Halliyah's P.O.V.
“Ma'am, okay ka lang diyan?”
Kanina ay akma pang isusuot sa akin ni Mon ang helmet pero mabilis kong inagaw 'yon mula sa kaniya para hindi niya na matuloy. Kaya ko namang gawin 'yon pero bakit gustong gusto niya pang gawin 'yon para sa akin?
Trip nga kaya niya ako? May gusto ba siya sa 'kin? Crush?
“Ma'am, ano? Ayos ka lang?”
Hindi sa pagiging assumera pero nakakahalata naman kasi ako sa mga kilos at sinasabi niya sa akin.
Pero isa lang ang masisiguro ko... hindi ako mahuhulog sa kaniya. Never. Mas marami pa akong kailangan i-prioritize kaysa sa lovelife, e.
“Halliyah? Tinatanong kita.”
Napakurap-kurap ako nang bigla kaming tumigil sa gilid ng kalsada. Napatingin ako sa paligid at medyo malapit na pala kami sa DaFood pero bakit kami tumigil?
“Bakit tayo tumigil?” nagtatakang tanong ko at sinilip ang mukha niya.
Lumingon naman siya sa 'kin. “Kanina pa kita tinatanong kung okay ka lang ba. Hindi ka sumasagot kaya huminto muna ako,” sagot niya at itinaas visor ng helmet niya.
Nagkatitigan kami ng mga mata niyang nakikitaan ng pagtataka. Nakakunot din ang kilay niya, senyales ng pagtatanong niya.
Hindi ko yata napansin. Kanina pa lumilipad ang isip ko. Bakit ba kasi naiisip ko ang mga kilos niya? Hindi ba dapat ay si Sir Winston ang mas isipin ko ngayon, kung paano ko siya haharapin?
Halliyah naman e...
“Tingnan mo, hindi ka pa rin sumasagot,” muling sabi niya. “Iniisip mo ba ang boss mo? 'Yung gagong lalaki na 'yon kagabi?” Hindi pa rin ako sumagot. “Bakit hindi ka na umalis diyan sa trabaho mo? Hindi normal na gano'n siya ah... sigurado akong type ka niyon. Baka kung ano pang gawin niya sa 'yo.” Umiling-iling siya habang nakatingin na sa malayo.
Normal din ba na ganito ka-concern ang lalaking dapat ay rider ko lang?
“O-Okay lang ako. Kaya ko naman harapin si Sir Winston,” mahinang sagot ko at yumuko. “Hindi ako puwedeng umalis sa trabaho dahil kailangan ko 'to.”
Napatango-tango na lang si Mon at ibinaba na ang visor niya. Muli niyang ini-start ang motor at humarurot paalis.
Mabuti na lamang at hindi na ulit siya nagtanong nang nagtanong pa. Naging tahimik na ang byahe namin pero kahit gano'n ay hindi pa rin ako nakapag-isip nang maayos dahil naghalo-halo na ang gumugulo sa 'kin.
Lord, tulungan mo 'ko. Gabayan mo ako lagi sa lahat ng ginagawa ko, gano'n din ang pamilya ko. Maraming salamat po.
Pagkadating sa DaFood, nauna na akong bumaba at naglabas ng pera pambayad. Tumaas naman ang kilay ko nang hindi niya kunin 'yon nang iabot ko na 'to.
“Bayad ko,” sabi ko pero tinitigan niya lang ito. “Hoy, hindi mo ba tatanggapin 'to?” taas kilay kong tanong.
Ngumiti siya at umiling. “Hindi na. Sige na, pumasok ka na—”
“Pero—”
“Ingat ka sa work mo ah. Mamaya, ako ulit rider mo. See you,” pagputol niya sa sinasabi ko.
Napamaang na lang ako habang pinapanood siyang isuot ulit ang helmet niya. Ang kamay ko naman ay hawak pa rin ang pera at nakalahad sa harap niya.
“Idagdag mo na 'yan sa panggastos n'yo, ma'am. Mababawi ko naman 'yan sa ibang pasahero ko,” muling sabi niya. “Sige na, pasok na.”
Nakagat ko ang labi ko at dahan-dahang ibinalik ang pera sa wallet. Bumilis ang t***k ng puso ko na para bang kinabahan. Napabuntong hininga na lang ako at tumango.
“S-Salamat,” sagot ko at ngumiti. “Una na 'ko...” Tinalikuran ko na siya at nagsimulang humakbang ngunit pagkatapos ng dalawang hakbang ay huminto rin ako. “I-Ingat ka rin,” pahabol ko nang walang lingon-lingon at mabilis na naglakad.
“Thank you, ma'am!”
Napahinga na lang ako nang malalim nang isigaw niya 'yon. Hindi ko na siya nilingon pa dahil nahihiya na 'ko. Ngunit bumigat bigla ang pakiramdam ko pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ng resto.
Dahil doon ay napalingon ako sa labas para silipin si Mon pero umaandar na paalis ang motor niya.
Bakit parang biglang ayokong mawala siya sa paningin ko ngayong haharapin ko na si Sir Winston?
Paano na ba 'to...
“Halliyah!”
Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Jessa iyon na naglalakad palapit sa akin.
“Buti dumating ka na. Hinahanap ka ni Sir Winston,” sabi niya na ikinakurap ko.
Ako agad ang hanap? Hay, ano na naman ba 'to?
“Sige, ah. Una na ako sa puwesto natin,” paalam niya.
Hindi na ako nakapagsalita pa nang lagpasan niya na 'ko. Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim. Pumasok muna ako sa locker room at naglapag ng gamit doon. Sunod akong pumunta sa harap ng office ni Sir Winston.
Halliyah, inhale... exhale... inhale... exhale.
Kalma lang, kalma ka lang.
Kumatok ako nang tatlong beses. “Si Halliyah po ito,” sabi ko.
“Come in,” mabilis na sagot niya mula sa loob.
Isang malalim na paghinga ulit ang ginawa ko bago ko pinihit ang doorknob at dahan-dahang pumasok sa loob. Sinara ko ang pinto at humarap sa kaniya.
Nakaupo siya sa sofa na nasa gitna ng office niya. Dalawang mahabang sofa ang magkaharap doon at may table sa dulo. Doon sila nagm-meeting ng mga nagiging ka-meeting niya kapag meron silang pag-uuspan.
"Sit beside me," utos niya at tinapik ang space sa tabi niya.
Napalunok ako sa kaba pero dahil ayoko rin na tumagal pa ako rito sa loob, sumunod na lang ako sa utos niya. Mabagal akong naglakad palapit at umupo sa tabi niya pero hindi ako dumikit, naglaan ako ng space sa pagitan namin.
“B-Bakit mo po ako hinahanap, sir?” mahinang tanong ko habang hindi makatingin sa kaniya.
“Halliyah, I just want to say sorry for what happened,” mahina rin ang boses na sambit niya kaya napatingin na 'ko sa kaniya. “Sorry sa naging kilos ko kagabi,” ulit niya at tumingin sa braso ko. “Damn, I'm sorry, I caused you bruises.”
Napatingin din tuloy ako sa braso ko at nakikita pala ang gasgas na natamo ko sa pagkahulog namin ni Mon kahapon. Tinakpan ko ito pero napapitlag ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inalis.
Napigilan ko ang paghinga ko nang braso ko naman ang sunod niyang hinawakan. Kunot noo ko siyang tinitigan sa ginagawa niyang pagsipat sa gasgas ko. Nalunok ko na naman ang sariling laway nang umusog pa siya palapit sa akin.
Magkadikit na kami ngayon.
“S-Sir, okay lang po...” sagot ko at binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. “Sana po hindi na maulit ang nangyari.”
Tumikhim siya at tumango. Napaigik na naman ako nang napunta naman sa likod ko ang kamay niya at hinimas ako ro'n.
“I promise, hindi na mauulit,” pag-sang ayon niya na ikinatango ko.
Mabilis akong tumayo at yumuko. “S-Sige po, magtatrabaho na ako.”
Dali-dali akong naglakad palabas ng office niya at pumunta sa puwesto namin. Hindi ako naging komportable sa mga haplos niya kanina pero hindi ko na lang inisip para makapagtrabaho ako nang maayos.
Pero sa totoo lang ay hindi ko pa rin maiwasang mag-isip. Iniisip ko rin ang sinabi ni Mon na bakit hindi na lang daw ako mag-resign dito.
Puwede naman kung makakahanap agad ako ng trabahong papalit e.
“Miss!”
Naglahong parang bula ang mga nasa isip ko nang isang customer ang lumapit at tumapat sa akin. Babae siya at magkasalubong ang kilay, parang galit.
Mukhang may reklamo, s**t.
“B-Bakit po?”
“Ikaw ang nag-patch ng order ko, 'di ba? Mali-mali naman ang pinatch mo! Pareho nga ang mga presyo pero hindi ko gusto ang mga binigay sa aking pagkain. Ang bobo mo naman!” pasigaw niyang sabi dahilan ng pagtingin sa amin ng ibang customers.
Kahit si Jessa na nagpa-patch pa ng order ng customer niya at napalingon. “Ma'am, kalma lang po. May resibo ka po, bakit hindi mo muna po chineck—”
“Bakit ako kakalma e ang tanga nitong kasama mo?” sigaw pa rin niya. Naitikom ko ang bibig ko dahil sa sinasabi niya. “Oh, ano miss? Ang ayos-ayos ng pagkakasabi ko sa 'yo ng order ko, mali-mali naman pala!”
“P-Pero inulit ko po ang orders mo at sabi mo tama naman po—”
“Hoy, wala kang inulit sa 'kin! Ang bobo mo!”
Hindi ko na nadepensahan ang sarili ko dahil pinuputol niya ang sinasabi ko. Sa totoo lang, ang sakit ng mga naririnig ko pero normal lang na may ganitong eksena rito kaya lang... ang hirap.
Pero siya ang mas tanga sa amin dahil hindi niya chineck agad ang nasa resibo, 'di ba?
“Nasaan ba ang manager n'yo? Ire-report ko 'tong tangang 'to!” Hindi pa rin siya tumitigil sa pagsigaw.
“Ma'am, please, kalma lang po. Papalitan na lang po namin ang order mo. Pakiulit na lang po...” pakiusap ko at lumabas na muna ng counter para harapin siya.
“Anong uulitin? Nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa kabobohan mo!” matigas na sagot niya at dinutdot pa ng daliri ang noo ko.
“M-Ma'am! Huwag naman po kayong manakit!” awat ni Jessa at lumabas na rin.
Kaniya-kaniya ng reaksyon at bulungan ang mga tao nang bigla na lang ako binuhusan ng customer ng tubig sa mukha. Nadampot niya lang 'yon mula sa isang lamesa.
Nanlamig ang katawan ko dahil may kasama pang yelo ang tubig. Nabasa ang uniform ko at lalong na lalo na ang buong mukha ko.
“What's happening here?” Narinig ko ang boses ni Sir Winston. “Halliyah? What happened?” nagtatakang tanong niya nang nakita ako.
Para akong basang sisiw.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at kunot noong tinitigan ako pababa sa dibdib kong basa. Hindi na ako nakakilos nang yakapin niya ako at inilagay ang kamay sa likod ng ulo ko.
Napasubsob tuloy ang mukha ko sa dibdib niya kaya amoy na amoy ko ang pabango niyang medyo matapang pero masarap sa pang-amoy.
“Ma'am, excuse me? You have no right to hurt any of us here,” mariing sita niya sa customer.
“That woman is so stupid! Mali siya ng patch sa orders ko—”
“But it doesn't mean na puwede mo na siyang saktan. We can sue you for what you did,” matigas pa ring sagot ni Sir Winston. “I don't care kung bibigyan mo ng bad review ang restaurant na ito at ipangalandakan na 'customers are always right' dahil sa ganitong sitwasyon, mas mali ka because you verbally abused her and even poured water on her!”
Hindi ko na alam kung anong reaksyon ng customer dahil hindi ko siya makita habang nakasubsob ako sa dibdib ng lalaking ito. Gusto ko ring kumawala mula sa pagkakayakap ni Sir Winston pero nawalan yata ako ng lakas para kumilos.
Hindi ba't dapat na magpasalamat pa ako dahil sa ginagawa niya ngayon?
“Talagang bibigyan ko ng bad review ang restaurant na 'to! Mga letse!”
Narinig ko ang sunod-sunod na yapak ng sandals niya. Mukhang umalis na siya at natakot sa sinabi ni Sir Winston. Ang manager ko naman ay agad akong hinila papunta sa office niya.
Pagpasok namin ay sinara niya ang pinto at narinig ko pa ang pag-lock niya rito.
“S-Sir, thank you pero okay lang po ako. Lalabas na ako...” mahinang sabi ko at yumuko, pinipigilan ang luhang tumigil.
Naiiyak ako kasi hindi naman ako sanay na pinagsasalitaan nang gano'n. Kahit kailan ay hindi ako sinabihan ng bobo o tanga ng mga magulang ko tapos ibang tao lang pala ang gagawa sa akin niyon.
“Shh, you are not okay. Basa ka pa, oh.”
Pareho kaming napatingin sa dibdib ko. Basang basa ito kaya bumakat ang dibdib ko. Nahiya ako at bigla itong tinakpan gamit ang dalawang braso ko.
“Halliyah...”
Napasandal ako sa pinto nang bigla niya ring hawakan ang dalawang kamay kong nagtatakip sa dibdib ko. Hindi ko alam kung sinadya niya bang idinikit ang daliri niya sa dede ko pero nararamdaman kong nakadikit na 'yon doon.
“S-Sir... please, palabasin mo na 'ko.”
Nagkatitigan kami. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya pero ang lalim ng titig niya sa akin.
Napahinga ako nang maluwag nang tumango-tango siya at binitiwan ako. Pilit akong ngumiti at tinalikuran siya.
Hinawakan ko ang doorknob pero hindi ko ito napihit dahil sa sunod na nangyari...
Bigla na lang akong niyakap ni Sir Winston mula sa likod at nasa dalawang dede ko na ang dalawang kamay niya!
“S-Sir!” pagsigaw ko habang pilit tinatanggal ang kamay niya. Ang kaninang luhang pinipigilan ko ay biglang tumulo dahil sa ginawa niya. “S-Sir, huwag—”
Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang isang kamay niya! Pero ang isa niya pang kamay ay lumalamas sa dibdib ko!
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko at hindi ko na alam kung paano ako makakawala!
“Damn, Halliyah. Kanina pa ako nagpipigil sa 'yo. Ang hot mo, you are so f*****g hot and I want to f**k you hard,” puno ng pagnanasang bulong niya sa tenga ko.
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko at biglang nanghina pero hindi pa rin ako tumigil sa pagpupumiglas na makawala sa kaniya. Pilit akong sumisigaw kahit hindi ako makalikha ng ingay dahil sa pagtakip niya sa bibig ko.
“Your boobs are so big! I want to suck it,” muli niyang bulong.
Mas lalo akong nagpumiglas nang dilaan niya ang leeg ko habang walang tigil sa pagpisil ng dede ko. Nanlaki ang mata ko nang bumaba ang kamay niya at itinaas ang damit ko.
Napapikit ako nang mariin dahil alam kong hahawakan niya na nang tuluyan sa loob ang dibdib ko.
Lord, please... tulong...
“Sir Winston! Ayos lang po ba si Halliyah?”
Pareho kaming napatigil nang narinig namin si Jessa mula sa labas at kumakatok sa pinto.
“s**t,” mura ni sir at binitiwan ako.
Mabilis kong ibinaba ang damit ko at umiiyak na tumingin sa kaniya. Ngumisi siya habang nakikipagtitigan sa akin.
Hinawakan niya ako sa batok para hilahin ako palapit. Napahawak ako sa wrist niya nang takpan niya na naman ang bibig ko.
“Huwag kang magsusumbong kung ayaw mong mawalan ng trabaho at pamilya,” pagbabanta niya na ikinatulo na naman ng luha ko.
Akala ko... akala ko totoong ipinagtatanggol niya ako kanina. Akala ko, totoong nagso-sorry siya sa nagawa niya kagabi.
Tama ang mga hinala ko...
“Ipapaalala ko lang din sa 'yo na may inutang kang sampung libo at tatlong buwan mo pang babayaran 'yon dito kaya hindi ka makakaalis.”
Naipikit ko na lamang ang mga mata ko. Totoong umutang ako, matagal na. Kinailangan ko ng pera niyon dahil na-hospital ang kapatid ko.
“Sige, lumabas ka na.”
Patulak niya akong binitiwan pero hindi ako natumba. Masama ko siyang tinitigan kahit puno ng luha ang mga mata ko.
Hayop siya... hayop siya!