"Hoy! My tamarind," tawag ni Kleinder kay Alexis habang nagpa-praktis ng sayaw nila para sa foundation day ng La Sedilva University. Kanina pa talaga naiinis si Alexis sa binata. Paano ba naman kasi habang sumasayaw palagi siyang tinutukso. "Ano na naman?" galit na tugon niya sa binata. "Ano ba 'yang ginagawa mo? You are suppose to be dancing a modern dance hindi 'yung parang nagka-cariñosa ka," ani ng binata sa kaniya. Agad naman na pinagtawanan si Alexis ng mga classmates niya. Naiinis na inirapan niya si Kleinder at binato ng sumbrero niya. "Gago ka pala eh, eh 'di ikaw ang sumayaw dito letse," galit niyang saad. Kanina pa kasi ito nambibwesit sa kaniya. Hindi niya rin alam kung bakit ayaw siya nitong tantanan kaaasar. Nagpupuyos ng galit si Alexis habang patuloy pa rin sila sa

