1 - Again
"Opo tiya, ipapadala ko na rin po agad." Pagkawika ko ay mabilis na ring nawala sa linya ang tinig ni tiya.
"Kakapadala mo pa lang noong isang araw ah." biglang wika ni Thea na kapapasok lang sa silid ko.
"Kailangan daw ni korin ng pambayad sa graduation fee." mahinang sagot ko, habang tulalang nakatitig sa cp kong hawak.
"Nang nakaraan pambayad sa kuryente, ngayon naman graduation fee? tsk..tsk.."
"Hindi kaya..mudos na ng tiya ondin mo yan? Wala ka na halos naiipon sa sahod mo, dahil sa kanila na nauubos." Natigilan ako at 'di agad nakasagot kay Thea. Para akong lutang na nakatitig lang sa kaibigan kong nakatitig din sa'kin.
"Baka.. kailangan lang talaga nila." sa halip ay sagot ko sa kabila ng pagtutol ng isip ko. May katotohanan kasi ang sinabi ni Thea. Kakarampot lang kasi ang sinasahod ko bilang saleslady sa isang boutique. Ayaw ko namang pagdamotan sina tiya ondin.
Si tiya ondin ay kapatid na bunso ng yumao kong ama. Malaki ang pagkakautang ko dito at sa asawa nito dahil ang mga ito ang kumupkop sa'kin ng maulila ako sa ama. Wala akong nakagisnang ina kaya naman si tiya ondin na ang tinuring kong ina.
"Hindi naman masamang tumulong pero minsan kailangan mo ring magtira ng para sa sarili mo."
"May alam ka bang work? Kahit part time lang." Napangiwi ako ng paningkitan ako ng tingin ni Thea. Marahil hindi nito nagustuhan ang pag iiba ko ng usapan.
Nag beautiful eyes ako kay Thea sabay ngiti ng matamis.
"Naku! Tigilan mo ako sa ganyan. Teka nga, napano ba talaga yang specs mo? bakit may lamat?"
"Ha, e..nalaglag nga. Diba sinabi ko na sayo nong nakaraan." Sabay iwas ko ng tingin. Mahirap na malakas pa man din radar nitong si Thea baka mabuko pa akong may inililihim ako.
Saglit pa akong napalunok ng muling bumalik sa alaala ko ang dahilan kung bakit nagkalamat ang specs ko. May isang linggo na ang nakaraan ng mangyari iyon. Pero sa loob ng isang linggong iyon ay palagi na iyong pabalik balik sa isip ko. Minsan pa nga ay napapanaginipan ko pa iyon.
"E, bakit ganyan kapula ang pisngi mo? dinaig mo pa ang hinog na kamatis."
"H-hindi ah." Kaila ko pa sabay takip sa pisngi.
"Maria Isabelle Dimaquha! Ano ba talaga nangyari sa inyo ni Vann?"
" W-Wala." Pahamak na boses hindi nakisama.
"Wala, e bakit nabubulol ka tapos mas lalo kang nag blush ng banggitin ko si Vann?" Napakagat ako sa ibabang labi habang nakayuko.
" May alam akong part time job."
"Talaga!? Pasok mo naman ako." nakangiti kong sabi pero nawala ang ngiti ko ng makita ko ang reaksiyon ni Thea. Nakataas kasi ang kaliwang kilay nito na para bang isasalang ako nito sa isang interrogation scene.
Napapikit pa ako at pilit na binura sa isip na para bang nakaupo ako sa isang silya at may nakatapat na ilaw na gumagalaw sa uluhan ko.
Erase!erase! wika ko sa isip.
"Part time job ba kamo? Sige... pero Sabihin mo muna ang nangyari sayo last week."
Ano bang gagawin ko? Akala ko pa naman hindi na ito mag uusisa pa sa nangyari sa'kin. Pero...
"Si V-vann kasi..."
Lumunok ako pagkatapos kong salubongin ang mga mata ni Thea na tila ba sabik na sabik sa impormasyon na sasabihin ko.
"Si Vann ay?" Ulit ni Thea sa sinabi ko.
"H-hinalikan n'ya ako." Kagat labi kong sabi.
"He kissed you?" Nanlalaking mata na tila hindi makapaniwalang tanong ni Thea.
Tumango ako tapos ay ramdam ko ang pag iinit ng magkabila kong pisngi.
"Eeehhh!!!! I'm happy for you."
"May first kiss ka na."
Napakunot noo tuloy ako at 'di makapaniwala sa reaksiyon ni Thea.
"Masarap ba?"
"Ha?" nagtatakang balik tanong ko.
"May lasa ba yon?" tanong ko ulit.
"Oo, dapat may nalasahan ka, kung masarap ba o hindi. "
Bigla akong naguluhan at nahulog sa malalim na pag iisip sa sinabi ni Thea.
Nagulat na lang ako ng bigla kong narinig na humagalpak ng tawa si Thea.
"Bakit ka tumatawa?" Umismid ako kay Thea at balak ko na sanang tumayo ng muling magsalita ito.
"Ito naman, galit agad. Binibiro lang naman kita."
