MANGHA na napatitig si Kim sa sariling repleksiyon niya sa salamin. Halos hindi niya nakilala ang sarili. Siya mismo ay napanganga sa hitsura niya. Agad na tumakbo sa isipan niya kung ano ang posibleng maging reaksiyon ni Mark kapag nagkita sila sa ilang saglit lang. Iyon ang gabi ng unang date nila. Pasalamat siya ng malaki sa Tatay niya dahil pumayag ito, sa kondisyon na hindi sila kailangan abutin ng hatinggabi. Naroon si Marisse at Sam sa loob ng kuwarto niya, ang mga ito ang tumulong mag-ayos sa kanya. Si Marisse sa make-up, si Sam sa buhok. Habang si Nicole at Kamille naman ang namili ng suot niya. It was a brown dinner dress. Medyo mababa ang neckline niyon ngunit hindi expose ang dibdib niya. Hanggang tuhod ang haba niyon at may kaunting manggas, simple lang an

