halatang natural ang pagkakahubog ng katawan nito at hindi likha ng kahit anong gym equipment. Wala siyang alam sa background nito pero hula niya dati itong sundalo dahil sa suot nitong military pendant. Itinaas niya ang tingin sa mukha nito. May suot itong sunglasses. Hindi niya mahuli kung saan ito nakatitig. "Huwag mong pagkaiteresan si Adam, kasal na siya't may anak," sabit nito. "Sino ba ang may sabing interesado ako sa kanya. Obvious naman na taken na siya," aniya. "Paano mo alam?" "Hindi na siya tumitingin sa ibang babae. Ideal man," aniya saka tinalikuran ang kausap. "Sayang ba? Marami ka pang makikilalang katulad niya." "Hindi ako interesado." "Wala kang interes sa lalaki? O baka naman babae ang gusto mo." Mariing nagtagis ang bagang niya. Nanatili siyang walang kibo. Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. Pinantayan siya nito sa kanyang kinatatayuan. "Ilang taon ka nang pumapatay?" pagkuwan ay tanong nito. "Magmula noong pumasok ako sa pagsusundalo," seryoso niyang sagot. "At paano ka naman napunta sa pagiging assassin?" Naiinis siya sa mga ganoong tanong. "Kailangan ba kitang sagutin?" aniya. "Ikaw. Okay lang kung hindi. Obvious naman na ayaw mo ng atensiyon. Mukhang magkakasundo tayo." "Magkaiba tayo ng pananaw." "Alam ko. Pero sa palagay ko pareho tayo ng human nature." "Paano ka nakakasiguro?" "Ganyan din kasi ako sa 'yo. Ayaw ko na nalalamangan ako. Ayaw ko ng atensiyon. Pero uhaw ako sa kalinga." Sinipat niya ito. Nakatanaw ito sa malayo. "Hindi maaring ipagsama ang parehong negative o positive. Hindi ito magiging compatible," makahulugang sabi niya. Ibinaling nito ang atensiyon sa kanya. Naiinis siya habang nakaharap ito sa kanya na hindi niya nakikita ang mga mata nito. "Puwede bang pakitanggal ang sunglasses mo? Nakakaurat kang tingnan," sabi niya. Inalis naman nito ang salamin saka inilagay sa ulo. Noon lang niya nasilayan ang kalmado nitong mukha. Kung tutuusin, mas may appeal ito kaysa kay Adam, hindi lang napapansin dahil itinatago nito ang kaguwapuhan sa kasungitan. Attractive ang light brown nitong eyeballs. Nagsisimulang tumubo ang kakaahit nitong balbas at biguti. Katamtaman ang pintog ng mga labi nito na namumula at lalong naging kaakit-akit dahil sa munting clift chin nito. At kapag gumagalaw ang bibig nito ay sumisilip ang munting biloy nito. "Napaka-expensive ng personality mo. Rare but interesting. Kung hindi tayo compatible, ayaw mo na ba ako makasama sa misyon?" sabi nito. "Hindi sa gano'n. Hindi lang ako sanay na may kasama sa mismon. Mas madali kong nagagawa ang trabaho na mag-isa. Sa tingin ko magiging pabigat ka lang sa akin." "Hm. Huwag ka masyadong mayabang. Hindi basta-basta ang target. May kapit siya sa ROX Alliance group na matagal na naming gustong pasukin." "Anong meron sa ROX Alliance?" usisa niya. "Grupo sila ng mga sindikato na nangungolekta ng mga lamang-loob ng tao at ibinibenta sa ibang bansa. Mayroon ding nag-o-operate ng dangerous drugs sa kanila. Pero hangang ngayon, wala pang nakakahuli ni isa sa mga leader. Nalaman ko ang impormasyong iyon noong nahuli ko ang isa sa tauhan ni Mr. Nakama Shitaru. Pinakanta ko siya tungkol sa ROX Alliance. Pero kahit anong gawin naming pag-torture sa kanya ay wala siyang binaggit na mga leader." "Ano naman ang mangyayari sakaling mapatay si Nakama Shitaru?" curious niyang tanong. "Maaalarma ang mga leader ng ROX Alliance. Ipapahanap nila ang assassin at ipapapatay o maging ang grupong involve sa kaso. Kaya naisip ni Adam na mag-hire ng taga-labas na papatay kay Mr. Shitaru para maprotektahan ang Wild Heart Organization. Hindi lang ang WHO ang naghahabol sa sampung milyong reward kundi maging ang malalaking organisasyon sa bansa lalo na sa Japan dahil doon unang nagka-record ang target. Nagbaba na rin ang Japan ng dagdag pang reward sa sino mang makakapatay sa target. Kaya asahan natin na makakatagpo tayo ng hitman sa lugar ng target. Kaya kailangan natin silang unahan. Plano kong pasukin natin ang area ng target sa mismong kaarawan niya. Madalas nagkakaroon ng malaking piging sa tuwing nagdadaos ng kaarawan ang target. Doon ko na rin lulubusin ang pagkakataon na makilala ang ilan sa leader ng ROX Alliance. Kaya pagbutihin mo ang trabaho mo. Buhay mo ang nakataya