Chapter 1

2378 Words
"You should go, Steve! Save yourself!" sabi ni Senshi, habang pilit siyang itinataboy. Napaluha si Steve. Hindi niya kayang iwan ang kaibigan matapos nitong ibuwis ang buhay para sa kanya. "No! I won't leave you!" giit niya. Lumuwa na ng dugo si Senshi. "P-Please, lieve me alone. You better go," sabi nito. Bumitiw na ito sa kanya. Nabitawan niya ito sa gitna ng pasilyo. Palabas na sana sila sa tunnel na nasasakupan ng mga kalaban. "No! Don't die!" "G-Go, p-please go..." Walang tigil sa pagpatak ang luha niya habang pilit itinatayo ang kasama. Naririnig na niya ang mga yabag ng kalabang paparating. "Please, take it and quit this job. Save your life," wika ni Senshi habang iniipit sa kamay niya ang military pendant nito. Iyon ang huling sinabi nito bago ito tuluyang bawian ng buhay. Wala na siyang magawa kundi iligtas ang sarili. Masyadong maraming kalaban. Napatay na nila ang target kaya wala na dapat siyang balikan. Sumisikip ang dibdib niya habang nililisan niya ang lugar. Nag-iwan siya ng granada sa daan para hindi na siya masundan ng kalaban... "STEVE! Steve!" Kumislot si Steve nang maalimpungatan. Nakalimutan niya ang kasalukuyan dahil sa nakaraang patuloy na umusig sa kanya. Naroon sila sa isang restaurant at kumakain ng tanghalian kasamasa ang katrabaho. "Ano ba? Tulala ka na naman d'iyan," sabi ng kasama niyang si Danny. Itinuloy niya ang pagsubo ng pagkain. "Hoy, nabalitaan mo ba na nag-hire si boss Adam ng isang Japaneses Assassin para pumatay kay Nakama Shitaru?" wika nito. Natigilan siya. Pumanting ang tainga niya pagkarinig sa saritang 'assassin'. Dati siyang miyembro ng US marine at isang assassin bilang extra job. Ngunit dahil sa masaklap na karanasan ay maaga siyang nag-resign sa trabaho at muling nag-aral para maging FBI agent. Hindi rin siya nagtagal sa trabaho dahil madalas siya ang isinusugod sa maseselang operasyon. Isinumpa na niya ang trabahong pagpatay ng mga most wanted na kriminal. "Kanino mo naman narinig 'yan?" seryosong tanong niya sa kasama. "E doon sa mga tsismoso nating katrabaho. Nakakainis nga. Bakit kailangan pang mag-hire ni boss ng assassin? Wala na ba siyang tiwala sa amin?" reklamo nito. "Puro palpak kasi ang trabaho n'yo." "Paano hindi magiging palpak ang trabaho namin e mali-mali ang impormasyong binibigay sa amin ng informant." "Bakit kasi kailangan pa ninyong kumuha ng informant kung kaya namang trabahuhin ng mga agent 'yon?" "Gusto kasi naming mapangalagaan ang identity ng WHO. Ayaw ni boss na nadadawit ang pangalan niya sa mga maling impormasyon. Mabuti nga nandito ka. Mas magaling kang sumagap ng impormasyon tungkol sa mga target." WHO o Wild Heart Organization, isang malaking intelligence and investigation agency na may sangay sa bansang Japan. "Kulang kasi kayo sa strategy," sabi niya saka tumayo. Dumukot siya ng pera sa kanyang wallet. Mabilis namang pinigil ni Danny ang kamay niya. "Sandali, sagot ko na 'to. Kakasuweldo ko lang, 'di ba?" sabi nito. Hindi siya pumayag na dumukot ito ng pera. Ito na lang palagi ang nagbabayad sa tuwing kumakain sila sa labas. "Ako na. Ayaw ko sa pera mo," aniya. "Ah, nababahuan ka ba sa pera ko?" "Ako na sabi. Halos lahat naman ng pera mabaho. Ubusin mo na iyang kinakain mo." Tinawag niya ang waiter saka ibinigay ay limang daang piso. "Keep the change," aniya saka nagkalad palabas ng restaurant. "Sandali! Hintayin mo naman ako!" Hinahapong humabol sa kanya si Danny. "Akala ko ba magaling kang hitman? Bakit hiningal ka na kaagad? Ilang hakbang lang ang tinakbo mo," aniya. "Ano kasi, nitong nakaraang buwan, sunod-sunod ang party sa amin. Hindi ko mapigil na huwag kumain ng masasarap." "Kaya pala nauuna na ang tiyan mo sa paglalakad," biro niya. "Ano ba? Masarap kumain, eh." Na-trap sila sa kalye nang biglang may naka-motor siklo na