"Okay, Wala kang nalasahan. Pero Anong naramdaman mo?"
Muli akong pinamulahan ng pisngi, na imagine ko kasi na parang andoon ulit ako sa scene na bigla akong hinalikan ng Vann na yon.
"Ano? " tanong ni Thea na nagpabalik sa realidad sa'kin.
"Ano..ah.. hindi ko kayang ipaliwanag." paputol putol kong sabi dahil parang tinatambol sa kaba ang dibdib ko.
"May naramdaman kabang tinatawag na oxytocin?"
Kumunot lalo ang noo ko sa sinabi ni Thea. "Ano yon?" litong tanong ko.
"Pwede din s'yang tawagin na love hormone."
Mas lalo akong naguluhan sa reaksiyon ni Thea dahil magkadaop ang dalawa nitong kamay habang nakatapat sa dibdib. Makikita din sa mata at ngiti nito ang kakaibang emosyon.
"Napano ka?" di ko na naiwasang ibulalas iyon kay Thea. Para kasi itong
kiti-kiti na naglulumikot.
"Por dios! por Santo! Mariang inosenti. Kinikilig ako para sayo."
"Bakit ka naman kinikilig?"
Napatanga ako ng biglang tapikin ni Thea ang sariling noo gamit ang palad.
"Basta kapag nag meet ulit kayo ni Vann. Don't let him kiss you again."
"Mahirap na baka ma first blood ka."
Bigla akong makaramdam ng takot sa sinabi ni Thea. Kung ma first blood ako baka masugatan ako. Ayoko ng pakiramdam na yon. Ang sakit kapag may sugat. Biglang may sumagi sa ala-ala ko noong bata pa ako, nagkasugat din ako noon at dumugo.
Pero sa tuwing pinipilit kong alalahanin ang dahilan ng pagkakasugat ko noon ay lumalabo iyon sa isip ko. Hanggang sa tuluyan ko na iyong nakalimutan.
"Maria, nakikinig ka ba?"
Tumingin ako kay Thea kanina pa pala ito nagsasalita pero 'di ko pinapansin.
"Makinig ka sa'kin, I'm not sure kung may maganda bang maidudulot sayo si Vann. Baka katulad din s'ya ng ibang lalake na heartbreaker, kaya lumayo ka sa kanya." Pinanlakihan ako ng mata ni Thea.
Tamo tong babaeng ito. Kanina kinikilig daw s'ya for me. Tapos ngayon parang nananakot.
Mas lalo tuloy akong naguluhan sa mga sinabi nito. Mas maganda sigurong sundin ko na lang ang bilin nito.
Tiyak namang hindi ako mapapahamak. Si Asethea ang kababata ko at kapitbahay namin noon sa probinsya. Lumipat lang ito sa maynila para mag aral at ngayon nga ay nagtatrabaho na. Ito rin ang nagkupkop sa'kin ng lumuwas ako ng maynila para maghanap ng trabaho.
Pag aari ng tiyahin nito ang apartment na tinitirhan namin. Hati kami sa bayad sa upa, ganun din sa mga gastusin sa bahay. Pero madalas ay kaunti lang ang hinihingi ni Thea sa'kin bilang bahagi ko sa mga gastusin namin. Malimit din nitong sabihin na ipunin ko na lang daw yong mga natitira kong sahod, kaya siguro ganun na lang ang reaksiyon nito kanina ng malamang humihingi na naman ng padala sina tiya ondin sa'kin.
*****
Saturday Morning
Day off ko ngayon sa trabaho.
"Oo, andito na ako." Sagot ko sa Tanong ni Thea. Kausap ko ito sa cellphone.
"Okay lang yon. Magpahinga ka na lang muna. Uminom ka na rin ng gamot."
Pagka end ko ng call ni Thea ay nag doorbell na ako sa gate ng bahay sa harap ko.
Nasa harap ako ngayon ng bahay na sinabi ni Thea. Pinilit ko kasi ito na baka may alam itong part time job na pwede kong pasukan at ito na nga kailangan daw ng kamag anak ng boss nito ng house cleaner kada sabado lang naman daw kailangan linisin ang bahay para mapanatili pa rin ang kalinisan ng bahay kahit na madalang umuwe ang house owner.
Lumipas muna ang halos nasa isang minuto bago bumukas ang gate. Napapangiwi na nga ako dahil naka ilang pindot na ako sa doorbell ngunit hindi pa ito bumubukas kaya naman agad akong napangiti ng magbukas ang gate at bumungad sa'kin ang isang babae na medyo may edad na rin. Maputi na kasi ang buhok nito at bakas na rin sa balat nito ang mga ugat.
"Good morning! po.-"
Simula kong bati kahit na nakaramdam ako ng pagka ilang dahil tiningnan ako ng babae mula ulo hanggang paa na para bang kinikilatis ako nito.
"Ikaw ba yong maglilinis ng bahay?"
tanong nito pagkatapos akong suriin.
"Opo" sagot ko na may kasamang tango.
"Halika, pumasok ka." Habang nakasunod ako sa babae ay napapalunok laway ako. Mukha kasing istrikto ang babae.
"Nasabi na ba sayo ang lahat?" tanong sa'kin ng nakatalikod na babae habang humahakbang ito papalapit sa pinaka main door ng bahay.
"P-po?"
Napakagat labi ako ng huminto ito at biglang humarap sa'kin. Nakatikom na mariin ang mga labi nito habang nakatitig sa'kin. Nang wala itong marinig sa'kin ay muli ulit itong tumalikod at naglakad.
"Bihirang umuwe si Gio dito pero gusto non na panatilihing malinis ang bahay kahit wala s'ya." Sabi ng babae pero sa mga halaman na nakatanim sa bakuran nakatuon ang atensiyon ko.
May mga sinabi pa ang babae ngunit natuon naman ang pansin ko sa loob ng bahay.
Bungalow style ang bahay. Bumungad kaagad sa'min ang living room may mahabang couch na nakalagay sa gilid malapit sa bintana. Sa harap niyon ay malaking flat screen tv na nakasabit sa dingding na napag gigitnaan ng dalawang paintings. Center table na may nakapatong na flower vase at sa ilalim niyon ay may mga nakalagay.
*Fast forward***
Katulad ng bilin ni Nay lety bago ito umalis, ako na lang daw bahala sa gusto kong kainin meron namang laman ang ref at ako na daw magluto ng pagkain. Napapangiwi pa ako ng maalala ko ang bilin ng babae bago ito umalis. May pagka istrikta nga ito dahil habang nagsasalita ito ay hindi man lang ito ngumingiti, seryoso lang ito at malinaw na ipinaliwanag ulit sa'kin ang lahat ng gagawin ko. Napansin siguro nito kanina na abala ako sa pagmamasid sa kalooban ng bahay kaya muli nitong inulit ang sinabi kanina. Sinabi din nito na babalik na lang daw ito bago magtakip silim.
Hindi naman kalakihan ang bahay subalit tiniyak ko pa rin na malilinis ko ang lahat, ultimo kasulok sulukan ay talagang nililinis ko.
Bandang alas onse ng maisipan kong dumako sa kusina para mamungkal ng makakain. Kung hindi pa ako nakaramdam ng pagkalam ng tiyan ay 'di ko pa maiisipang kumain.
Ngunit minsan hindi ko maintindihan kong may balat ba ako sa pwet. Biglang nawalan ng kuryente kaya ang ending mano-mano ang paglalampaso ko sa sahig. Kaya naman ng matapos ako basang basa ako ng pawis.
No choice ako, kahit ayaw kong hubarin ang suot kong long sleeve polo ay napilitan ako, mas lalo namang ayaw kong magkasakit kaya ito white sando ang natira sa damit pang itaas ko bukod sa damit panloob ko at below the knee skirt na suot ko.
Mabuti na lang pala at nakapusod ng tali ang buhok kong mahaba. Napilitan din akong mag contact lens dahil nga may lamat ang specs ko.
"Hay...salamat natapos din." naibulalas ko ng makatapos ako. Ipinahid ko sa noo ko ang likod ng palad ko para punasan ang tagaktak ng pawis ko. Napapangiwi ako ng mapatungo ako sa suot kong white sando bumakat na ang suot kong bra dahil sa pawis.
Kinuha ko sa loob ng dala kong bag ang pamalit kong damit. Dumiretso ako sa banyo para magpalit subalit....
Nakakailang hakbang pa lang ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto tanda na merong pumasok.
"Nay lety" wika ko pero nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ang pumasok.
"Nay let-" naputol ang pagbigkas nito ng magtagpo ang mata namin. Naiwan din nakabuka ang bibig nito at dahil nga naka contact lens ako. Malinaw sa paningin ko ang paglunok ng laway ng bagong dating umalon kasi ang bukol nito sa leeg.
"Bakit ka andito?" sabi ko.
"Why are you here?" sabi nito.
Magkasabay naming nabigkas iyon.
Lumayo ka sa kanya.
Parang narinig ko ang bilin na iyon ni Thea sa'kin. Ngunit para akong nabato balani at hindi na makakilos. Nakatitig lang ako sa paghakbang palapit sa'kin ni...
"F*ck! I miss you."
Ano daw? tanong ko sa isip.
"Minumura mo ba ako?" Sabay hampas ko sa braso nito.
"Aray! Ang bigat ng kamay mo."
daing nito tapos ay biglang gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi nito. Unti-unti na namang lumalapit ang mukha nito sa'kin.
"A-Ano ba!?" sabay tabig ko sa kamay nito dahil idinampi nito ang hinlalaki sa labi ko. Pero saglit lang ay inilapat muli nito ang daliri.
"Nabaliw ako ng isang linggo kakaisip sayo. F*ck! this lips."
"Nagmumur-"
Naiwan sa ere ang sasabihin ko pa sana ng mabilis na lumapat ang labi nito sa labi ko.
Don't let him kiss you again...
Ang bilin na iyon ni Thea sa'kin ay tila isang papel na magaan, kaya mabilis iyong tinangay ng hangin papalayo.