PARANG may pumindot ng “Pause” Button ng biglang huminto ang mga ito sa pagkain. Saka dahan-dahan lumingon sa kanya. Napailing si Mark, inaasahan na niya ang ganoong reaksiyon ng mga pinsan niya. Habang si Glenn naman ay tumatawa lang. “Apo, tama ba ang narinig ko? O baka naman ako’y nabibingi na.” Ani Lolo Badong. “Lolo, tama po ang narinig n’yo?” “Si Kimberly na anak ni Eddie? Aba Manuel, sigurado ka ba?” tanong din ni Lola Dadang. Napangiti siya. “Yes Lola, wala pong iba.” “Dude, alam mo naman kung gaano kabagsik si Mang Eddie di ba?” tanong ni Wayne. “Oo naman!” mabilis na sagot niya. “I can’t believe this. You will court her? Akala ko ba ayaw mo sa kanya?” tanong naman ni Karl. “Wala a

