"Is our dinner ready my tamarind?" Nang-iinis na tanong ng binata sa dalaga. Nakakamatay na tingin lamang ang itinugon niya para rito. Nagsiupoan naman agad sila para handa nang kumain. Natigil naman sa pagkain si Alexis nang nakatitig sa kaniya sina Kendrick at Kleinder. Mga manok talaga. "What's this? Bakit puro sampalok?" Naka kunot ang noong tanong ni Kendrick. "Alam naming mahilig ka sa sampalok my tamarind. Pero marunong ka naman sigurong maawa sa kapwa mo. My twin brother suffers loss of blood before kaya huwag mo naman sigurong ulitin iyon." Nakangiting sambit ni Kleinder. Ano na naman ba kasing problema sa luto niya? Ang sarap naman para sa kaniya. Pansin niyang hindi pa rin ginagalaw ang niluluto niya. Agarang tumayo siya at kinuha ang ulam. Nakatitig lamang ang dalawang bi

