Lucien’s POV
Tinawagan ako ng tiyahin ko na nakatira sa Baguio. Kapatid siya ng mama ko at siya na lang ‘yung nag-iisang kamag-anak ko na nabubuhay ngayon. Wala siyang anak at wala ring asawa. Matandang dalaga ito. Sinabi niya sa akin sa telepono na need niya ako ngayon doon sa Baguio. Bantayan ko raw ng saglit ang apartment niya dahil may kailangan siyang asikasuhin sa Manila. Mga papel daw ng lupain niya ang aasikasuhin niya. She promised me that she would give me a piece of land once she fixes it, so I immediately agreed.
Iniwan ko kay Rocco ang susi ng bahay. Pinagsabihan ko siyang mabuti na umayos at huwag gumawa nang hindi maganda, lalo na kapag nasa bahay ko siya.
Madaling-araw nang dumating ako sa Baguio. Pagdating ko, umalis agad ang tiyahin ko. Nagulat pa nga ako dahil hindi lang pala isang araw ako maglalagi rito kundi aabutin pa ng tatlong araw o limang araw. Hindi niya agad sinabi sa akin na ganoon pala katagal. Ang sabi ko pa naman sa boss ko ay isang araw lang akong mawawala sa trabaho. Mabuti na lang at nang tawagan ko siyang muli ay pumayag pa rin siyang mawala ako kahit ilang araw. Deserve ko naman daw na magbakasyon at ilang araw nang maganda ang performance ko sa kusina. Ang bait-bait talaga ng boss ko.
Pumasok na ako sa loob ng bahay ni Tita Rosie. Isa itong two-story house. Sinabi ni Tita Rosie na ang magiging silid ko ay ‘yung may pulang pinto, kaya roon ako pumasok.
Pagdating sa loob, natuwa ako dahil ang laki ng silid na ‘yun. Mayroon itong malaki at malambot na kama. May malaking TV rin at may mga kagamitan na tila mga gamit ng isang binatang lalaki. May bola, gitara, piano at kung ano-ano pa. Hindi ko alam kung bakit may mga ganitong gamit si Tita Rosie kahit wala naman siyang anak na kahit isa.
Paglapag ko ng mga gamit sa silid ko, naisipan ko nang silipin ang apartment ni Tita Rosie. Dito lang ‘yung sa katabi ng bahay niya.
Habang binubuksan ko ang malapit nang madurog na pinto ng lumang apartment ng aking tiyahin ay unang tumambad sa akin ang maliit na sala, kung saan ang mga lumang kurtina at upuan ay nagbigay ng sentimentality sa lugar. Mayroong isang maliit na lamesa sa gitna at ilang mga bangko na halos hindi na magamit, ngunit sa kabila nito, mukhang puno ito ng pagmamahal at kahalagahan sa aking tiyahin. Isa pang pintuan ay nagdala sa akin sa madilim na kusina na puno ng mga lumang aparador at mesa. Pag-akyat ko sa hagdan, napadpad ako sa isang marangyang sala na puno ng mga malalaking palamuti, mga lumang larawan, atmga lumang libro na makikita sa mga polvera. Dalawang pintuan naman ang nasa dulo ng pasilyo. Ang una ay nagbukas sa maliit ngunit maayos na banyo na puno ng mga lumang gamit na tila may mga alaala ng iba’t ibang mga pangyayari na naganap sa loob ng mga dekada. Ang isa naman ay patungo sa isang maliit na silid na dating kwarto ng aking tiyahin.
Dumako naman ako sa huling pintuan. Isang malaking kuwarto ang bumungad sa aking harapan. Nagmistulang libraryo ito, kung saan makikitang puno ito ng mga lumang aklat, mga koleksyon ng mga lumang pahayagan, at iba’t ibang mga dekorasyon na nagpapaalaala ng nakaraan.
Sabi ni Tita Rosie, tatlo sa apartment niya ay mayroong nakatira ngayon. Habang ang tatlo naman ay bakante. Yung pinasok ko kanina, puro ganoon ang loob ng bawat apartment. Mukhang ‘yun ang hindi na nagagamit dahil halos naroon ang mga lumang kagamitan ni Tita Rosie.
Ang laki ng apartment na ito, parang hindi na nga apartment eh, parang isang buong bahay na siya. Kahit mga luma na ito marami pa rin ang nangungupahan dito. May bakanteng tatlo dahil kaaalis lang ng mga nangupahan kahapon. Mga turista lang sila na nagbakasyon dito ng isang linggo.
Nakaramdam na ako ng gutom kaya bumalik na ako sa bahay ng tiyahin ko. Pumunta ako sa kusina. Malaki ‘yun at punong-puno ng mga bagong kagamitan. Pati ata mga machine sa paggawa ng tinapay, kape, pizza, cake at kung ano-ano pa ay kumpleto rito.
Binuksan ko ang fridge. May nakita akong presa jam doon kaya nilabas ko ito. Matagal-tagal na akong hindi nakakakain ng strawberry jam. Mabuti na lang at may mainit pang pandesal sa lamesa. Nagtimpla na rin ako ng hot choco para mas masarap kainin ang tinapay.
Habang nag-aalmusal. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko para tumingin ng mga bagong ganap sa mundo ng showbiz. Oo, puro mga tungkol lang sa showbiz ang pina-follow kong page para updated ako sa lahat. Kung may mga kaibigan ako sa social media, kakaunti lang.
Habang nag-scroll ako sa Star book, nakita ko roon na trending ang isang live streaming ng isang babae. May nakalagay pa siyang location sa live niya na para bang nanghihikayat talaga na putaktihin si Melira ngayon dito sa Baguio. Nakakagulat lang dahil narito rin pala siya sa Baguio. Wala itong ayos at mukhang nakapambahay lang. May hawak din siyang supot na parang gamot ang laman dahil ang background niya ay isang maliit na botika. Pinagkakaguluhan siya ng mga fans ngayon. Narinig ko sa live ng babae na may nagtatanong sa kaniya tungkol sa ama niyang si Melecio na trending din ngayon dahil sa kumalat nitong video sa isang gasoline station habang nagsasarili sa loob ng banyo.
Sa itsura pa lang ni Melira, mukhang wala pa siyang maisip na tamang gawin para makatakas sa mga tao roon. Hanggang sa makita kong bigla na lang siyang tumakbo.
Agad kong inalam kung saan ang location na ‘yun. Nang malaman kong malapit lang ito rito sa bahay ng tiyahin ko ay dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay.
Hindi ko alam kung makikita ko pa siya pero magbabakasali pa rin ako. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa may nakita akong babae na nagmamadaling tumakbo habang may suot na cap. Itsura pa lang ng takbo niya ay halatang may tinatakasan siya. Natandaan ko ang suot niya kanina sa live streaming nung babae. Nang makita kong siya na nga ito, agad ko siyang nilapitan at hinila. Sinabi ko sa kaniya na tutulungan ko siya kaya nagpaubaya na lang siya sa akin. Hindi ako makapaniwala na hawak ko ngayon si Melira. Ang sikat na babaeng artista na dati ko pa tinitingala. Hawak-hawak ko na ngayon ang babaeng makailang beses ko nang pinagpantasyahan. Kanina lang ay surang-sura ako sa tiyahin ko dahil pinapunta niya ako rito sa boring niyang apartment, pero ngayon, natuwa pa tuloy ako dahil sa pangyayaring ito.
Tahimik at maayos kaming nakarating sa apartment ng tiyahin ko. Kapwa kami naghahabol ng hininga, lalo na siya na pagdating namin doon.
“Baka makita nila ako,” sabi pa niya kaya tumakbo na siya papasok sa isang bakanteng apartment dito. Pagpasok doon, agad niyang sinara ang pinto.
Sakto, pagsara niya ng pinto, bigla nang dumating ang mga fans niya na hinahabol pa rin siya. Tuloy lang sila sa pagtakbo hanggang sa makalagpas na sa apartment na kinaroroonan namin ni Melira. Hindi nila alam na nakapagtago na si Melira. Mamumuti ngayon ang buliga nila sa kakahanap sa kaniya.
“Wala na sila,” sabi ko habang kumakatok sa pintuan ng apartment na kinaroroonan niya ngayon.
Dahan-dahan itong bumukas. Paglabas niya roon, wala na siyang suot na balanggot. Kuminang ang mga mata ko nang sa wakas ay malinaw ko nang nakikita ang itsura ng mukha niya. Sobrang ganda niya. Ang puti, ang kinis ng mukha at mas maganda pa pala siya kapag walang suot na makeup.
“Please, help me a little more. No one should know that I am here right now. I need to hide from my fans,” sabi niya sa akin.
Tumango-tango ako. “Yes, I’ll take care of you. Perfect timing, you are here at my aunt’s apartment. If you want, you can stay here for as long as you like,” sagot ko sa kaniya ng english din. Aba, si Melira na itong kaharap ko kaya dapat magpakitang gilas na rin ako.
“That’s good then. Yes, I’ll stay at your aunt’s apartment while the chaos subsides. I’m sure my fans will continue to search for me here in Baguio, especially now that they know I’m here,” she said. Amoy alak pa siya. Sa tingin ko ay gamot sa hang-over ang binili niya kanina sa botika. At sa tingin ko rin ay masama ang pakiramdam niya kaya ganitong parang maputla siya.
“However, Miss Melira, my aunt’s apartment is not in good condition. Are you okay with staying in this old apartment?” I asked her as we entered the chosen unit.
“I don’t care anymore, what matters now is my safety. Besides, I’m not feeling well. I had some alcohol last night, so I want to lie down and rest,” she said and then proceeded to the bedroom.
Hinayaan ko na lang muna siyang mamahinga. Pero bago siya tuluyang matulog, humingi muna siya ng tubig sa akin. Ininom na niya ang gamot at saka muling nahiga sa kama niya.
Dahan-dahan kong sinara ang pinto ng silid niya, pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas doon. Pagbalik ko sa loob ng bahay ng tiyahin ko, napatulala na lang ako at napatitig sa kawalan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapasigaw at magtatalon sa sobrang saya ng nararamdaman ko. Grabe, hindi ako makapaniwalang narito ngayon sa apartment ni Tita Rosie ang babaeng iniidolo ko, ang babaeng crush na crush ko, ang babaeng dahilan kung bakit gusto kong pasukin ang buhay showbiz. Kanina, habang hawak-hawak ko siya at hila-hila, pakiramdam ko ay nasa eksena kami ng isang drama sa TV. Para akong isang bidang lalaki na inililigtas ang ka-partner kong babae. Ang saya-saya ko, na ako mismo ang tumulong sa kaniya. Tiyak na kapag nagising siya mamaya, magpapasalamat siya sa akin dahil niligtas ko siya sa mga makukulit niyang fans.
Pagkakataon ko na rin siguro ito para ibalik sa kaniya ang ballpen niya. Tama, ibibigay ko na sa kaniya ito mamaya. Mabuti na lang at nadala ko ‘yun.