"Alexis? Ano kaya ang dapat kong gawin?" tanong ni Merian sa kaniya. "Alam mo, Merian?" seryosong sambit niya sa kaibigan. "Hmm, bakit?" tanong nito sa kaniya. "Gutom na gutom na ako treat mo ako sige na," nakangiting sambit niya. Kaagad na napailing ang kaibigan niya. Nakakunot-noong tiningnan ni Merian ang kaibigan niya at binigyan ng isang-daan. "Sayo na 'yan Alexis, kailangan ko ng umalis baka mapagalitan ako ni, sister Maria." Paalam niya sa kaibigan. "Kung bakit kasi hindi ka na lang lumipat dito at maging architect. Eh 'di sana dito ka sa La Sedilva nag-aaral. Iisang university lang tayo," sambit niya. Ngumiti lamang si Merian at niyakap siya. "Balang araw Alexis malalaman mo rin kung bakit ganito ang pinili kong landas. Maiintindihan mo na sa huli, Diyos ang nasusunod," m

