Kabanata 9

1504 Words
"Condolence," my friends said with empathy to Zon, but Zon just gave them a nod. Nakatayo kaming dalawa sa harap ng kabaong ng nanay niya. Kauuwi lang ng labi nito kaninang madaling araw kasama ang tatay niya, pero kahit na nasa harap na ni Zon ang mommy niya, hindi ko pa siya nakikitang umiiyak. It was as if he still didn't want to believe that his mom was gone, at iyon ang mas pinag-aalala ko. I sighed before I jerked my head to my friends. Naintindihan naman nila ang gusto kong sabihin, kaya matapos magpaabot ng pakikiramay sa daddy ni Zon, nagpunta na sila sa labas at nakiupo sa table ng mga kaibigan ni Zon. Hinagod ko ang likod niya. "Kain ka muna, Babe. Anong oras na, oh wala pang laman ang tiyan mo." He nodded his head. Nagpaalam naman ako sa daddy niya na sasamahan muna siyang kumain sa kusina. Nang makaupo siya sa silya, ako na ang nagsandok ng pagkain niya. I sat next to him and urged him to eat even a little, pero tatlong subo pa lang ay itinulak na niya ang pagkain saka siya tumingin sa akin. "Would you like to go to the mall? Gusto kong mag-roller blades," he said, but his eyes looked so gloomy as if deep down inside, he knew that his mom was really dead. Nilalabanan niya lang ang sakit kaya hindi niya magawang umiyak. Sandali akong humugot ng hininga. "Is that what you wanna do right now?" I asked, trying not to push the idea too much. Baka makasama lang sa kanya. Alam ko namang iba't iba ang coping mechanism ng tao pagdating sa grief. While I managed to cry it all out when my parents died, ate Adri was like Zon. She didn't cry, but the pain hit her a month after they were gone. "Yeah," he replied, wala pa ring gana. Hinaplos ko siya sa ulo. I know how important physical touch is to him, so I'm trying to show him I'm here for him by doing his love language. "Alright. Gusto mo bang isama natin sina Jolo? We can all go." Muli siyang tumango bago niya binuhat ang plato niya upang dalhin sa lababo. Nang matapos ay pinagsalikop niya ang mga kamay namin saka niya na ako niyayang lumabas. Sinenyasan ko ang friends namin na sumakay na lang sa gustong gawin ni Zon, kaya naman nang makuha ng mga ito ang gusto kong iparating, kanya-kanya kaming sakay sa sasakyan. Nag-overtake si Jolo, tila naniniguradong hindi mag-o-overspeeding si Zon. Panay naman ang kausap ko sa kanya habang nasa daan sa takot kong lumipad ang isip niya at mawalan siya ng focus sa pagmamaneho. "Puno sa rollerblades ngayon, bro. Bowling na lang tayo," alok ni Darius. We all waited for Zon's reply. Wala na naman siya sa sarili na parang malalim ang iniisip kaya tinapik ko na nang mahina sa braso. As if my simple tap pulled him out from his own thoughts, he looked at me in a confused way. "Sorry, what?" he asked. Hindi ko ipinahalata ang awa ko't nginitian na lang siya. "Puno raw sa rollerblades sabi ng staff na nakausap nina Darius. Bowling na lang tayo gusto mo?" Tumango siya at sumama na sa amin, pero nang makarating naman kami sa bowling area ay naupo lang siya sa silya't nag-scroll sa social media accounts niya. Hindi na rin ako sumali pa. Nagpanggap na lang din ang friends namin na okay ang lahat. That it's a normal group date so Zon wouldn't feel guilty for killing the vibe. Sabi nga ni Jolo, ang pinaka-bestfriend niya, ayaw na ayaw ni Zon na nararamdamang pabigat siya sa kahit sino. We continued going out for the rest of the wake. Noong inilibing ang mommy ni Zon, akala ko ay magagawa niya nang umiyak. I was really hoping that he'd finally accept his mom's sudden death due to brain aneurysm, pero nakauwi na kami't lahat sa condo niya ay hindi pa rin siya umiyak. Nag-alala na ako pagdating ng pangatlong araw magmula nang mailibing ang mommy niya. Jolo messaged me, asking me if Zon chatted me this morning. Sinabi kong hindi. Iyon pala ay hindi siya pumapasok magmula noong nawala ang mommy niya. Hindi pa roon natapos. Dahil naging busy rin ako sa pag-aaral ko, hindi ko siya palaging nagagawang i-meet. Nalaman ko na lang na bumabagsak na siya sa mga klase niya. "Bakit ngayon niyo lang sinabi? Kailan pa siya na-drop?" namomroblema kong tanong. Two months na mula nang mailibing ang mommy ni Zon, pero mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya natatanggap ang nangyari. Jolo sighed. "Hindi kasi namin kaklase si Zon. He's a year younger than us. Nakilala lang namin siya dahil sa tropang lumipat na ng university. May nakapagsabi lang na hindi na nga raw pumapasok at nag-drop na. Hindi rin namin ma-contact lately. Sinubukan na rin naming puntahan sa condo niya kaso hindi kami ini-entertain." Napapikit ako sandali at humugot ng hininga. "Sige, pupuntahan ko. Binigyan niya ako ng duplicate ng susi niya. Babalitaan ko na lang kayo." Jolo patted my shoulder. "Thank you, Audrey. Asahan na lang namin update mo. Tawag ka kaagad kung may problema." I nodded. Nang makasakay ako ng taxi ay sinubukan ko pang tawagan si Zon kaya lang ay unattended na naman ang number niya. Ayaw kong maging makulit dahil baka mairita ko siya, pero hindi na maganda ito. Apektado na ang pag-aaral niya dahil sa nangyari. I was greeted by a huge mess when I opened his condo. Ang daming nagkalat na beer cans kung saan-saan. Pagdating naman sa sala ay puro bote rin ng alak. Amoy sigarilyo rin ang lugar, eh ang alam ko hindi naman siya nagyoyosi. I tried to gently kick some bottles just so I could sit next to him. Nakaupo siya sa carpet at nakasandal sa sofa. Ang mga mata ay nakatulala sa TV habang nagpi-play ang isang replay ng NBA game. I don't think he's really watching. Ni hindi ko nga alam kung namamalayan pa ba niya ang pagtabi ko. "Zon..." I called. Hinaplos ko siya sa likod ng ulo pababa ng batok, at nang tumingin siya sa akin, tila napindot ko ang switch ng kanyang emosyon. My boyfriend cried his heart out for the first time after he lost his mom. Yumakap siya nang napakahigpit na para bang sa akin na lang siya kumukuha ng lakas sa mga sandaling yakap ko siya. His shoulders quaked really hard as he cried, at binabasag ng pagtangis niya ang aking puso. I sniffed. "It's gonna be okay. Nandito lang ako, Zon. You don't have to grieve alone. Marami kaming nagmamahal sayo." Humikbi siya habang nakasubsob sa balikat ko. "My Dad is getting married three months from now, Audrey. Hindi man lang muna ko hinayaang magluksa para sa mommy ko. Gusto ko silang pataying pareho..." Parang sinaksak ang dibdib ko sa narinig. "A--Ano?" He sniffed as he pulled away. "Dad said he doesn't care if I will approve their marriage or not, pero kung hindi ko raw tatanggapin ang bago niyang mapapangasawa, he will no longer support me. Bahala na ko sa buhay ko. Imagine how he used to be my role model, and now he's the most disgusting man on Earth in my eyes..." "Diyos ko. Ano bang nangyari sa daddy mo? Hindi kaya coping mechanism niya lang 'to? Maybe your mom's death is causing him to think this way." Basag niya akong nginitian habang pumapatak ang mga luha sa magkabila niyang pisngi. "Siya lang ba ang nawalan, Audrey? Paano naman ako? I'm all alone, tapos ganito pa ang gagawin niya." Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya, kaya bago pa ako maiyak nang tuluyan, ikinulong ko na ang magkabila niyang pisngi sa mga palad ko. "I won't leave you. Dito lang ako, Zon. You're not alone. Hindi 'yan totoo. Maraming nagmamahal sayo." Bumuhos ang luha sa magkabila niyang pisngi habang nakatitig siya sa akin. Hindi niya ako kinibo ng ilang sandali na para bang nagtatalo ang puso at isip niya, pero sa huli ay hinawakan niya ang kamay kong nakalapat sa pisngi niya saka siya basag ang tinig na nakiusap. "Pwede bang... dito ka na lang? Can you be my family now?" His voice broke. "Please?" I wasn't able to answer immediately. Nabigla ako sa pakiusap niya, dahil kahit hindi ko na tanungin kung ano ang mismong gusto niyang mangyari, naintindihan ko. He wants us to start living together. He wants me to stay by his side. Iniisip ko ang magiging reaksyon ni ate, pero mas natatakot ako na kung tatanggihan ko siya ay baka kung ano ang mangyari sa kanya. People like Zon could harm themselves when things become too much to handle, and I don't want to give him the chance to do that. Humugot ako ng hininga't niyakap siya. I straddled him while he burried his face on my chest, and after I pecked a kiss on top of his head, I finally made my decision. "Dito lang ako. Hinding-hindi kita iiwan, Zon..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD