“KUYA!” masayang salubong ni Kim sa nakakatandang kapatid niya na si Jun. Kagagaling lang nito sa airport, mula sa bansang Qatar. Binigyan daw ito ng isang buwan na bakasyon ng Boss niya, namiss talaga ni Kim ang Kuya Jun niya, halos tatlong taon din kasing hindi nila ito nakasama. Sa wakas, nabuo na ulit silang pamilya. “Kimberly,” anito. Sabay yakap ng mahigpit sa kanya. “Na-miss kita!” aniya. “Ako rin, na-miss ko kayo!” sagot nito. “Kuya, dala mo ba yung binilin kong cellphone?” tanong pa ng bunso nila. “Oo naman!” “Mabuti naman at nakauwi ka. Tamang-tama sa birthday ng Tatay mo.” Anang Nanay nila. “Oo nga po eh, kaya pinilit ko talagang makauwi ngayon. Tatlong taon na rin ang nakalipas simula ng uma