rito." Nilinis ni Ashea ang kanyang lalamunan. Hindi niya kailangang kabahan dahil kung tutuusin ay marami na siyang napatumbang bigating kriminal sa Tokyo. Ngayon pa ba siya papalpak? "Wala pa akong palpak na trabaho," pagmamalaki niya. "Prove it. Wala rin akong planong pumalpak dahil sa nakasama kong hitman." Tiningnan niya ito nang masama. "Bakit hindi ka na lang naging hitman kung hindi ka magtitiwala sa partner mo?" "Matagal ko nang tinalikuran ang pagpatay. Sawa na ako sa mantsa ng dugo." "Huwag kang magmalinis. Dati kang sundalo 'di ba? Bakit natatakot kang pumatay?" Biglang tumahimik ang panig ng binata. "O baka naman natanggal ka sa serbisyo dahil hindi ka marunong bumaril. Ang mga katulad mo ay hindi dapat hangaan. Malas ang makakatrabaho mo dahil sa halip na mailigtas mo sila, ikaw pa ang ililigtas nila at ipapahamak mo sila," palatak niya. Nagulat siya nang bigla nitong pisilin ang baba niya saka nito iginiit ang mabangis na mukha sa kanyang mukha. "Sige, saktan mo ako! 'Yan lang ba ang kaya mong gawin? Matapang ka lang dahil babae ang kalaban mo. Unang kita ko pa lang sa 'yo, alam ko nang mahina ka. Wala kang-" naputol ang sasabihin niya nang bigla nitong siniil ng halik ang mga labi niya. Pakiramdam niya'y hinigop nito ang dila niya kaya siya natulala. Matagal bago siya nahimasmasan. Humugot siya ng lakas saka ito itinulak at pinatamaan ng malakas na suntok sa pisngi. Hindi man lang ito natinag kahit dumugo ang labi nito. Pinahid lang nito iyon ng kamay. "Bastos!" bulyaw niya rito. Nagawa pa nitong ngumisi. "Ang bastos, nakahubot-hubad. Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae," sabi nito. "Lumaban ka, hangal! Hindi ako natatakot sa puwersa mo!" "Huwag mo akong hamunin dito gayong pareho tayong kapiranggot ang suot. Baka pagpiyestahan tayo ng mga tao. Lalabanan lang kita kapag nasa ibabaw tayo ng kama." "Sira ulo!" asik niya saka ito tinalikuran. Mabuti hindi na siya hinabol kung hindi ay babasagin talaga niya ang iniingatan nitong boiled eggs. Na-high blood na siya kaya bumalik na siya sa hotel room na inukupa niya. "Buwisit na lalaking 'yon!" inis na sabi niya habang naliligo sa ilalim ng shower. Kahit wala siyang interes sa lalaki, nangarap pa rin siya ng romatikong first kiss. Doon pa sa simpatikong lalaki na walang modo. Maling-mali ang expectation niya sa pagbalik niya sa Pilipinas. Inaasahan niya na magiging maganda ang kanyang bakasyon at milyonaryo na siya pagbalik ng Japan. NANG makaalis na si Ashea ay saka lamang dinamdam ni Steve ang kirot sa kanyang labi. Hindi matanggap ng pride niya na isang hamak na babae ang pumunit sa labi niya. "Pambihira. Malakas din palang sumuntok ng babaeng 'yon," inis na sabi niya habang pabalik na siya sa beach side bar. Sinalubong siya ni Danny na may dalang dalawang bote ng beer. "Teka, anong nangyari sa labi mo?" tanong nito. "Wala. Nadapa ako," aniya. "Nadapa? Ang sama naman ng pagkakadapa mo bibig pa ang napuruhan." "Puwede ba huwag mo akong pansinhin!" iritableng sabi niya. Tumawa pa ang mokong. Nakabuntot lang ito sa kanya. "Oh, heto, mag-beer ka muna nang lumamig ang ulo mo." Pilit nitong binibigay sa kanya ang isang baso ng beer. Tinanggap naman niya saka deretsong ininom. "Wow! Ang galing mong uminom, pre," puri nito. "Hindi ko kailangan ng papuri mo. Sa 'yo na." Ibinalik niya rito ang basong walang laman saka ito tinalikuran. "Saan ka pupunta?" "Gusto kong mapag-isa. Huwag kang magkamaling sundan ako," aniya. "Okay." Pagdating niya sa hotel room na pinagamit sa kanya ni Adam ay dagli siyang naligo. Naisip niya ang mga sinabi ni Ashea kanina na nagpainip sa ulo niya. "Ang mga katulad mo ay hindi dapat hangaan. Malas ang makakatrabaho mo dahil sa halip na mailigtas mo sila, ikaw pa ang ililigtas nila at ipapahamak mo sila." Mariing ikinuyom niya ang kanyang mga palad. Hinarap niya sa salamin ang kanyang sarili. Pati ang pendant niya ay pinansin ng babaeng iyon. Dalawa ang suot niyang military pendant. Ang isa ay binigay ni Senshi, ang Chinese-American niyang best friend na namatay sa misyon nila dahil sa pagprotekta sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit niya tinalikuran ang trabaho. Hanggang ngayon ay inuusig pa rin siya ng nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD