“APO, ayos ka lang ba?” tanong ni Lolo Badong kay Mark. Napakurap siya sabay tingin dito. “Opo.” Sagot niya. “Mukhang wala ka sa sarili mo, kanina ka pa naming napapansin. May problema ba?” tanong naman ni Lola Dadang. Napabuntong-hininga siya. Halos hindi kasi siya nakatulog noong nagdaang gabi, pag-uwi nila ni Kim galing sa date nila. Mukhang galit kasi ito sa kanya. Hindi niya alam kung alin sa dalawa ang kinakagalit nito sa kanya. Ang pagtanong niya tungkol sa ex-boyfriend nito? O ang biglang pagdating ni Mildred at pagpi-flirt nito sa kanya? Pagdating kasi nila doon sa Tanangco. Nagpasalamat lang ito sa kanya ng nakapormal ang mukha pagkatapos ay pumasok na ito agad sa bahay nila ng hindi man lang siya nililingon. At gusto niyang iumpog ang u

