Chapter three - Fiancee

1887 Words
3 - Fiancee Monday Back to work, kailangan kumayod para sa kinabukasan. Katulad ng dati suot ko ang uniform bilang saleslady. White blouse na may pink ribbon sa gitna, pants na black na tenernuhan naman ng flat black shoes. Ang buhok kong mahaba ay nakatuwaan ni Thea na e braid tapos ay ipinulupot pabilog at tinakluban ng hairnet. Suot ko na rin ang new eyeglasses ko. Sa mukha naman ay walang masyadong make up, lipgloss lang ang nilalagay ko dahil sabi nga ni Thea ay may natural na kulay pula ang aking mga labi. Light pink blush on na nakapatong sa manipis din foundation pero bago ang huli ay naglagay muna ako ng moisturizer sa mukha. Kung sa ganang akin lang ay sapat na ang pulbos at lipgloss pero si Thea ang nagturo sa'kin may kinalaman sa make-up. Wala kasi akong alam, nito lang ako unti-unting nagkakaroon ng kaalaman sa mga bagay na dapat pala ay normal na sa mga babae. Clothing area ako naka assign. Katatapos ko lang e hanger ang mga bagong dating na items. Ang sunod kong ginawa ay tumayo na ako sa gilid ng isang girl mannequin na nakasuot ng bago naming customized design sublimation printed long dress. "Good morning Ma'am, welcome to our boutique." Ngiti kong bati sa bagong dating na babae. Tumingin lang sa'kin ang babae tapos naglakad na marahan habang tumitingin sa mga naka display naming one piece garments. Bilang saleslady ay marahan din akong nakasunod sa babae. Kung susuriin ang babae ay para itong isang Modelo. Napaka seksi nito sa suot nitong beige sleeveless dress na may itim na belt, tapos mas lalo itong naging matangkad sa suot nitong high heels. Ang mahaba naman nitong buhok ay nakatali ng mataas. "Miss Do you have any other sizes of this? -" "Wait.. uhm.. also the color, do you have any other color like peach or carnation pink?" "Yes, Ma'am. Pwede po kayong maupo muna sa waiting area habang kumukuha po ako." Sabi ko pagkatapos ituro ang waiting area. "Okay" simpleng sagot ng babae. Malapit lang naman ang stockroom kaya mabilis ko rin nakuha ang hinahanap ng buyer. Dala ang ilang available sizes at dalawang kulay na peach at carnation pink. Nakatalikod sa'kin ang babae kaya hindi ako nito nakitang dumating may kausap ito sa cellphone. " You promise me, sasamahan mo akong mag shopping ngayon. If you won't come here I'll call Tita Gia." "Okay, I'll send you the address, I'll wait for you. Love yo-" Naputol ang sasabihin sana ng babae ng makitang pinatayan s'ya ng tawag ng kausap. "Let's see how far you will reject me." huling sabi ng babae habang nakatingin sa cellphone na hawak. "Ahm..excuse po Ma'am." pauna kong sabi ng umikot na ako paharap sa babae. Agad na kinuha sa'kin ng babae ang mga dala ko at nagtanong kung saan ang fitting room. Magalang ko naman iyong itinuro. Habang nagsusukat ang babae sa loob ng fitting room ay matiyaga akong naghihintay. "Ria!" Nagpalingon ako sa tumawag sa'kin na si Fiona, kasamahan ko ito sa trabaho. "Pwede bang ikaw muna mag assist doon sa isa kong buyer." "Ha?" "Sige na, ako na lang bahala sa buyer mo." "Per- Sige na nga." sabi ko. "Asan ba buyer mo?" tanong ko kay fiona. Agad namang itinuro ni Fiona sa'kin kung nasa'n ang buyer n'ya. Lalake pala ang buyer nito. Nakatalikod ito at kasalukuyang tumitingin ng mga naka display naming outwear and tops for men. "Excuse me Sir. Nakapili na po ba kayo?" Magalang kong bati sa lalake. Humarap ito at mabilis akong sinuri mula ulo hanggang paa. Dahil sa ginawa nito ay nakaramdam ako ng pagka ilang. "Miss" panimula nito sabay ngisi sa'kin. "Meron ba kayong Large size nito?" Itinuro nito ang jacket na may hoodie. "Meron po Sir. Pakihintay na lang po sa waiting area." sabi ko. Pero mabilis akong hinawakan sa kamay ng lalake na s'yang ikinagulat ko. "Ito rin pala Miss." Sabay turo ng t-shirt na naka display. "Okay po Sir." Muli kong sabi. Sabay bawi ng kamay ko at mabilis na tumalikod sa lalake. Medyo natagalan ako sa paghahanap dahil nasa pinaka ilalim pala nakalagay ang hinahanap ng buyer. Nasa ilang minuto din ang itinagal ko sa paghahanap. Dala ang size na gusto ng buyer, lumibot ang paningin ko dahil hindi ko makita sa waiting area ang buyer na kausap ko kanina. "Fiona, nakita mo ba yong buyer ko." Tanong ko ng dumaan sa harap ko si Fiona. "Alin? Yong manyakis ba na ipinasa ko sayo?" Napakunot noo ako sa tinuran nito. "Ayon, kinaladkad palabas ng isa nating buyer." "Ha!? Bakit?" takang tanong ko. "Yaan mo s'ya. Mabuti nga sa kanya, napaka manyakis n'ya kasi." Kaya ang ending ibinalik ko na lang sa stockroom ang mga dala ko. **** Lunch Nag aya sa'kin sina Fiona at iba ko pang katrabaho na sa labas daw kami mag lunch, sasama sana ako kaya lang nakatanggap ako ng text mula sa unknown number. I'm here outside your store. From- unknown number. Sino naman kaya ito? Pinauna ko na muna sina Fiona. Pagkalabas ko ng store ay luminga linga ako sa paligid. Hanggang sa..natanawan ko ang isang lalake na nakasandal sa isang poste sa gilid nito ay nakaparada ang Ducati motorcycle. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng makilala ito. Ano na naman kaya ang kailangan nito sa'kin? Nakakailang hakbang pa lang ako ay mabilis na itong nakalapit sa'kin. "Ano na naman ang kailangan mo?" Umpisa kong tanong. "Wala, masama bang ayain ang girlfriend kong mag lunch?" "Girlfriend? " "Pumayag na ba ako?" dagdag kong sabi. "Oo." Sabay hawak sa kamay ko ni Vann. Nakangiti pa itong inaya ako palapit sa Ducati motorcycle nito. "Saan mo ako dadalhin?" Usisa ko ng suotan ako nito ng pink helmet sa ulo. "Sa langit." Nakangiting wika ni Vann sabay buhat sa'kin at iniangkas ako sa Ducati nito. "Siräulo! Ayaw ko pang mamatay." Nagawa ko pa ring ismidan ito kahit na nga alam kong hindi naman nito makikita. "Hold me tight My ysay." wika pa nito sabay kuha sa dalawa kong kamay para iyapos sa baywang nito. Sunod ay pinaandar na nito ang motor. My ysay? Para akong nahulog sa malalim na pag iisip ng marinig iyon. Pamilyar iyon sa'kin. Meron isang tao na tumatawag sa'kin noon pero 'di ko na maalala. **** The High Tide Table Basa ko sa taas ng pinagdalhan sa'kin ni Vann. Namangha ako ng makita ang seaside resto na pinagdalhan sa'kin ni Vann. Napakaganda ng view at refreshing. "Hi! Belle." Bati sa'kin ng isang babae at niyakap pa ako nito. Naguguluhan akong tumingin kay Vann na para bang naghahanap ako ng kasagutan sa ginawa ng babae. "Wait You don't remember-" "Vanna-" putol ni Vann sa babae. Nakita kong nagkatinginan si Vann at ang tinawag nitong Vanna. "Uhm.. I'm Nirvanna twin sister ni Vann." Sabay lahad ng kamay sa'kin. Nakangiti naman akong tinanggap iyon. "Tara sa loob kanina pa naghihintay si Grandma." Aya ni Vanna at nauna na itong pumasok sa loob. Naguguluhan man ay sumunod na lang ako ng igiya ako ni Vann paloob. Namangha ako't natakam ng makita ang nakahaing pagkain sa lamesa. Ibat-ibang uri ng seafood recipes ang nakalatag. Agad akong lumapit sa Lola ni Vann at nag mano. Nakangiti naman itong inabot ang kamay. Nahihiya ako Lalo na't muli kong nakaharap ang Lola ni Vann pero di ko na naiwasang pigilan ang gutom kaya ng mag aya itong maupo na kami ni Vann ay talagang naupo na agad ako. Medyo napatawa pa sa'kin si Vann pero di ko na iyon pinansin pa. Katabi ng Lola ni Vann si Nirvanna at kami naman ni Vann ang magkatabi. Napansin kong wala yong babaeng kasama nong una ng Lola ni Vann. Nilagyan ako ni Vann ng kanin at ginataang hipon. Pero ang hipon ay hinimay n'ya muna bago ilagay sa pinggan ko. May ibang seafood pa itong nilagay pero 'di ko alam ang tawag dahil abala na ako sa pag nguya. "Hindi ka ba kakain?" tanong ko kay Vann dahil busy ito sa paghimay ng hipon na nilalagay sa pinggan ko. "Okay na to, Kumain ka na din." sabi ko kay Vann at ako na ang naglagay ng kanin sa pinggan ni Vann. Maging ang ulam ay nilagyan ko na rin ito. Narinig kong pigil na tumawa si Nirvanna, maging si Lola ay tila kinikilig din. Di ko tuloy naiwasang mahiya. Kumakain na kami ng tumunog ang cellphone ni Nirvanna. Agad nito iyong kinuha at nalamang may tumatawag. "Who's that?" Tanong ng Lola ni Vann. "It's Mom, Grandma." Nakita kong biglang nag iba ang mood ng Lola ni Vann ng sabihin iyon ni Nirvanna. "Yes Mom, I'm with Vann and Grandma. Here at our resto." Tapos ay ibinaba na ni Nirvanna ang tawag. "What's your mother's trick again?" Napasulyap ako sa nagsalitang Lola ni Vann. Hindi maitagong imbyerna ito sa nanay nina Vann. Nagkibit balikat lang si Nirvanna at muli ng pinagpatuloy ang pagkain. Minutes after... "Mom" wika ni Nirvanna, nakatingin sa likod na bahagi namin ni Vann. "What the- she's with Yvonne." bulalas ni Nirvanna. "Hello! My daughter. Mom, you're also here." sunod ay nag beso ito sa pisngi ng Lola ni Vann. Nakasimangot naman ang matanda ng ginawa iyon ng bagong dating. "Oh, My Son, I'm with your fiancee." Napalunok ako bigla ng makitang lumapit ang babaeng kasama ng nanay ni Van kay Grandma at nag beso ito, sunod ay si Vann naman ang nilapitan nito at humalik ito sa labi ni Vann. Nagulat ako sa ginawa ng babae pero hindi ko ipinahalata. Kinuha ko ang tubig na may baso at uminom, baka sakaling matanggal ang kudlit na sakit sa dibdib ko. "Regina! Stop this! bring her with you and get out of here." Turo ng matanda sa nanay ni Vann at sa babaeng humalik kay Vann. Tapos biglang napahawak sa dibdib ang matanda. " Mom, Please! " May diing wika ni Vann. "Okay We'll leave for now, pero si Yvonne ang pakakasalan mo." Wika ng nanay ni Vann at masamang tumingin sa'kin. " Bye! My love, see you soon." Wika ng babae, yumuko ang babae para humalik kay Vann pero sa'kin nakatingin, pero ako na ang umiwas ng tingin. ... May ilang minuto na rin ang lumipas bago ko naisipang magpaalam. Humingi ng despensa sa'kin ang Lola ni Vann, maging si Nirvanna at bakas sa mukha ang paghingi ng paumanhin pero sinuklian ko lang ng tipid na ngiti ang mga ito. Inihatid ako ni Vann sa trabaho. Sakay muli ng Ducati pabalik ng store. Pagkahinto ng motor ay tinulungan ako ni Vann na tanggalin ang helmet. "Okay ka lang?" Bungad na tanong sa'kin ni Vann pagkatanggal ng helmet. "Oo naman, bakit?" pormal kong sabi. Sabay baba ng motor. " Hindi ka ba magagalit?" Usisa ulit ni Vann. " Ha? Bakit naman ako magagalit?" "Kasi girlfriend kita pero-" "Ahh..yon ba! Wala yon, nagpapanggap lang naman tayo diba." "Sige na, umalis ka na, papasok na ako." Taboy ko kay Vann. Hindi ko na hinintay na muling sumagot si Vann dahil tinalikuran ko na ito at pumasok na ako sa loob ng store. Ang totoo pagkapasok ko ng store ay kumubli ako at hinintay ko munang tuluyang makaalis si Vann. Katulad ng hinala ko, late ako ng halos isa't kalahating oras. Kaya naman napilitan akong mag half day na lang. Ang ending umuwe ako ng maagap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD