Melira’s POV
When we finally got the chance to rest, my friends and I decided to go out here in Baguio. This is the challenge for people like us, who are famous here in the Philippines. When you want to rest, relax, and wander around, you still can’t fully enjoy it because you know that wherever you go or wherever you are, there will still be people who will recognize you. Kaya kapag nasa out of town kami, hindi talaga puwedeng hindi kami naka-disguise.
“How’s your sleep, Jada? Are you not tired from driving all the way up here to Baguio?” I asked her. Para kasing hindi pa siya okay. Lahat kami nakaayos at nakagayak na, siya na lang ‘yung hindi pa dahil gulo-gulo pa ang buhok. Tila hindi pa nagsusuklay.
“I’m good na, perfect na ang tulog ko. I’ll just brush my hair, and I’ll do it inside the car,” sagot niya sa akin habang nagmamadali na sa paglalagay ng liptint sa labi niya.
“Well, with just lip tint and brushing your hair, you’ll look beautiful right away,” Jelena teased her.
“I already know that. You don’t have to say it,” sagot ni Jada kaya nagtawanan kaming magkakaibigan. It seems Jada is doing well now because she’s starting to crack jokes too.
Nakasuot ako ng itim na cap at sunglasses, si Jada, Kaylani at Jelena naman ay may suot na wig at cap na rin. Kung titignan, hindi na talaga kami makikilala dahil sa mga suot namin.
“Melira, sure ka ba na ‘yang sunglasses at cap lang ang suot mo? Baka mamaya niyan aksidente mong matanggal ‘yan at pagkaguluhan tayo ng mga fans, naku, wala na, hindi na tayo makapag-e-enjoy niyan,” sabi ni Kaylani habang palabas na kami ng bahay ni Jada.
“I’ve done this many times, so I’m safe with what I’m wearing,” sagot ko naman sa kaniya.
Kapag ganitong may suot kaming pang-disguise, hindi kami pinapakita ni Jada sa vlog niya dahil ayaw din naming ibulgar ang ganitong sikreto namin sa mga fans namin.
We went to a famous eatery at Session Road for a delicious afternoon snack.
Nagsalu-salo kami at nagtawanan habang in-enjoy ang malamig na klima roon, lalong humahapon kasi ay lalong lumalamig ang simoy ng hangin. Afterward, we decided to roam around Burnham Park to enjoy the beauty of the plants and flowers there. We also played various activities such as boating and biking in the park.
Tinuloy namin ang aming lakad sa Botanical Garden, kung saan napakaraming magagandang tanawin at makukulay na mga halaman ang aming nakita. Napakapacifico ng lugar na iyon, at nagkaroon pa kami ng time para mag-usap-usap tungkol sa mga naging ganap ng buhay namin nitong mga nagdaang buwan.
Matapos ng masarap na kinain namin na takoyaki at siomai sa Botanical garden, bumisita naman kami sa Mines View Park. Even though it was slightly rainy, it didn’t stop us from appreciating the beauty of the overlooking view of the mine sites and mountains. We had our pictures taken in traditional Ifugao costumes, which gave us a joyful and memorable experience.
Bago mag-agaw ang liwanag at dilim, sinubukan naman namin ang mag-zipline sa Camp John Hay Adventure Park. Medyo kinabahan kami sa simula, pero nang lumipad na kami, nag-enjoy kaming lahat sa nakakalula na pakiramdam na iyon habang tinitingnan ang ganda ng kalikasan mula sa itaas.
Pagkatapos ng adventurous na hapon, napagdesisyunan na naming umuwi sa bahay dahil pare-pareho na kaming napagod sa dami nang pinuntahan namin.
“Bring out the alcohol, Jada. It’s time to get drunk!” sigaw ko na sinundan din nila nang malalakas na sigaw. Ang mga hiyaw namin ay namuo sa napakalaking sala ng bahay na ito ni Jada. Nag-iihit tuloy ako sa kakatawa dahil sobrang dalang na mangyari ito. Yung sisigaw ka na parang nababaliw. Nailalabas na namin ngayon ang pagiging luke naming apat.
“Hoy, mga gaga ba kayo? Maghahapunan pa tayo ‘no!” sagot naman ni Jada.
“Are you not full yet from what we ate earlier? As for me, I’m still really full,” sabi naman ni Jelena na may tsaang iniinom. Ako, si Kaylani at Jada, sinusulit talaga namin ang ganitong eksena, kapag walang work, kinakain talaga namin ang mga pagkain na gusto naming kainin.
“Sige, guys, ano ang gusto ninyong order-in?” tanong ni Kaylani sa amin habang nakaupo sa harap ng laptop at nagba-browse ng mga delivery options.
“Siguraduhin nating masarap at puno ng special dishes,” sabi ni Jada na palaging maselan sa pagkain.
Tumango-tango kami at agad naming kinompleto ang aming orders – seafood paella, wagyu steak, truffle pasta, sushi platter, at marami pang iba. Binusisi namin ang mga menu at pinili ang mga pinakamasarap na pagkain.
“Wow, ang bongga ng order natin! Pati dessert, may premium ice cream, cheesecake, at chocolate fondue,” sabi ko.
“Basta dapat masarap at worth it ang pagkain. Hindi tayo magsisisi sa pag-splurge natin,” sabi ni Kaylani na palaging gustong ma-experience ang mga premium na pagkain.
Siyempre, habang umo-order na si Kaylani ng food gamit ang telepono ng bahay ni Jada, sinabi niya sa kausap niya na lahat ng order namin ay huwag haluan o lagyan ng bawang dahil sa akin. Bawal sa akin ang bawang at baka atakihin na naman ako rito ng allergy ko.
Nang dumating na ang aming order, napuno ng masarap at mabangong pagkain ang buong bahay. Nag-set up kami sa dining table at nagsimula nang kumain. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing titikiman ko ang mga masarap na pagkain na binili namin.
“Sulit naman pala, masarap ang lahat ng pagkain,” sabi ni Jada na puno ng kaligayahan ang bibig sa bawat kagat niya sa pagkain.
“True! Every peso we spent here is worth it,” dagdag ni Jelena na hindi rin mapigilang kumain kahit nag-tsaa na siya.
Masayang-masaya kami habang nag-e-enjoy sa aming kakaibang dining experience sa loob ng bahay ni Jada. Hindi lang masarap ang pagkain, kundi mas nakakapag-bonding din kami sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga pagkain na ito na gawa rito sa Baguio.
As we laughed and chatted that evening, I realized that the moments spent with true friends are indeed the happiest, especially when accompanied by delicious and extravagant food. Love and friendship bring joy to our hearts, especially in such a beautiful place like Baguio.
**
Kinabukasan, bumangon ako nang may pagod na katawan at masakit na ulo dahil sa aming pag-iinuman kagabi ng alak. Hindi ko alam kung sira na ba o matagal na ang alak na ‘yun at ganitong ang bilis pa rin ng ikot nang paningin ko kahit umaga na. Ramdam ko ang epekto ng hang-over at alam kong kailangan kong bumili ng gamot para mabawasan ang aking discomfort.
Nakakainis, bakit ba nakalimutan kong magdala ng gamot? Sinasabi ko na nga ba’t may makakalimutan pa rin talaga ako. At ang mahalaga pang bagay na kailangan ko ngayon ang nakalimutan.
It’s quiet at home, and I know I’m not the only one struggling with what I’m feeling right now. One by one, I visited my friends in their respective rooms, asking them for medicine, but even they didn’t have anything for the hangover.
Lalo akong nanlata, masama ito, hindi ako puwedeng manlata ng ganito buong hapon. Tiyak na iinit lang ang ulo buong magdamag.
Naisip kong bumili na ng gamot sa labas. Inalis ko ang aking pambahay na damit at nagbihis ng mas maayos. Dahil sa tindi ng hang-over, nakalimutan ko ang aking mga kagamitan para mag-disguise at maprotektahan ang aking pagkakakilanlan.
Wala akong sapatos, kundi tsinelas lang at simpleng t-shirt at shorts.
“Bahala na, basta kailangan ko ng gamot,” sabi ko sa sarili habang nilalabanan ang panghihina ng tuhod habang nagda-drive ng sasakyan ni Jada.
Tumingin ako sa orasan. Halos alas otso palang ng umaga. Mabuti at wala pang masyadong sasakyan sa labas. Makulimlim din ang panahon. Ang lamig tuloy lalo.
Nang makahanap ako ng bukas na botika, doon na ako huminto. Nag-park agad ako ng sasakyan at saka bumaba para pumasok doon. Ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sa paligid, pero hindi ko na pinansin. Naka-focus ako sa pagpasok sa loob ng botika.
Nakita kong nagulat ang babaeng pharmacist nang makita ako. Agad siyang ngumiti para batiin ako, pero dahil wala ako sa mood, hindi ko tuloy nakuhang ngumiti. Parang lasing pa rin talaga ako. Payuko-yuko na lang ako para hindi niya mapansin na may iniinda akong sakit. Sinabi ko na rin sa kaniya na kailangan ko ng gamot sa hang-over, agad naman siyang kumilos para ibigay sa akin ‘yun. Agad kong binayaran at lumabas na ng tindahan. Ngunit noong lumabas na ako, nagulat ako sa nakita ko. May mga fans na naghihintay sa labas at bigla nila akong nakilala.
“Melira! Oh my gosh, Melira!” sigaw ng isang fan habang lumapit sa akin.
“Can we take a selfie with you?” sabi ng iba pang mga fans na sumunod.
Nagkagulo ang mga fans at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sitwasyon. Nakalimutan ko kasi na wala akong suot na mask at sunglasses para mag-disguise.
“Uh, I’m sorry. I can’t take a picture with you right now. I still have an appointment and I’m in a hurry,” pilit kong paliwanag sa kanila habang hinaharangan ang aking mukha. Hindi pa kasi ako naghihilamos ng mukha. Isa pa, amoy alak pa ata ako, hindi ko na kasi nakuha pang maghilamos o magmumog ng tubig kanina sa bahay nila Jada bago umalis dahil sa hang-over ko.
Ngunit hindi sila basta-basta natitinag. “Please, Melira! Just one photo! Please!”
“Ano ba! Hindi ba kayo marunong umintindi! Hindi nga puwede eh, may lakad pa ako at baka mahuli ako sa lakad kong ‘yun!” Hindi ko na napigilang ilabas ang pagkamatalas ko dahil sa nararamdaman kong sakit sa ulo. Lahat tuloy sila ay natahimik at nagulat dahil sa sigaw ko.
“Ay, attitude nga pala siya.”
“Oo nga, parang picture lang eh.”
“Bigla akong nadismaya sa kaniya. Ang arte naman pala sa personal niyan.”
Sari-saring bulungan ang narinig ko. Sa ginawa ko, parang napahiya pa tuloy ako.
Hanggang sa isang sigaw ng babae ang gumulantang sa akin na lalong nagpasakit ng ulo ko.
“Oh, gosh! Tignan ninyo, papa ‘di ba ito ni Melira?” dinig kong sabi ng isang babae na nakaharap sa cellphone niya.
Napakunot ang noo ko. Ano na naman ‘yun?
“Melira, papa mo ‘di ba si Melecio? Tignan mo oh, nahuli siyang naglalaro ng sarili niyang ari sa isang banyo sa isang gasoline station,” sabi pa nung babae at saka pinakita sa akin ang cellphone niya.
Nanlalaki ang mga mata ko nang makita kong si papa nga ‘yun. Malinaw na malinaw din sa camera na kitang-kita roon ang nakakahiyang ari nito na nilalaro niya. Sa tingin ko ay mukhang inatake siya ng allergy.
Sa hiya ko, hindi ko na nakuhang sumakay sa sasakyan ni Jada. Bigla na lang ako nagtatakbo para malayasan sila. Hiyang-hiya ako, napahiya na nga ako sa kanila, lalo pa akong napahiya dahil sa video na ‘yun ni Papa.
Nakakabuwisit dahil sinundan pa rin nila ako. I did everything to speed up my pace so they would disappear from behind me. I ran in different directions just to escape from them. May nakita akong sampayan, alam kong mali itong gagawin ko pero ito na lang ang tanging paraan na magagawa ko para hindi na ako makilala ng mga tao. Kinuha ko ang isang cap na nakasabit doon at saka sinuot sa ulo ko. Pagkatapos, mas binilisan ko pa ang takbo ko para lalo na akong makalayo sa mga makukulit at hindi makaintindi ng mga fans ko.
Jusko, sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan ito. Ang tumakbong mag-isa habang tinatakasan ang mga fans ko. Kahapon, ang saya-saya lang, ngayong bigla naman ganito. Pakiramdam ko tuloy ay bigla na lang ako bubuwal sa kalsada. Pero dahil ayaw kong mangyari ‘yun, nilakasan ko ang loob ko at tumakbo pa rin nang tumakbo.
May biglang humatak sa akin na lalaki. “Tutulungan kita,” sabi niya kaya nagpaubaya na lang ako sa kaniya.