Kabanata 20

1713 Words
"Love? Papasok ka na?" tanong ni Zon nang makitang pababa ako ng hagdan. He's already wearing his uniform, slaying in his eyeglasses while wearing an apron. Nagluto pala siya ng almusal kahit na halatang nagmamadali rin siyang makapasok. "Oo, love. Tumawag si Sir Mendel. We've got a surprise visit." I walked towards him after putting on my earrings. "Sorry. Importante kasi dahil malaking investor ang mga Robles." Humugot siya ng hininga saka pinasadahan ng tingin ang mesa. Nang makita ko ang platong may nakasulat pang 'good morning, baby' gamit ang ketchup, alanganin akong tumingin sa kanya. "I'm really sorry. Babawi ako mamaya. Uuwi na lang ako nang maaga tapos ako naman ang magluluto." Hinawakan ko siya sa pisngi at hinalikan sa labi. "I'll see you after work." Tumango na lamang siya kahit na alam kong gusto niya pa akong kumbinsihing kumain muna. I even heard him said 'I love you' before I went out, kaya lang ay nakalabas na ako't hindi na siya nasagot. Dahil nagmamadali, sumakay na lamang ako ng kotse at nag-chat sa kanya ng 'I love you, too', ngunit sa unang pagkakataon, hindi ako sinagot ng asawa ko. I sighed and just went to work. Pagdating ko ay iniabot sa akin ni Rizza ang binili niyang kape. She's working as HR manager in the company. Ako rin ang nagpasok sa kanya sa trabaho kaya kahit na hindi siya nakatapos ng kolehiyo ay nakuha niya ang pinakamababang HR position. Since she's really good at work, Rizza got promoted easily. "I heard Mr. Robles is planning to invest another two billion para makapag-expand sa Australia. Napag-usapan kanina ng mga boss na baka ikaw ang piliin na ipadala sa Sydney para maging head ng team," ani Rizza saka sumimsim sa kanyang kape. "Tingin mo papayagan ka ni Zon kung sakali?" "I doubt that. He's supportive, pero alam mo naman kung gaano ka-clingy ang asawa ko magmula pa noon," tugon ko habang naglalakad kami sa hallway. "Bakit hindi mo isama kung sakali? I'm sure the company will agree with your terms if you will bring him up anyway." I licked the stain of coffee on my lips before I looked at Rizza. "He loves working as a teacher. Kahit maliit ang sahod niya, he's very dedicated. I don't think he'd give that up just to go to Sydney with me." Bumuntong hininga ako. "Saka na nga natin problemahin kung sigurado nang ako nga ang mapipili." Huminto siya sa paghakbang saka niya ako hinawakan sa braso. "Listen, Audrey. Hindi naman sa nakikialam ako sa inyong mag-asawa pero... kumusta na ba talaga kayo? May hindi ka ba sinasabi sa amin?" Napakunot ako ng noo. "What do you mean?" Lumamlam ang kanyang mga mata. "Nabanggit kasi ni Thed na nakipagkita sa kanila si Zon noong nakaraan. Niyaya nilang mag-inom dahil nag-overtime ka raw sa mismong anniversary ninyo pero umuwi rin daw kaagad si Zon. Is your marriage failing, Audrey?" Maybe I know that we are, but my pride didn't want to believe it. Pinakamasakit sa isang babae ang ikwento kung papaanong nasisira ang tahanang minsan niyang inakalang magiging matatag habambuhay, at hindi pa kayang tanggapin ng puso ko na ako ang nagmistulang anay na nagpahina sa haligi ng tahanang binuo namin ni Zon. Humugot ako ng hininga. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Rizza. We're okay. Ipinagluto niya pa nga ako ng almusal kanina." She didn't look convinced, ngunit hindi na rin siya nagkumento pa at nagpaalam na lamang na pupunta na sa opisina niya. Nagtungo naman ako sa opisina ko at hinintay ang investors. Nadaanan ko pa ang bagong executive assistant ng CEO. Hainz smiled and greeted me 'good morning'. I greeted him back before I pushed the door of my office. Bago iyon sumara ay nadinig ko pa ang isa naming katrabahong sinabihan si Hainz. "May asawa na 'yan. Stop hitting on her." Hainz smirked. "Well, sayang naman pala. She's too young to be married." Hindi ko na lamang inintindi pa at sinimulan na lamang ang araw ko. We were really busy in the entire day, ngunit hanggang sa natapos ang pagbisita ng investors at ang sandamakmak kong meeting, hindi talaga ako sinagot ni Zon sa chat. Gusto ko tuloy umuwi nang maaga at manghingi ng tawad kung sakali mang iniisip niyang wala na akong pakialam sa kanya, ngunit bago pa ako nakapag-clock out ay kinatok na ako ng isa sa may pinakamataas na posisyon sa kompanya. "Audrey, may I have a word?" I nodded. Sumunod ako sa kanyang opisina, at nang makaupo sa visitor's chair ay ipinaliwanag niya sa akin ang plano tungkol sa Sydney branch ng Marksman Industries. "So, what do you think?" I smiled. "The offer is very tempting, but I think I'm gonna have to discuss it with my husband first. Thank you, Sir for considering me. I really appreciate your trust in me." "Naku, Audrey. I hope you will take this shot. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganito kalaking oportunidad sa murang edad. You're not yet in your thirties so I suggest you consider taking the position. Anyway, mas maganda ngang mapag-isipan mo muna at ma-discuss sa asawa mo. I'll wait for two weeks. For now, would you mind staying for a couple more hours to finish these? I forgot to give it to you earlier since we're really busy. Bukas na ito kailangan kaya sana ay matapos mo ngayon." Gusto ko sanang tumanggi dahil nangako ako kay Zon na uuwi ako nang maaga para ipagluto siya, kaya lang ay hindi ko naman matanggihan ang boss ko. After glancing at my watch, I tried to fake a smile as I nodded. "Not at all, Sir." Tumayo na ako at kinuha ang files na kailangang asikasuhin. Bumalik ako sa aking opisina at iti-text na sana si Zon para sabihing hindi pa ako makakauwi, kaya lang ay kung kailan nagtitipa na ako ng message, saka naman nag-drain ang battery ng phone ko. Bakit ba hindi ko naisaksak kagabi para nakapag-charge? Hindi ko pa naman dala ang charger ko at nakakahiya namang manghiram sa mga pauwi na. I sighed and just tried to finish the documents as fast as I can. Kaya lang ay sa sobrang dami, inabot na ako ng alas onse sa opisina. Nang matapos ay dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at bumaba sa parking lot, kaya lang ay talagang minamalas yata ako. Kung kailan naman nagmamadaling umuwi, saka pa talaga ayaw umandar ng kotse ko. I hopelessly sighed. Bumaba akong muli ng kotse at magta-taxi na lamang sana nang bumukas ang elevator at lumabas si Hainz. Halatang nagtaka siya nang makita ako sa parking lot at hindi pa nakakauwi. "Audrey, overtime ka rin?" I nodded. "Yeah. Pauwi na sana kaso ayaw mag-start ng kotse ko." "Huh. Magpalit ka na kasi ng kotse Anyway, let me give you a ride home. I heard he live in the same neighborhood anyway." I gulped. "Uh, hindi na. Magta-taxi na lang ako." "Don't be shy. Delikado nang mag-commute kapag ganitong oras. Come on. Libre mo na lang ako ng latte bukas," biro niya bago niya pinindot ang susi ng kanyang kotse. His SUV's lights blinked, and when he finally opened the shotgun seat for me, bumuntong hininga na lamang ako at sumakay. We've talked about work the entire ride. Mabait naman pala kahit na parang saksakan ng hangin. We even laughed about his silly experience during his interview, and when his car stopped in front of our house, I smiled at him and said thanks. "See you tomorrow," aniya nang maisara ko ang pinto. Kumaway naman ako at hinintay siyang makaalis, ngunit nang mapatingin ako sa veranda ng kwarto namin ni Zon, napawi ang kurba sa mga labi ko nang makita ko ang galit sa kanyang mukha. Maybe I was really tired that's why when I went in and he acted in a cold manner, I got really pissed. "Huwag mong sabihing pinag-iisipan mo ko nang masama?" hindi ko natiis na itanong nang hindi pa rin niya ako kinibo at tinalikuran pa ako nang mahiga ako sa kama. He sighed. "Wala akong sinasabi. Don't act so guilty, Audrey." My pride skyrocketed. "Act so guilty? Are you saying that I'm cheating on you? Ganyan ba kababa ang tingin mo--" "You f*****g promised that you'll come home early and make us dinner!" Kumislap sa galit ang mga mata niya matapos niyang tumingin sa akin. "I skipped my lunch because I was excited for what my wife will prepare for me! Pero mamamatay lang pala ako sa gutom dahil hindi ka na naman tumupad sa pangako mong uuwi ka nang maaga." "Oh, don't be exaggerated, Zon! Ang daming pagkain sa kusina!" His jaw clenched as his eyes narrowed at me. "You think this is all about food?" Umalis siya nang tuluyan sa kama, tila sa unang pagkakataon ay hindi na talaga nagawa pang magtimpi. "You're treating me like I'm nothing, Audrey! Asawa mo ko pero parang ako na lang ang kumakapit sayo! Kung nagsasawa ka sa'kin, just say so! Hindi 'yong idadahilan mo ang overtime para makipagkita sa ibang lalake!" Tuluyan na ring napitik ang pasensya ko. "f**k you, Zon! How dare you accuse me!" His lips pursed hardly together as his eyes flickered with both pain and anger. Ngunit imbes na sagutin pa ako ay nagbihis siya at kinuha ang susi ng kotse niya. Napatitig na lang ako sa pinto nang malakas niya iyong isinara, at nang madinig ko ang pag-andar ng kanyang kotse, napapikit na lamang ako upang pakalmahin ang sarili. Hindi rin ako nakatulog kaagad dahil sa paghihintay sa kanyang umuwi. I already messaged his friends, hoping that Zon went to one of them. Ngunit wala raw ito sa mga kaibigan kaya naman sinubukan kong tawagan, ngunit pinapatayan niya lamang ako. Nang mapikon ako ay tinigilan ko na. Matutulog na lang sana ako, ngunit nang mag-notify sa akin ang bago niyang IG post, nanikip nang husto ang aking puso matapos makita ang larawan niya sa sementeryo. He's laying his head next to our baby's tombstone. Hawak niya ang beer at basag na nakangiti sa camera. I pursed my lips to control my emotions, but when I saw his caption, my tears fianlly streamed down my face. Zonier Cariano: If daddy was able to save you, will mommy's love never fade?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD