Kabanata 10

1546 Words
"Babe? You're leaving?" halatang natatakot na tanong sa akin ni Zon nang makitang nagsusuklay ako ng buhok. He's been really anxious these passed few weeks, kaya binibigyan ko siya ng pampatulog sa gabi para makauwi ako sa bahay. Bumabalik lang ako bago siya magising para hindi niya malamang umaalis ako ng gabi. Kapag papasok ako ay ganoon din. I have to make sure he'd sleep in the entire time that I was gone so he wouldn't have the chance to do anything to himself. I haven't told my siblings about us, so I had to resort to this set up, kaya lang ay mukhang hindi na siya gaanong tinatablan ng ibinibigay kong pills. I drew in a sharp breath. "Babalik din ako. Aalis lang ako sandali." His eyes glistened with fear. "Am I tiring you too much? Am I too much of a burden already?" Ako ang nasasaktan tuwing naiisip niya iyon. Yes, we haven't been together for a long time, but the more I get to know him, the more I realized that his childhood wasn't as good as I thought. He's kind of clingy and loves physical touch, probably because his parents were strict. Their love language were different, so now he's craving for what they failed to provide. Ibinaba ko ang suklay at nilapitan siya sa kama. "Hindi gano'n, Zon. Uuwi lang ako para kumuha ng bagong damit saka may klase ako ngayon kaya dadaan ako sa bahay. Inuunti-unti ko kasi ang gamit ko para hindi naman makahalata si ate Adri." Gumuhit ang lungkot sa mga mata niya. "I'm sorry for putting you in this position." There he goes again, lowkey blaming himself. Sabi nina Margaux ay normal iyon sa mga taong may pinagdaraanan sa buhay, kaya kahit paulit-ulit, pinapaalala ko sa kanya palagi na pareho naming pinili ang sitwasyong ito. It was my choice to agree to his request, and right now, I know how much he needs someone he can lean on. Hinawakan ko ang kamay niya saka ako matipid na ngumiti. "Huwag kang mag-sorry. Gusto kitang kasama rito. Talagang kailangan ko lang pumasok." "I'll take you to school. Hintayin mo na ko," aniya. Gusto ko sana siyang pigilan kaya lang ay umalis na siya sa kama at dumiretso ng banyo para maligo. I sighed when I started hearing the shower. Inilabas ko ang phone ko at sinabi sa group chat namin ng friends niya na nagpipilit siyang ihatid ako. Darius: Na-convince mo na ba siyang pumunta sa therapist? I immediately typed a reply. Ako: Bumibwelo pa ako. He's still avoiding talks about what happened and his current state. Nag-usap-usap na kami ng mga kaibigan niya. They are willing to pay for Zon's therapy sessions, kaya lang tuwing sinusubukan ko naman i-brought up, iniiba niya kaagad ang usapan at nagpapanggap na maayos ang lahat. Na walang problema. He's suppressing everything, and that's what I'm worried about the most, kaya kahit na alam kong nakakahalata na si ate Adri, hindi ko siya maiwan. Jolo chatted in the GC. Jolo: Na-explain mo na ba sa sister mo? I sighed as I typed my reply. Ako: Ngayon ko balak sabihin. They all said good luck. Nang matapos maligo si Zon at nakapagbihis, siya pa ang bumuhat sa bag ko saka niya ipinagsalikop ang mga palad namin. We took the lift to the parking area while talking about my upcoming exam. Nang makasakay ng kotse ay nagpatuloy ang kwentuhan namin, pero lahat ay tungkol sa akin. Tuwing iri-redirect ko ang usapan sa kanya, kaagad na siyang umiiwas. "Hintayin kita dito. Wala rin akong gagawin sa condo," aniya nang maiparada ang kotse sa parking space ng university. "Hindi pwede, Zon. Mainit ngayon at sayang lang ang baterya ng kotse." "I'll be fine, Audrey. I really wanna stay--" "Zon, hindi rin ako mapapakali sa klase kung alam kong nandito ang boyfriend ko at naghihintay habang tirik ang araw." I placed my hand on his cheek. "Please? Kahit para na lang sa akin?" That's always been the magic word. Para bang kung para sa akin ay ready siyang makinig. He heaved a breath then nodded. Nang mapansin ko ang lungko niya ay marahan kong piniga ang kanyang braso saka ako nagsalita ulit. "Bakit hindi mo na lang ako ipagluto ng dinner, hmm? Sabi mo kagabi ipagluluto mo ako, 'di ba?" "Fine." Hinawakan niya ako sa batok at hinalikan bago siya pilit na ngumiti. "Uwi ka kaagad pagkagaling mo sa inyo. If you want me to pick you up, i-chat mo ko kaagad." I nodded before I pecked a gentle kiss on his cheek. "Mag-ingat ka sa pagda-drive. I-chat mo ko kung nasa condo ka na, ha? I love you." Inangat niya ang magkahawak naming kamay para mahalikan ang likod ng aking palad. "I love you more." Lumabas na ako ng kotse niya. Nang makaalis ang sasakyan ay saka lang ako nagtungo ng ABM building. Late pa ako ng ten minutes kaya umikot na naman ang mga mata ng propesor namin. Hindi ko na lang pinansin at pumwesto na ako sa tabi ni Rizza. "Sasabihin mo na ba sa ate mo?" bulong ni Rizza sa akin. I jerked my head in response while I kept my eyes on the board. "Mamaya." "Good luck, ha?" bulong niya ulit. "Thank you--" "Ano ba naman 'yan, Miss Buenaventura! Late ka na nga lagi sa klase ko, malakas pa ang loob mong makipagdaldalan kay Miss Alvarez!" Napatikom ako ng bibig at yumuko sa hiya. Ganoon din naman si Rizza. Nang dumire-diretso na naman ang bunganga ni Mrs. Lim ay napapabuntong hininga na lang kaming dalawa. Hindi rin magandang buena mano ng klase si Mrs. Lim. Ang malas ng buong araw ko dahil sa pagbubunganga niya. I almost failed an important quiz, nakalimutan ko pa ang assignment ko sa isang major subject kaya bagsak ang mga balikat kong sumakay ng jeep pauwi sa inuupahan namin nina ate Adri. As if ate Adriana was waiting for me, I gulped when I saw her sitting on the couch with a serious expression on her face. "Tumawag ang university. Dalawang araw ka raw absent ngayong linggo? Nagbubulakbol ka ba, Audrey?" bungad niya sa akin. Inayos ko ang strap ng bag ko sa aking balikat habang kinakapa ang lakas ng loob para magpaliwanag. "Ate, hindi. Ano kasi..." I drew in a sharp breath. "May boyfriend ako, si Zon. Namatay ang nanay niya at matindi ang pinagdadaanan niya ngayon--" "Hindi natin obligasyon 'yon, Audrey. Nagpapakakuba ako sa trabaho para mapag-aral ko kayo ni Adler tapos malalaman ko lang na pinaiiral mo na naman pala 'yang katigasan ng ulo mo? 'Di ba sabi ko wala munang boyfriend? Oh, ngayon anong dinudulot sa pag-aaral mo n'yan?" I swallowed the lump in my throat. Dala ng stress at kakulangan na rin ng tulog sa mga nakalipas na linggo ay nawalan ako ng pasensya. "Ate Adri, namatayan din tayo. Dapat nakikisimpatya ka man lang hindi 'yong ganyan pa ang ibubungad mo. Parang hindi mo naman alam ang pakiramdam ng mamatayan ng magulang." Dumilim lalo ang ekspresyon ni ate. "Ako pa talaga, Audrey? Ako pa ang hindi nakakaalam ng pakiramdam ng mamatayan ng magulang?" Her eyes went bloodshot. "Ang bata-bata ko pa noong naipasa sa mga balikat ko ang responsibilidad nina Mama at Papa! Tingin mo may choice ako? Kasi kung ako ang papipiliin 'di ko naman gusto 'tong buhay ko! Dapat may asawa't anak na ko ngayon, eh pero iniintindi ko pa kayo!" "Kung problema pala kami ni Adler sayo, ate pasensya na. Sige, babawasan ko 'yang dala-dala mo sa mga balikat mo." Namuo na rin ang mga luha ko. "Aalis ako--" "Ano, sasayangin mo lahat ng sakripisyo ko? Kung alam ko lang na ganyan lang ang igaganti mo sa'kin--" "Sana pinamigay mo na lang kami, gano'n ba, ate?" Napatayo na siya't nasampal ako. Hindi ako nakailag o nakakibo pagtapos. My tears just streamed down my cheeks, at nang matauhan si ate sa nagawa niya, pumasok na ako sa kwarto ko para kunin ang ilan sa mga gamit ko. My chest felt so heavy as I tried to put everything in my small suitcase. Hindi na rin nagsalita pa si ate habang nag-eempake ako, pero nang palabas na ako ng apartment namin, muli siyang nagsalita. "Oras na lumabas ka ng pintong 'yan dala ang mga gamit mo, magkanya-kanya na tayo, Audrey. Bahala ka na sa buhay mo. Kung maaga kang mag-aasawa at sisirain mo ang buhay mo, wala na akong pakialam, pero tandaan mo na oras na magkaproblema ka, huwag na huwag kang tatakbo pabalik sa akin. Pagod na pagod na kong maging ate at magulang sa pamilyang 'to." Her voice cracked and she sobbed. "Pagod na pagod na akong isantabi ang sarili ko para sa inyong mga kapatid ko." My tears fell heavier and I sobbed when I heard her slammed the door of her room. Alam kong nasaktan ko ang ate ko, pero siguro nga may mga pagkakataong kahit na alam naman ng tao kung ano ang tamang gawin, mas pinipili na lamang panindigan ang desisyong una nang nagawa. Kaya kahit ang sakit-sakit ng dibdib ko, luhaan kong hinatak palabas ang maleta ko. Pinara ko ang unang taxi na dumaan, at nang makasakay na, hindi ko na napigilan ang mapahikbi. Sorry, ate Adri. Sorry, Adler, pero kailangan ako ni Zon ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD