Mag-aalas diyes na nang makauwi si Alexis. Prenteng binuksan niya ang main door ng mansion. Gayon na lamang ang gulat niya nang makitang ang talim ng mga titig ni Kleinder sa kaniya. "Oh, ba't gising ka pa?" nagtatakang tanong niya sa binata. Nanatiling nakatingin sa kaniya si Kleinder at naka kunot ang noo nito. "Ba't ngayon ka lang?" galit na turan nito. Nanatiling kalmado ang ekspresiyon ng dalaga kahit na ang totoo ay sobrang nanlalamig na siya sa kaba. Akmang tatalikod na siya nang magsalita na naman ito. "Huwag mo akong talikuran Alexis, tinatanong kita. Answer my goddamn question," singhal nito sa kaniya. "Pakialam mo?" sagot niya at kunot ang noo. Hindi niya alam kung bakit parang umaaktong ama itong si Kleinder sa kaniya. "Alam mo ba anong oras na?" tanong nito, lalo pang ku

