2 - Pretend
Bakit para akong dinadala sa kung saan? Ito ba yong tinatawag na Love romance?
Nadadala ako sa lambot ng labi ni Vann. Masuyo iyong naglulumikot sa ibabaw ng labi ko. Naramdaman ko ding pilit na nanunudyo ang dila nito na tila ba nagsusumamong papasukin ko s'ya sa loob ng bibig ko.
Isang marahang kagat sa ibabang labi ko ang s'yang naging hudyat ng pagbuka ng bibig ko kaya malayang nakapasok ang dila ni Vann sa loob ng bibig ko.
Sa loob ng bibig ko ay nagmistulang manlulupig ang dila nito dahil pilit nitong nililikot ang dila ko.
Hindi ko alam kung paano? subalit isa yatang magaling na guro si Vann, sapagkat madali akong natuto sa ritmo ng labi nito. Natuto ako kung paano makipaglaban sa manlulupig nitong dila.
Hanggang sa ang labi ni Vann ay tila naging manlalakbay. Dahan-dahan iyong dumadampi sa gilid ng labi ko, patungo sa panga at tumigil sa leeg ko.
Marahan iyong sumipsip sa gilid ng leeg ko habang ang mga kamay ay marahang pumipisil sa bewang ko.
Napamulat ako ng mata ng maalala kong..
Pawisan nga pala ako kanina tapos ngayo'y marahan akong sinasamyo ni Vann sa leeg ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa naisip at mabilis kong itinulak si Vann. Tumalikod ako mula kay Vann, tinungo ko ang banyo at mabilis na ini lock ang pinto.
Banyo
Mariin na nakalapat sa tapat ng puso ko ang kanang palad ko. Pakiwari'y kaya niyong pigilin ang mabilis na pintig.
Kasabay ng malakas na pintig ng puso ay ang pakiramdam na tila nagbabaga sa init ang mga pisngi ko.
Napatuon ako ng mariin sa gilid ng lababo. Pakiramdam ko'y mas lalo akong namula ng makita ang sariling repleksiyon sa harap ng salamin.
Ilang ulit na paglunok ang ginawa ko. Ang ibabang labi ko ay malapit na ring magsugat dahil sa mariin kong pagkagat.
Bakit ko hinayaang gawin ulit iyon ni Vann sa'kin?
Sumagap at bumuga ako ng hangin. Ilang ulit ko iyong ginawa para pakalmahin ang sarili.
****
Dati rati alas otso pa lang ng gabi ay tulog na ako, subalit ngayo'y halos maghahating gabi na ay hindi pa rin ako dalawin ng antok.
Paulit ulit kasing bumabalik sa isip ko ang tagpo sa bahay ni Vann. Ang sandaling pagkalimot ko sa paalala sa'kin ni Thea.
Hindi ko maunawaan ang aking sarili kung bakit ko hinayaang gawin iyon ni Vann sa'kin? Ayaw ko mang aminin subalit may kakaiba akong naramdaman sa katawan ko habang ginagawa sa'kin iyon ni Vann kanina.
Gusto ko sanang itanong kay Thea iyon, pero nahihiya ako. Iniisip ko pati na baka masermunan ako nito.
Napapikit ako ng mariin habang sinasariwa sa isip ang mga nangyari. Hindi ko na alam kung ilang oras ang itinagal ko sa loob ng banyo dahil ng lumabas ako ay medyo madilim na at si nay lety na lang ang naabutan ko na halatang kadarating lang bitbit ang mga supot na may laman.
Kahit alam kong hindi naman kami nakita ng babae kanina ay nakaramdam pa rin ako ng hiya. Lalo na ng banggitin ng babae ang buong pangalan ni Vann.
Nagkita na pala kayo ni Giovanni?
Nakagat ko pa ang labi ko na para bang muli kong narinig ang tanong na iyon sa'kin ni nay lety.
Dahil sa kaba at hiyang nararamdaman ay tumango lang ako kanina. Medyo nagulat pa ako ng kunin ng babae ang numero ng cellphone ko. Ibinigay ko naman dahil sinabi nito na para daw mas mabilis akong makontak nito kung sakaling kailanganin ulit ako.
Nag aalangan man akong ibigay ang kontak ko ay ibinigay ko pa rin.
At iyon ang isa din sa mga iniisip ko. Bakit ko ibinigay? Hindi agad pumasok sa isip ko na posibleng muli kaming magkaharap ni Vann na Giovanni pala ang buong pangalan.
Dahil sa ginawa ko walang katiyakan na hindi kami magkikita ni Vann lalo't pag aari pala nito ang bahay na aking nilinisan.
Mas lalong gumulo ang isipan ko at bunga niyon ay mariin kong itinakip sa mata ko ang unan na nasa gilid ko.
Hanggang sa tinangay na ako ng antok.
*****
"Kumusta?"
"H-ha?" utal kong tanong din kay Thea.
Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal. Linggo ngayon kaya pareho kaming walang pasok sa trabaho.
Napalunok ako ng laway at mabilis na umiwas ng tingin kay Thea lalo na ng mas lumapit pa ito sa'kin.
"Teka! Bakit? Ano yan? " taka akong muling pumaling kay Thea, para lang magulat sa reaksiyon ng mukha nito.
Nanlalaki kasi ang mata nito at itinuro ang bahagi ng leeg ko.
Taka naman akong napahawak sa leeg ko.
"Bakit Meron ka niyan? Sino!? Sino ang naglagay niyan sayo?"
"A-Ano bang sinasabi mo?" Kunot noo kong tanong na may pagtataka.
"Wag mong sabihin na..oh em gee!"
Kasunod niyon ay narinig ko na naman ang nakakarinding palirit ni Thea.
Napakunot noo na lang ako ng makita ko itong parang bulate na binodbudan ng asin.
Ibang klase talaga itong kaibigan ko, kinikilig ba to? o nag c seizure?
"Nagkita kayo ni Vann?"
Natigilan ako at napakagat sa labi ng marinig si Thea. Bigla kasi itong nag change mood at mabilis na hinuli ang aking paningin dahil umiwas agad ako sa tanong nito.
"Nag a upgrade ang lokong yon ah! Nong una halik lang, ngayon may pag sipsip na. Aba! Teka! "
"Maria! Sabihin mo nga sa'kin."
"A-anong sasabihin ko?" Nauutal kong sabi sabay dampot ng pandesal at mabilis iyong isinubo.
"Ano pang ginawa sayo ng Vann?"
Umilap ang tingin ko kay Thea, nahihiya kasi akong baka mabasa nito sa mga mata ko ang mga ginawa ni Vann sa'kin.
"This time makinig ka na sa'kin, make sure na layuan mo na ang Vann na yon. You might end up crying kapag hindi ka lumayo sa lalaking yon."
E pa'no ko gagawin yon?
Sayang naman ang part time job. Malaki pa naman ang binigay sa'kin. Tapos dinagdagan pa ng tip, ang sabi pa ni Nay lety dahil maganda daw ang performance ko.
Pakiramdam ko muling namula ang pisngi ko ng bumalik iyon sa isip ko.
"Maria Ysabell Dimaquha. Do you understand?"
Napatingin ako sa naka pa meywang na si Thea. "Yes po Ma'am." Sabay muling nguya ng tinapay.
****
Mall
Napagpasyahan kong pumunta sa Optical shop. Kailangan ko ng bagong eyeglasses. Hindi ako sanay sa pagsuot ng contact lenses.
Mag isa lang ako dahil may ibang lakad si Thea.
After an hour ay nakabili na rin ako ng eyeglasses ko. Mabuti na lang at medyo malaki ang na tip ko sa part time job. Ngayon ay may budget ako para sa new eyeglasses. Ang tira ay balak ko pang ipadala kina Tiya Ondin. Nakapagbigay na rin naman ako ng share kay Thea.
Kung kanina nagtyaga ako sa pagsuot
ng basag kong eyeglasses ngayon nama'y suot ko na ang bago kong bili.
Ang sarap sa pakiramdam na malinaw na ulit ang nakikita ko, may kamahalan man ang nagastos ko ay sulit na rin naman kaysa mahirapan pa ako.
Balak ko na sanang umuwe pero biglang kumalam ang tiyan ko. Napatingin ako sa relong suot ko. Napabuga ako ng hangin ng makita ang oras. Kaya pala kumakalam na ang tiyan ko halos lunch na pala at di pa ako kumakain.
Dumiretso ako sa isang sikat na fastfood kaya lang 'di na ako tumuloy pagpasok dahil sa bungad pa lang ng store ay mahaba na ang pila, Sabagay
linggo ngayon at kapag ganitong araw ay laging puno ang fastfood.
Habang naglalakad ay naisipan ko na lang na bumili ng waffle cheese sa isang stall, maige na ring pamatid gutom.
Apat na piraso ang binili ko. Sa'kin ang dalawa at iuuwe ko ang natitira para kay Thea. Katulad ko ay mahilig din ito sa waffle cheese.
Umupo ako sa may food court, Palibhasa'y oras ng pananghalian kaya halos mapuno din ang food court, mabuti na nga lang at meron pa akong naupuan.
Abala ako sa pagkain ng waffle ng biglang may lumapit na isang babae at may inaabot sa'kin.
"Hello po Ma'am, baka po gusto n'yo e try ang bagong bukas naming salon." Nakangiting sabi ng isang babae.
Maganda ang babae at tila nakakahalina ang alok nito, subalit wala akong oras para sa ganung mga bagay. Bukod doon ay magastos, wala naman akong budget para sa pagpapa salon.
Pagkaabot sa'kin ng flyer ay lumipat na sa ibang tao ang babae.
Tiningnan ko lang saglit ang flyer tapos ay isinilid ko na ito sa dala kong shoulderbag.
Naubos ko na ang isang waffle at sisimulan ko na sanang kagatin muli ang isa pa subalit hindi ko na nagawang ituloy.
Nanlaki ang mga mata ko at sunod-sunod ang ginawa kong paglunok ng laway ng makilala ko ang isang lalake na parang modelo na naglalakad palapit sa aking kinauupuan.
Binalak kong tumayo ngunit huli sapagkat ganap ng nakalapit sa'kin si..
"Who's with you?" muli akong napalunok ng makita ang mala commercial ng toothpaste na ngiti nito. Dumagdag pa ang mapula nitong labi na..
Erase! Erase!
Saway ko sa isip ng maalala ang nangyari kahapon sa pagitan namin.
"Layuan mo nga ako!" bulalas ko. Sunod ay tumayo ako't nilampasan ito.
"You know what, I'm sorry for what happened yesterday." Habol nito sa'kin dahil sinadya kong bilisan ang paghakbang.
"Sige, pinatatawad na kita, pero layuan mo na ako." Wika ko ng huminto ako pasumandali para sabihin iyon.
"But-"
Hindi ko na inantay na muling magsalita ito dahil tumalikod na ako.
Pero...
Muli akong nahinto ng may makasalubong kami.
"Giovanni, Apo!" Tawag ng isang may edad ng babae.
Nakangiti itong lumapit sa'min ni Vann. Nakasunod dito ang isang babae na sa tingin ko'y hindi nalalayo ang edad sa'kin.
Palipat-lipat ang tingin nito sa'ming dalawa ni Vann.
"Apo, why didn't you introduce to me your girlfriend."
"Po?" Ako ang unang nag react sa sinabi ng Lola ni Vann.
"Naku, nagkakama-"
"Granny, Si Maria po, girlfriend ko."
Hindi ko malaman kung saan ba ako magugulat, sa sinabi ba nitong girlfriend n'ya ako o sa bisig nitong bigla na lang pumulupot sa baywang ko.
Balak ko sanang magprotesta ngunit 'di ko na nagawa dahil mabilis akong nakabig ng Lola ni Vann payakap.
Ayaw ko namang maging bastos kaya minabuti ko na lang na sakyan ang trip ni Vann, mukhang mabait naman kasi ang Lola nito at sa palagay ko'y may dahilan si Vann kung bakit n'ya nasabing girlfriend n'ya ako.
Ngunit 'di ko akalaing mag aaya pa ang Lola ni Vann na kumain kami sa isang restaurant at hindi lang basta resto dahil halatang pang sosyal.
Muntik pa akong masamid ng makita ang presyo ng mga pagkain. Kaya minabuti na lang ni Vann na s'ya ang omorder para sa'kin.
Magkatabi kaming dalawa sa upuan ni Vann. Four seater ang kinuha naming lamesa. Kaharap namin ang Lola ni Vann at ang kasama nitong sa palagay ko'y tagapangalaga ng matanda.
Habang kumakain kami ay panay ang tanong ng Lola ni Vann tungkol sa'ming dalawa. Dahil nga hindi ako totoong girlfriend ng apo n'ya ay wala akong maisagot bukod doon ay mabilis sumagot si Vann na para bang matagal na kaming magkakilala.
"Apo, kailan niyo balak magpakasal? excited na akong magkaroon ng mga apo sa inyong dalawa."
Tuluyan na akong nasamid sa sinabi ng matanda. Mabilis akong naabutan ng tubig ni Vann.
"Granny, masyado naman po kayong nagmamadali, don't worry Granny, I'm working on that."
Sunod ay nakakalokong tawa ni Vann.
"Come on, hurry up, Grandson, I'm not getting any younger."di naman nagpatalo ang matanda at sumabay din sa tawa ng apo.
Nagkatinginan kami ng babaeng katabi ng Lola ni Vann hindi man lang ito umiimik bagkus ay blanko ang makikita sa mukha nito. Pero nahuhuli ko itong palihim na sumusulyap kay Vann.
Di ko tuloy malaman kung matatawa ba ako o maiinis. Pero isa lang ang sigurado ako, kailangan kong umiwas kay Vann hangga't kaya ko pa.
Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na rin ang matanda na mauuna na itong umalis.
Bubuka pa lang ang bibig ko para komprontahin si Vann ngunit nauna na itong magsalita.
"Thank you." Seryosong wika sa'kin ni Vann.
"My grandma is sick and she's happy to know that I really do have a girlfriend."
Naumid ang dila ko kaya hindi ko nagawang makasagot kay Vann. Tapos walang pasabi na hinawakan ni Vann ang kamay ko.
"Please..Pretend to be my girlfriend."
Tulala akong napatitig sa nagsusumamong mukha ni Vann.
Bakit pakiramdam ko mababali ko na naman ang pinangako ko kay Thea.
Is it true that I end up crying in the end?
Bahala na!