nahagip ng cargo truck. Gumulong sa kalsada ang lalaking driver ng motor siklo, duguan at basag ang bungo. "s**t!" bulalas niya. "Jesus Christ! Sumalangit nawa ang kaluluwa niya," sabi naman ni Danny at nag-sign of the cross. "Bumalik na tayo sa station," sabi niya pagkuwan. Kinuha niya ang kanyang kotse saka sila sumakay. Nabinbin pa sila sa traffic. "Ganito sa Maynila. Normal na ang mga aksidente, p*****n at kung anong krimen. Kung hindi ka sanay, hindi ka mabubuhay rito," sabi ni Danny. "Ganyan din sa America, pero mas mahigpit ang mga pulis doon kaya mabilis nahuhuli ang mga kriminal." "Oo nga." MAY isang oras naghintay si Ashea sa arrival area ng airport bago niya nakita si Albert. Sinalubong na niya ito. "Ashea, kumusta? Gunaganda ka, ah," bungad nito sa kanya. "Dati na akong maganda," pagyayabang niya. "Oo nga pala. Kumusta and flight mo? Traffic ba sa Tokyo?" "Hindi. Maayos naman ang lipad ng eroplano. Kumusta ka? Limang taon din tayong hindi nagkita," aniya. "Oo nga. Okay naman ako. Maayos na ang trabaho ko." "Oh? Hindi ka na basagulero?" "Nagbago na ako. Maniwala ka." "Oo, naniniwala ako. Nasaan ang kotse mo?" "Nandoon." Iginiya siya nito sa nakaparadang kulay pulang Honda Civic "Kotse pa ito ng Papa mo, ah. Mukhang bago pa rin," sabi niya nang makasakay na sila. "Siyempre. Pinapahalagahan ko talaga ang mga bagay na bigay sa akin ng mahalagang tao sa buhay ko. Maniwala ka, kaya pang humabol ng kotseng ito sa sports car." "Ah talaga? Maniniwala lang ako kung nakita kitang nakipagkarera." "Nakalimutan mo na ba na ang kotseng ito ang ginagamit ko noon sa illegal car racing?" "Naalala ko. Kaya ka nga pinatulog ng Papa mo noon sa labas ng bahay n'yo, eh." Tumawa si Albert. "Naalala mo pa pala 'yon?" "Oo naman. Hindi ako madaling makalimot." Kaibigan na niya si Albert magmula pa noong grade school. Best friend ng Mama niya ang Mama nito. Noong hindi pa sila umuwi ng Japan ay umuupa lang sila ng bahay. Sa Mabini siya nagtapos ng elementary at high school. "Tuloy ka. Mag-isa lang ako rito sa bahay. Magmula noong namatay si Papa ay hindi na umuuwi rito si Mama. Doon siya nakatira kina Ate Shella, sa bahay ng asawa niya," sabi ni Albert nang makarating sila sa dalawang palapag na bahay nito sa Mabini. Nilibot niya ng tingin ang kabahayan. Magulo at may nakikita siyang agiw sa kisame. "Halatang hindi ka naglilinis ng bahay mo," prangkang komento niya. "Wala na kasi akong time. Kapag day-off ko ay umuupa ako ng tagalinis at tagalaba," sabi nito. "Bakit hindi ka na lang kasi mag-asawa?" "Wala pa sa isip ko 'yan." "Imposible. Ang dami mong dini-date noon, ah." "Hum. Mga fling lang 'yon. Ayaw ko ng seryosong relasyon." "Sira ulo ka. Akala ko ba nagbago ka na." Sinalo niya ang ibinato ni Albert na lata ng root beer. Tiningnan muna niya ang expiration bago binuksan. "Huwag kang mag-alala, hindi 'yan expired," sabi nito. Ngumisi siya. "Na-miss ko 'to." "Wala ba niyan sa Tokyo?" "Meron kaso hindi ako bumibili. Mahalaga sa akin ang bawat sintimo. Ang perang ipangbibili ko ng ganito ay iipunin ko na lang para panggamot ni Kinuri." "Ano ba ang sakit ni Kinuri?" "Leukaemia." "Aw. Ang bata naman niyang nagkasakit nang ganoon." "Wala naman 'yong pinipiling edad at panahon. Twelve years old si Kinuri no'ng na-diagnose siya'ng may Leukemia. Isang taon na siyang naggagamot pero habang tumatagal ay lalong lumalala ang sakit niya. Hindi na siya nag-aaral. Binabantayan na lang siya ni Lola sa bahay." "Kumusta naman ang ibang kapatid mo?" "Si Ken, first year college na. Engineering ang kurso niya. Ang bunsong si Mitch ay graduating ng high school." "E kumusta naman ang buhay mo bilang sundalo?" usisa nito. Lumuklok siya sa sofa. "Hindi ako satisfied. Nakakainip," sagot niya. Umupo naman ito sa katapat niyang sofa. "Kaya ka ba pumasok bilang assassin?" Tiningnan niya ito sa mga mata. "Oo. Kailangan ko ng malaking pera para maipagamot si Kinuri. Ako na lang ang inaasahan ng mga kapatid ko." "Ano ba ang ikinamatay ng parents mo?" "Si Papa, napagkamalan na leader ng most wanted na mafia group sa Japan. May pagkakahawig kasi siya sa Mafia lord na iyon. Napatay siya ng mga pulis. Si Mama naman, kasama sa namatay sa naaksidenteng bus na sinasakyan niya." "Okay, tama nang kuwento. Sumasakit na ang dibdib ko. Magpahinga ka na muna. Bukas na tayo pupunta ng station namin." Tumahimik na siya. KINABUKASAN. Isinama ni Albert si Ashea sa branch station ng organisasyong pinagtatrabahuhan nito sa Quezon city. Ipapakilala na raw siya nito sa boss nito. May kalahating oras na silang naghihintay sa mini sala set na naroon sa loob ng opisina ng boss ng WHO. Dala-dala niya ang kanyang resume. Hindi siya mahilig magsuot ng formal attire. Skinny black jeans lang ang suot niya, puting T-shirt na sinapawan niya ng itim na jacket. Ang ga-baywang niyang buhok ay tinirintas niya. Walang make-up o lipstick. Suot niya ang high-cut black converse niya. Mamaya'y bumukas ang pinto at pumasok ang matangkad na lalaki, guwapo at matipuno ang pangangatawan. Biglang tumayo si Albert at sumaludo sa lalaking dumating. Tumayo rin siya at yumukod. Parang hindi lang sila nakita ng lalaki. Deretso ang lakad nito saka pumuwesto sa office table nito at umupo sa swivel chair. "Halika na, lapit tayo," sabi sa kanya ni Albert. Lumapit naman sila sa hula niyang boss nito. Umupo sila sa magkatapat na sila. "Siya na ba?" tanong ng seryosong lalaki. "Yes, sir," mabilis na sagot ni Albert. "Maari mo na kaming iwan," sabi ng lalaki. "Yes, sir." Tumayo na si Albert saka lumabas. Ibinigay naman ni Ashea ang resume sa lalaki. Binasa nito iyon. "Ilan na ang napatay mo?" kaagad ay tanong nito. "Hindi ko mabilang," mabilis niyang sagot. Tumawa nang pagak ang lalaki. "Anyway, I'm Atty. Adam Del Ferro. Ako ang may-ari at prisendente ng Wild Heart Organization. I heard a lot about you from my father. Mayroon siyang nasasakupang alliance sa Tokyo pero mabubuti ang layunin niya. May tauhan daw siya na nag-hire sa 'yo misan na pumatay sa matinik niyang kalaban sa negosyo na ilegal ang kalakaran. Nakakamangha ang profile mo," sabi nito. Kilala niya ang tatay nito pero wala siyang alam tungkol dito. Sinabi lang ni Albert na makapangyarihan itong pinuno. Mataas ang expectation niya sa mga tauhan nito. "Pleasure to meet you, sir," aniya. "You're not here to work with my company for long. Alam ko babalik ka rin sa Japan kapag nakuha mo ang reward na sampung milyon. Bilib talaga ako sa tapang ng mga Hapon. I'm not interested to hear your story. I just want to start our plan for the mission. Ipapakilala kita sa mga empleyado ko." Tumayo na ito. Tumayo naman siya at sumunod dito. "Huwag kang mahiyang magbigay ng opinyon sa akin. Gusto ko maging open ka sa akin para naman hindi tayo mukhang estranghero sa isa't-isa," sabi nito habang naglalakad sila sa pasilyo. "Hindi ko kilala ang hiya, sir," sagot niya. "Good. I like your personality." Pumasok sila sa agents' station. Maingay pero biglang tumahimik nang makita sila ng mga tao roon. Lahat ng atensiyon ay nakatutok sa kanya. Mayroong mga matang sinusuyod siya ng tingin. Mayroon ding masaya at mayroong nakataas ang isang kilay. May isang lalaking lumapit sa kanila, mukhang mahangin. "Boss, siya na ba ang Japanese assassin na sinasabi mo?" tanong ng lalaki. Nabasa niya ang name tag nito. "Agent Danny" "Oo. Nasaan si Steve?" sagot naman ni Adam. Mukhang friendly ito sa mga tauhan. "Nasa banyo, naglalaba," pabirong sabi ni Danny. "Gusmo mo bang lab'han ko 'yang pagmumukha mo?" napipikong sabi ni Adam. Nagtawanan ang mga kamasa nito. "Utusan mo 'ko, Boss, pipiktusan ko sa itlog 'yang isang iyan!" sabi naman ng lalaking nakaupo sa ibabaw ng mesa. "Subukan mo, nang maranasan mong kumain ng tinik ng rosas," banta naman ni Danny sa kasama. Naiirita siya sa ingay. "Wala ka bang matinong agent dito?" tanong niya kay Adam. Nilakasan niya para marinig ng mga sira-ulong naroon. Walang kibo si Adam. "Ano'ng sinabi mo? Ulitin mo nga!" mayabang na hamon sa kanya ni Danny. "Ang sabi ko, sira-ulo ka," walang gatol na sabi niya. "E mayabang pala ang isang ito, eh! Bakit? Ilan na ba ang napatay mo, ha?" "Bilangin mo ang edad mo saka mo doblehin." "Baliw ka, ah!" Akmang hihiklasin nito ang braso niya ngunit bago maglapat ang balat nito sa balat niya ay hinila na niya ang isang kamay nito saka ito inikot sa likod nito at pinilipit. "Ah! Ang sakit!" daing nito. "Tama na!" saway ni Adam sabay pigil sa kamay niya. Binitawan naman niya si Danny. "Magbiro ka sa bagong gising, huwag lang sa hindi pa natutulog," sabi niya saka itinulak si Danny. Tumalsik ito sa mesang nasa sulok na may nakatayong lalaki. Sinalo nito ang likod ni Danny. Napako ang paningin niya sa lalaking sumangga kay Danny, na noon lang niya nakita. Wala pa ito kanina. Matangkad ito, maputi, hitik sa muscle ang katawan, military cut ang buhok, mukhang mistiso dahil sa mga mata nito at matangos na ilong. Para itong gutom na tigre kung makatitig sa kanya. "Magsitrabaho na kayo!" galit nang utos ni Adam sa mga tauhan. Ang iba'y nagsilabasan na. Iilan na lang ang naiwan. Lumabas na rin si Danny pero naiwan ang tisoy na lalaki. Nakaupo ito sa ibabaw ng mesa. Pagkuwa'y napansin niyang nilapitan ni Adam ang tisoy. Sumunod naman siya rito. "Kumusta, Steve?" tanong ni Adam sa lalaki. Tumatak na sa isip niya ang pangalan nito. "Ayos lang," sagot ng lalaki sa matapang na tinig. Mukhang hindi nito sinasanto ang katungkulan ni Adam. "Siya nga pala, meet Ashea Takayuri. Isa siyang Filipina-Japanese, active military at isang most hired assassin sa Tokyo," pakilala ni Adam sa kanya. Hindi man lang nawindang ang lalaki sa diskripsiyon ni Adam sa kanya. Nakatutok pa rin sa kanya ang tingin ng lalaki. "Nice to hear that. I'm Steve Hartnett. Wala akong magandang record," sabi nito. Ito lang ang lalaking nakilala niya na hindi nakikipag-kamay sa kakikilalang babae. Pumagitan naman si Adam. "Okay. Since nagkakilala na kayo, puwede na nating pag-usapan ang plano para sa misyon," anito. Nagtataka siya. Bakit kasama ang lalaking ito sa usapan? "Ashea, si Steve ang agent na makakasama mo sa misyon. Siya ang may hawak ng records ng target at alam din niya kung saan ito matatagpuan," sabi ni Adam. Hindi siya masaya sa sinabi nito. "Just give me the detail. Tatrabahuhin ko itong mag-isa," aniya. "Huwag kang mayabang babae," sabad naman ni Steve. Nag-init ang bunbunan niya. "Ano'ng sinabi mo?" aniya. "Ang sabi ko, huwag kang mayabang," ulit nito. Hinawakan niya ang kuwelyo ng damit nito saka ito hinatak palapit sa kanya. Hindi man lang ito natinag. "Huwag mong maliitin ang kakayahan ko, lalaki," hamon niya. Hinawakan nito ang kamay niya'ng may hawak sa damit nito. Napakalakas nito. "Pasensiya na, hindi ako pumapatol sa babae," seryosong sabi nito saka siya itinulak. Mabilis naman niyang naibalanse ang katawan. Mariing nagtagis ang bagang niya. "Wala ka na bang ibang agent?" pagkuwa'y tanong niya kay Adam. "Marami pero si Steve lang ang pinakamatino," sagot ni Adam. Bumuga siya ng hangin para maibsan ang inis niya. "Mag-usap kayong dalawa. May aasikasuhin pa ako," ani Adam saka sila iniwan. "Sandali!" pigil niya pero mabilis na nakalabas si Adam. Pagkuwa'y nilapitan siya ni Steve. Ibinigay nito sa kanya ang makapal na papeles na naka-envelop. "Pag-aralan mo 'yan. Mag-usap tayo kapag malamig na ang ulo mo," sabi nito saka siya iniwan. Hindi siya nakakibo. Lalo lamang siyang nainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD